DARATING ang panahong nganga ang karamihan sa indie actors and
actresses dahil base sa line-up ng entries ng Cinemalaya 2012, pawang
de-kalidad na mainstream actors ang bida sa kalahok, huh!
Nangunguna na rito si Judy Ann Santos sa pelikulang Mga Mumunting
Lihim na mula sa direksyon ni Joey Javier Reyes. Eh, kasama pa niya sa
cast sina Janice de Belen at Iza Calzado, lalong tumingkad ang indie
movie.
Ang ilan pa sa mainstream showbiz personalities na may entry sa
Cinemalaya na magsisimula sa July ay sina Coco Martin sa Santa Nina;
Eddie Garcia sa Bwakaw; Dawn Zulueta sa Ang Nawawala; Dennis Trillo sa
Katiwala, Mylene Dizon and Jodi Santamaria sa Aparisyon, Zanjoe Marudo
at Ananda Eviringham na Thai actor sa Kalayaan at Joel Torre sa Kamera
Obscura at iba pa.
Ang Cinemalaya kasi ang masasabing prestigious indie filmfest kung
saan lumutang ang kakayahan ni Eugene Domingo, hindi lang bilang aktres,
kundi maging box-office attraction, huh!
Ito rin ang nagsisilbing guide ng ilang award-giving bodies sa pagpili ng mahuhusay na pelikula at pagganap.
Hindi man nakukuha ng malalaking artista ang totoong talent fee nila
sa paggawa ng indie movies, still, nagagawa nilang gawin ang roles na
hindi kayang sugalan ng mainstream producers.
Kapag nagpatuloy nga lang ang paglabas ng malalaking artista sa
Cinemalaya entries, mababawasan ng trabaho ang ilang artistang ang
tanging hanapbuhay ay maging bahagi ng independent films.
source here
No comments:
Post a Comment