@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, May 30, 2013

Judy Ann says KC's role in new soap fits her

Judy Ann Santos is back on television via ABS-CBN's upcoming soap "Huwag Ka Lang Mawawala."
The actress, who is dubbed as the "Queen of Teleseryes," will play the role of Anessa, a battered wife who will do everything to be free from her husband (Sam Milby) and to protect her child.
"Ang lakas ng dating ng soap nito, kasi gusto naming ipakita sa tao na kung ano ang nangyayari sa teleserye, pwedeng mangyari sa totoong buhay, kaya nilang protektahan ang sarili nila," Santos said.
Also joining the soap is host-actress KC Concepcion, who is the other love interest of Milby in the series.
Santos said Concepcion's new role fits her, adding that it's about time that she plays a new character.
"Ito masasabi ko, talagang perfect 'yung role for KC. It's about time na gumawa siya ng ganitong klaseng role," Santos said.

Juday, ratsada ulit sa trabaho


Ratsada na naman sa trabaho si Judy Ann Santos. Nakabakasyon na naman kasi siya kaya kailangan niyang harapin ang kanyang mga commitment.

Una na riyan ang bagong drama series niyang Huwag Ka Lang Mawawala sa Channel 2.
Matagal na rin ‘yung huli niyang serye na Habang May Buhay kung saan reunited sila ng friend at number one nemesis niya sa drama na si Gladys Reyes.

Then, si Juday ang gusto ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na magbida sa Metro Manila Filmfest entry ng Regal. Ayaw pang sabihin ni Tito Alfie Lorenzo ang konsepto ng festival movie ng alaga.

Basta hands on ang manager sa kuwento pati na ang makakasama niya. Ang award-winning director na si Jun Lana ang director ng movie.

Hindi nambabae si Ryan kahit kailan — Judy Ann

http://asia.widmi.com/index.php/philippines/balita-online/atbp-showbiz/125698-hindi-nambabae-si-ryan-kahit-kailan-%E2%80%94-judy-ann

SPEECHLESS si Sam Milby nang purihin siya ni Judy Ann Santos sa pagsasama nila sa paggawa ng seryeng Huwag Ka Lang Mawawala.

Judy Ann SantosNakikita raw ni Juday na malaki na ang pagbabago ng aktor.
Matatandaang sinabi ni Sam na intimidated siya kay Juday kapag magkaeksena sila, kaya tinanong ang aktres kung ano ang ginagawa niya para mawala ang nerbiyos o kaba ng aktor.

“Wala, dinededma ko lang siya,” natawang sagot ni Judy Ann. “Hindi, kasi magkakaibigan naman kami, even before na nag-start kami ng taping, nagkikita kami paminsan-minsan sa isang lugar, ganyan, tsikahan.
“Siguro, naninibago lang siya sa karakter niya dito sa soap dahil first time ni Sam na magiging kontrabida.
“Ang sabi niya sa akin, nabubulol siya kapag nandiyan ako. Sabi ko, ‘Ay hindi, Sam, sadyang bulol ka lang. Huwag mo akong sisihin, huwag kang nandadamay’.
“Hindi, pero in fairness naman kay Sam, sobrang makikita mo sa kanya ‘yung effort niya talaga na mag-Tagalog. At saka sa lahat yata ng trabaho ni Sam dito sa ABS-CBN, ito na yata ang pinakamasasabi kong pinakatalagang trinabaho niya at in-effort-an niya nang bongga kasi talagang ang husay ng trabaho ni Sam dito,” papuri ni Budaday kay Samuel.
Kilalang iyakin si Juday sa lahat ng seryeng nagawa na niya, kaya pinaka-challenging sa kanya ang Huwag Ka Lang Mawawala dahil pigil ang mga pag-iyak niya.
“At saka kailangan ko talagang baguhin ang karakter ko dito para ibang-iba sa mga napanood na ng mga tao. I guess the character is not hard but studying for that part is the hardest thing for me dahil ang tagal kong nawala, ‘tapos no’ng first taping day namin, kinakabahan ako, nahirapan ako sa mga breakdown scenes.
“’Pag masyado ka kasing masaya, parang ang hirap humugot, lahat na yata, pinatay ko na sa isip ko, hindi pa rin ako maiyak. Ang hirap. Normally, hindi ako inaabot ng 15 minutes to motivate.
“Pero no’ng time na ‘yun na nag-motivate ako sa breakdown scene, inabot ako ng 15-20 minutes kasi hindi ko alam kung paano ko siya huhugutin. Siguro, ‘yun ‘yung pinakamahirap,” pagtatapat ng aktres.
Samantala, nag-celebrate sina Juday at Ryan Agoncillo ng kanilang ikaapat na taong anibersaryo.
“Nag-breakfast lang kami sa Tagaytay, ‘tapos nag-mass kami together kay Fr. (Tito) Caluag, nagpa-bless lang kaming dalawa, ‘tapos umuwi na kami kasi nandu’n sina Mommy (Carol) sa bahay, mga anak namin, hinihintay din kami.
“Nag-dinner lang nu’ng gabi. Simple lang. Wala namang masyadong ganap,” say ni Mrs. Agoncillo.
Ilang beses na silang natsitsismis na naghiwalay na, pero heto at patuloy pa ring mainit ang kanilang pagsasama.
“I guess it’s important na sa couple, nandu’n pa rin ‘yung friendship ninyo, kung paano kayo nagsimula as couple and at the same time, may pag-a-adjust na nangyayari sa isa’t isa. Kung ano ‘yung gusto ng isa’t isa, kung ano ‘yung type ng isa’t isa, maga-adjust kayo.
“At saka, importante na may pinagtatawanan kayo. Very open kayo sa isa’t isa.
“For some couples kasi, nagwo-work ‘yung mag-usap na tayo ngayon, ngayon na mismo, dapat tapusin natin ‘to. Pero sa amin ni Rye, kung minsan, mas nagwo-work ‘yung huwag muna kaming mag-usap, mga isa o dalawang araw, minsan umaabot kami ng tatlo o apat na araw.
“Para ‘pag nag-usap kami, ‘yung kalmado na kami, ‘yung wala kaming nasasabing hindi maganda sa isa’t isa.
“Mas payapa ‘yung talk kasi mas nagkakaintindihan kayo. Unlike ‘pag parehong mainit ulo namin, walang natatapos, nagkakasakitan lang kami ng mga salita.
“Basta sa amin, mas nagwo-work ‘yung ‘kalma muna tayo, ‘Tsong, dito ka, dito ako’. Pero ‘pagka may mga issues kami, we make it a point na hangga’t maaari, natutulog kami sa isang kuwarto, sa isang kama. ‘Yun ‘yung talagang napagkasunduan namin,” rebelasyon ni Juday.
Ang higit na nagpapatibay sa pagsasama nilang dalawa ay ang, “Trust and loyalty ni Ryan, 150% ‘yan. Hindi talaga ‘yan (nambabae) kahit kelan, malalaman mo (kasi) napaka-honest na tao ni Ryan, ‘yung tipo na hindi magtatago sa ‘yo. Kung ano ang ayaw niya sa ‘yo, sasabihin niya sa ‘yo, ganu’n siya ka-honest na tao,” pagtatapat ng magandang maybahay ni Ryan.
Susme, kung mambabae pa si Ryan, ewan ko na lang, halos na’ kay Budaday na ang lahat. Magaling magluto, marunong sa bahay, masinop, magaling mag-alaga sa mga anak, matinong babae, sexy, at higit sa lahat, walang bisyo dahil hindi mahilig sa gimikan at hindi na rin siya magastos.

Juday sinupalpal ang pagiging bulol ni Sam

http://www.philstar.com/pang-movies/2013/05/24/945701/juday-sinupalpal-ang-pagiging-bulol-ni-sam


Puring-puri ni Judy Ann Santos ang mga co-star niya sa Huwag Ka Lang Mawawala na sina Sam Milby at KC Concepcion. Pero may tsika na intimidated ang dalawa kay Juday kaya natanong ang Queen of Teleserye kung paano ang ginawa niya para ma-relax ang mga kasamahan.
“Wala. Dinededma ko lang sila,” say ni Juday at saka natawa.
“Hindi, kasi magkakaibigan naman kami. Even before na nag-start kami ng taping nagkikita kami paminsan-minsan sa isang lugar, ganyan, tsikahan.”
Dagdag pa ng aktres, siguro ay naninibago lang sila sa mga karakter nila sa soap dahil si Sam first time na magiging kontrabida. Si KC, ganun din. So, parang hindi raw nila alam kung paano nila ipupuwesto ’yung sarili nila.
“Si Sam naman, ang sabi niya sa akin, nabubulol siya kapag nandiyan ako. Sabi ko, ‘Ay hindi, Sam, sadyang bulol ka lang. Huwag mo akong sisihin. Huwag kang nandadamay.’
“Hindi, pero in fairness naman kay Sam, sobrang makikita mo sa kanya ’yung… alam mo ’yun? ’Yung effort niya talaga na mag-Tagalog.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
“At saka sa lahat yata ng trabaho ni Sam dito sa ABS-CBN, ito na yata ang pinakamasasabi kong pinaka-talagang trinabaho niya at in-effort-an niya nang bongga kasi talagang ang husay ng trabaho ni Sam dito,” masayang kuwento ng aktres.
Ang pinakamalaking challenge naman niya sa seryeng ito ay ang matutunang pigilin ang luha. As we all know, isa si Juday sa mga aktres nating napakadaling magpatulo ng luha sa kanyang mga serye. Pero rito raw ay natutunan nga niya na pigilin iyon.
“At saka kailangan ko talagang baguhin ang karakter ko para ibang-iba sa mga napanood na ng mga tao. I guess the character is not hard but studying for that part is the hardest thing for me dahil ang tagal kong nawala, ’tapos nung first taping day namin kinakabahan ako, nahirapan ako sa mga breakdown scene.
“’Pag masyado ka kasing masaya, parang ang hirap humugot, lahat na yata pinatay ko na sa isip ko, hindi pa rin ako maiyak. Ang hirap. Normally, hindi ako inaabot ng fifteen minutes to motivate. Pero nung time na ’yun na nag-motivate ako sa breakdown scene, inabot ako ng fifteen to twenty minutes kasi hindi ko alam kung paano ko siya huhugutin. Siguro ’yun ’yung pinakamahirap,” pag-amin ni Juday.
Twenty seven years na ang aktres sa industriya at nang matanong kung ano ang kanyang sikreto sa kanyang tagumpay at pananatili sa showbiz, sabi niya, “I guess it’s in the cheeks.” Kaya nagtawanan lahat.
Matatandaang dati pa ay kinakantiyawan na ang bilugang mukha ni Juday at matatambok niyang pisngi.
 “’Di ba sa Chinese masuwerte raw ang bilog? Eh may tatlong bilog ako sa mukha,” natatawa niyang sabi.

Judai, nagpakita ng martial arts skills sa bagong teleserye


Judai personally chose cast of upcoming series

http://rp3.abs-cbnnews.com/entertainment/05/30/13/judai-personally-chose-cast-upcoming-series

Posted at 05/30/2013 8:45 PM | Updated as of 05/30/2013 9:06 PM
 Actress Judy Ann Santos talks about her upcoming series "Huwag Ka Lang Mawawala"
MANILA – Drama actress Judy Ann Santos said she is proud to have made the right choices in picking the cast of her upcoming series “Huwag Ka Lang Mawawala.”
Marking her comeback in the world of “teleseryes,” Santos said she is very proud of Sam Milby, who will portray a role far from what the viewers usually see him play.
“Kasi nung binasa ko 'yung script, ang una talagang aktor na pumasok sa isip ko, si Sam. Kasi ang ganda ng mukha at nakikitaan ko pa siya ng mas malalim pang acting sa mga past na mga trabaho na niya,” she said.
Santos said she was able to convince Milby to accept this project, saying that this series will be his “vehicle" to take on more mature characters.
Aside from Santos and Milby, “Huwag Ka Lang Mawawala” will also feature KC Concepcion and a special guest appearance of veteran actress Amalia Fuentes.
“Abangan po ninyo. Isang napakaimportanteng karakter ang gagampanan ni Ms. Amalia Fuentes, and with KC Concepcion, isa siyang revelation dito. Pareho sila ni Sam. I’m proud to say na hindi ako nagkamali sa mga choices ko sa series na ito dahil talagang revelation lahat ng tao dito,” she said.
For over two decades that she has been a Kapamilya, Santos said she feels flattered that the ABS-CBN network continuously entrusts good projects to her.
“Very thankful din naman ako talaga sa ABS-CBN dahil sa lahat lahat ng magagandang proyektong ibinigay nila sa akin, ipinagkatiwala pa din nilang ibigay sa akin itong ‘Huwag Ka Lang Mawawala.’ Ang tensyon ko abot langit,” she said.
The actress admitted she agreed to do this series, which will tackle the theme of empowering women.
“Very heavy drama ito. May martial arts kasi isho-showcase naming dito ang self-defense ng isang babae laban sa isang asawa na binubugbog siya -- woman empowerment. May advocacy din na pampagising sa mga tao at mga kababaihan na kailangan tayong lumaban sa mga pagkakataong kailangan tayong lumaban,” she said.
"Huwag Ka Lang Mawawala" tells the story of Anessa (Santos), a battered wife who will do everything to be free from her husband and to protect her child.
The series will air its pilot episode on June 17 on ABS-CBN's Primetime Bida block.

Judai's new teleserye aims to empower women

Judy Ann, personal na pinili ang cast ng kanyang upcoming teleserye

  • image
    "Ipinagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos na tama ang kanyang naging desisyon sa pagpili ng mga makakasama niya sa pagbabalik-teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala" matapos ang tatlong taon."
    Ipinagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos na tama ang kanyang naging desisyon sa pagpili ng mga makakasama niya sa pagbabalik-teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala" matapos ang tatlong taon.

    Sa muling pagsabak sa drama ng tinaguriang reyna ng soap opera, sinabi ni Judai na naaangkop kay Sam Milby ang gagampanan nitong role sa nalalapit na teleserye.

    "Kasi nung binasa ko 'yung script, ang una talagang aktor na pumasok sa isip ko, si Sam. Kasi ang ganda ng mukha at nakikitaan ko pa siya ng mas malalim pang acting sa mga past na mga trabaho na niya."

    Nakumbinsi niya si Sam na tanggapin ang role na magbubukas aniya sa aktor ng mas maraming oportunidad para gumanap sa mga mas mature na karakter.

    Kasama ring bibida sa "Huwag Ka Lang Mawawala" si KC Concepcion at ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes.

    "Abangan po ninyo. Isang napakaimportanteng karakter ang gagampanan ni Ms. Amalia Fuentes, and with KC Concepcion, isa siyang revelation dito. Pareho sila ni Sam. I'm proud to say na hindi ako nagkamali sa mga choices ko sa series na ito dahil talagang revelation lahat ng tao dito." 

    Dalawang dekadang Kapamilya

    Inamin naman ni Judy Ann na nagpapasalamat siya sa patuloy na tiwalang ibinibigay sa kaniya ng ABS-CBN sa loob ng dalawang dekada niyang pagiging Kapamilya.

    "Very thankful din naman ako talaga sa ABS-CBN dahil sa lahat lahat ng magagandang proyektong ibinigay nila sa akin, ipinagkatiwala pa rin nilang ibigay sa akin itong 'Huwag Ka Lang Mawawala.' Ang tensyon ko abot langit."

    Iikot aniya ang istorya ng kanyang teleserye sa pagpapalakas at pagpapatatag ng kalooban ng mga kababaihan.

    "Very heavy drama ito. May martial arts kasi iso-showcase namin dito ang self-defense ng isang babae laban sa isang asawa na binubugbog siya -- woman empowerment. May advocacy din na pampagising sa mga tao at mga kababaihan na kailangan tayong lumaban sa mga pagkakataong kailangan tayong lumaban." 

    Gaganap ang aktres bilang si "Anessa" na isang battered wife at gagawin ang lahat upang maipagtanggol ang anak.

    Magsisimulang mapanood ang "Huwag Ka Lang Mawawala" sa Hunyo 17 sa ABS-CBN Primetime Bida. Report from ABS-CBNnews.com

Wednesday, May 22, 2013

Judy Ann Santos @ Enpress Awards 2013 (credits to TeamJudayRyan)

Judy Ann Santos supports Ai-Ai, abused women


http://www.sunstar.com.ph/manila/entertainment/2013/05/23/judy-ann-santos-supports-ai-ai-abused-women-283766

Thursday, May 23, 2013
SEASONED actress Judy Ann Santos said she offers her latest primetime project, "Huwag Ka Lang Mawawala," to Comedy Queen Ai-Ai delas Alas and to other women who are victims of physical abuse.
In the series, Judy Ann will take the role of Anessa, a woman who falls deeply in love with Eros, played by Sam Milby. She will latter on find out that the man she love and marries will brought harm to her life.
The actress said the storyline of her new series somehow mirrors the current situation of Ai-Ai who recently revealed the alleged physical and verbal abuses she had received from her husband, Jed Salang. The couple broke up a month after they got married in Las Vegas, Nevada.
"Kaibigan natin si Ai-Ai. I don't know Jed personally and I have nothing else to say to him. It's just that it is really sad dahil ang isang love story na pinangarap ng isang tao, all of a sudden biglang nawala," Judy Ann said.
She added that the industry sympathizes with the comedienne.
"Mahal namin siya. We're all here for her. Sana sa paglabas nitong soap na pinaghanda namin, marami kaming mahikayat na kababaihan na ipaglaban ninyo ang sarili ninyo," she said.
Judy Ann shared that she accepted her role in the new series as it challenges her acting ability. It also serves as her come back project after almost three years of not doing any series on television.
She added that she aims to empower women through the show.
"It's about women empowerment and at the same time pinapakita dito na ang babae hindi dapat sinasaktan, ang babae dapat marunong lumaban, hangga't tama yung pinaglalaban niya.Hindi porket asawa ka, papayag ka na lang na inaapi ka na. Makaka-relate ang mga babae ditto," Judy Ann said.
"Nakakalungkot lang isipin na mas maraming babae ngayon ang involved sa situation na dehado sila. This is to inspire women na hindi sa lahat ng pagkakataon lalake ang sinusunod lalo na kung maling mali ang nangyayari," she added.
She said the new series will also teach women how to protect themselves when they caught in unfortunate situation.
Judy Ann said the whole cast poured much effort and hard work into the project just to give quality programming to the viewing public.
"Huwag Ka Lang Mawawala" premieres on June 17 on ABS-CBN Primetime Bida.

Judai flattered over 'Teleserye Queen' tag


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/23/13/judai-flattered-over-teleserye-queen-tag

Posted at 05/23/2013 11:52 AM | Updated as of 05/23/2013 11:52 AM
Actress Judy Ann Santos. File photo
MANILA, Philippines -- Actress Judy Ann Santos admitted that she has mixed feelings about being dubbed the "Queen of Teleseryes."
"Nahihiya ako sa totoo. Nakaka-flatter, hindi ko tatanggalin ang pakiramdam na nakaka-flatter talaga. But then again, minsan iisipin mo 'deserve ko ba ito, hindi ba parang OA ito?'" Santos told ABS-CBNNews.com.
"Kasi siyempre hindi mo maiiwasan na makapag-isip ng ganito kasi may mga taong magbibigay ng negative na komento tungkol sa pagiging 'The Queen.' Hindi naman po ako ang nagbigay nito sa sarili ko, pero I'm flattered. Wala akong maisip para mai-describe ang nararamdaman ko kung hindi flattery at thankful," she added.
The actress stressed she's really grateful to ABS-CBN for always trusting her and giving her "good projects."
"For the longest time, nandiyan pa din ang ABS-CBN to protect me and give me good projects. Ang magiging balik ko sa kanila ay mabigyan sila ng pinakamagandang trabaho na pwede kong ibigay," Santos said.
Santos credited her soap "Mara Clara" for her success as an actress.
"Lahat lahat ng 'yan nagsimula sa 'Mara Clara.' Dahil din 'Mara Clara' ang huling soap na umabot ng limang taon, 'yun ang pinakatumatak sa mga tao. From there nag-start, dahil siguro lumaki ako sa mata ng mga tao ng limang taon at after that sunod-sunod ang binigay na serye sa akin ng ABS-CBN. Kaya siguro nabansagan ako na teleserye actress. Doon ako nasanay at ito ang parte ng sistema ko na hindi ko makakalimutan. It will always be part of me," she said.
Santos is set to return to TV drama via the series "Huwag Ka Lang Mawawala" -- three years after her last soap "Habang May Buhay" in 2010.
In "Huwag Ka Lang Mawawala," Santos will play the character of Anessa, a battered wife who will do everything to be free from her husband and to protect her child.
"Huwag Ka Lang Mawawala" will air its pilot episode on June 17 on ABS-CBN's Primetime Bida block.

Judai expresses support for Ai Ai

Huwag ka Lang Mawawala Promo photos (credit to the original owners)











‘DI lang pinahahalata, Juday umaming nagkaka-problema NA ang pagsasama nila ni Ryan!


http://www.philstar.com/pang-movies/2013/05/23/945299/di-lang-pinahahalata-juday-umaming-nagkaka-problema-na-ang-pagsasama

MANILA, Philippines - Finally, the long wait is over especially sa mga fans ni Judy Ann Santos na matagal nang hinihintay ang pagbabalik ng Queen of Teleserye. Sa wakas ay ieere na ngayong June ang highly-anticipated Huwag Ka Lang Mawawala (dating Against All Odds) kung saan ay kasama rin ng aktres sina Sam Milby, KC Concepcion, John Estrada, Mylene Dizon, at marami pang iba.
Kahapon ay nagkaroon na ng photo shoot ang buong cast na ginanap sa studio 10 ng ABS-CBN at sinaksihan ito ng ilang imbitadong entertainment press.
Sa photo shoot pa lang ay bongga na ang ginawang presentation ng network at bago pa man dumating si Juday, paulit-ulit ang announcement nilang “The Queen is Back!”
Birong sagot tuloy ng aktres, “the queen is backless!” dahil sa bonggang backless gown niyang suot.
Seriously, how does it feel that the Queen is back?
“Sa totoo, sobrang mas ‘yung kaba, pero ‘yung tuwa, nakaka-overwhelm and ‘yung pressure. . .wala nang stress, eh, much more on ‘yung nakaka-tense.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
“Nakaka-tense talaga dahil siyempre iniisip mo kung ano ang sasabihin ng mga tao sa trabaho mo after a long time. It’s been two year, magti-three years (since gumawa siya ng soap), tapos med­yo bago-bago ‘yung storya, hindi ‘yung typical na love story, it’s about women empowerment and at the same time apaw na apaw ka sa emosyon dahil all of a sudden, ang daming atensiyon, bigay-buhos ka talaga. And of course, very thankful,” pahayag ni Juday.
Ipakikita raw sa serye na ang babae ay hindi dapat sinasaktan, na dapat ay marunong lumaban at hindi raw porke’t asawa na ay puwede nang apihin kaya tiyak daw na maraming makaka-relate na mga kababaihan.
Very timely nga ang serye dahil as we all know, ang hot issue ngayon sa showbiz ay ang sinapit ni AiAi delas Alas sa piling ng asawa kaya nahingan dito ng reaksiyon si Juday.
 “Well, siyempre sad, kaibigan natin si AiAi, I don’t know Jed personally and you know, I have nothing else to say to him. It’s just that it’s really sad na parang ang isang love story na pinangarap ng isang tao, all of a sudden, biglang nawala.
“And sana talaga, walang ganu’n ‘di ba, sana ang lalaki hindi umaabot sa puntong kailangang pagbuhatan ng kamay ang babae- asawa, anak, nanay o kung sino pa man. Kasi hindi dapat nagkakasakitan ang mga taong nagmamahalan.”
Ang serye ay dedicated hindi lang daw kay AiAi kundi para sa lahat ng kababaihan na nakakaranas ng pang-aabuso. Pero hindi naman daw ito sinadyang gawin for AiAi only.
“Nagkataon lang talaga. Pero hindi naman ito talaga patungkol sa sitwasyon ni Ms. AiAi. Mahal namin siya, and we’re all here for her, nagkataon lang na ito ang naging tema ng teleserye namin.”
Pagdating naman sa sarili niyang married life at sa pagsasama nila ni Ryan Agoncillo, aniya ay nagkakaroon din naman sila ng mga pag-aaway ng asawa.
“May mga moments din naman na may mga issues kami ni Rye (Ryan), hindi naman ito bed of roses, may mga pinagdadaanan din naman kami, hindi lang halata.
“Pero ‘yung issue na ‘yun, sa amin lang ‘yun, sa bahay lang ‘yun, hindi na namin hinahayang lumabas pa. Kung anuman ang pinagdadaanan namin, it makes us stronger and it makes us better persons. So, wala ‘yun, dedma lang.”
May tsika ring lumalabas na may secret annulment na raw nagaganap sa kanila ni Ryan na mahirap talagang paniwalaan and true enough, natawa lang si Juday nang klaruhin ito sa kanya.
“Ano ba ‘yan? Eh di ba, ang mahal-mahal magpa-annul ngayon, ba’t magpapa-annul pa? Saka meron bang secret annulment?” natatawang sabi ni Juday.
Noon pa ay paulit-ulit na lang ang issue ng hiwalayan nina Juday at Ryan kaya tinatawanan na lang daw nila ito.
“Nakakaawa na sila kung sinuman ang gumagawa ng istorya na ‘yan. Sa totoo, nakakaawa. Kasi, parang. . .bored ba kayo? Kasi, paulit-ulit na lang. Kailangan bang gumawa kami ng event na kakaibang pag-uusapan para malayo naman tayo sa hiwalayan na tsismis.
“Pero nakakatawa na lang din dahil meron ba kaming ipinakitang eksena ni Ryan na pwedeng mag-conclude na naghiwalay kami or nag-undergo kami ng counselling.
“Pero sa isang banda, gusto na lang naming isipin na baka concerned lang sila,” say ni Juday.
Gusto na lang daw niyang mag-isip ng positibo lalo pa nga’t napakaswerte raw niya this year.
 “So, tinatawanan ko na lang dahil masyado akong masaya ngayon, masya­do akong proud, masyado akong overwhelmed with happiness right now. So ayokong masira ang konsentrasyon ko, ayokong masira ang focus ko. I’m just really very happy,” pahayag pa ng aktres. 

JUDY ANN SANTOS : The Queen of Soap Returns!



http://aliwanavenue.com/2013/05/22/judy-ann-santos-the-queen-of-soap-returns/
Welcome Back , JUDY ANN !
Welcome Back , JUDY ANN !
JUDY ANN SANTOS is set to be a part of your nightly tv viewing now that her ‘HUWAG KA LANG MAWAWALA’  is about to have its premiere on your homescreens (formerly called boobtube).  Judy Ann , who from childhood stole our hearts with her cuteness and non-acting stunts is playing a battered wife this time.  This women-empowerment motivated series also stars Tirso Cruz III, John Estrada, Matet, Susan Africa, Mylene Dizon with  Sam Milby and KC Concepcion playing villains for the first time.  HKLM will air this June on ABS2.

Judai, Ryan mark 4th year amid split rumors


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/22/13/judai-ryan-mark-4th-year-amid-split-rumors


Judy Ann Santos with husband Ryan Agoncillo
MANILA, Philippines -- Actress Judy Ann Santos on Wednesday again brushed off persistent rumors that she and husband Ryan Agoncillo have already separated.
"Nakakaawa na sila kung sino man ang gumagawa ng istorya na yan, sa totoo nakakaawa. Bored ba kayo? Kasi nakaka-boring na 'yan. Parang paulit-ulit na lang. Kailangan bang gumawa kami ng event na pag-uusapan para malayo kami sa hiwalayan na tsismis?"Santos told reporters on Wednesday during the pictorial of her upcoming series, "Huwag Ka Lang Mawawala," which promotes women empowerment.
"Nakakatawa na lang din. Mayroon ba kaming pinakitang eksena ni Ryan na para mag-conclude na naghiwalay kami or nag-undergo kami ng marriage counselling? Pero siyempre sa kabilang banda ay gusto mong isipin na baka concerned lang sila so nasa positive na lang ako," she said.
"Ayaw kong magpaka-nega dahil napakaraming swerteng pumapasok. Ang dami kong trabaho this year, the whole ABS-CBN is here. So kung magpapaka-nega pa ako para namang napaka-bitter pa ako sa nangyayari sa akin. Masyado akong masaya ngayon. Masyado akong proud, overwhelmed with happiness. Ayaw kong masira ang concenration ko ngayon. I'm just really very happy," she stressed.
Santos also denied reports that they have secretly filed for an annulment.
"Ano ba yan? Hindi ba ang mahal magpa-annul ngayon? Bakit magpapa-annul? Kung magpapa-annul kami hindi na namin ipapaalam para hindi kami magbayad. Mayroon bang secret annulment, hindi ba wala? Napakaraming tsismosa dito sa Pilipinas maisi-secret mo ba ang annulment," an irked Santos said.
Santos and Agoncillo recently celebrated their fourth wedding anniversary. The showbiz couple tied the knot on April 28, 2009 at San Juan Nepomuceno Church in San Juan, Batangas.
Asked how they marked their anniversary, she said they had breakfast in Tagaytay and heard Mass.
"Nagpa-bless kaming dalawa at umuwi na kami kasi nandoon sila mommy sa bahay at mga anak namin, hinihintay kami. Nag-dinner kami, simple lang walang masyadong ganap kasi fourth wedding anniversary naman," she said.
Santos credited their strong relationship on the fact that they are friends to begin with.
"I guess it's important sa couple ay nandoon ang friendship niyo, kung paano kayo nagsimula as couple. May adjustment na nagaganap, kung ano ang gusto ng isa o ano ang gusto ng isa. Pinaka-importante na may pinagtatawanan kayo, very open kayo sa isa't isa," she said.
The actress admitted that like other couples, they also had their share of misunderstandings but they make sure to resolve these privately.
"May mga moments at may issues din kami ni Ry. Hindi naman ito bed of roses pagka-kasal namin, may pinagdadaanan din kami, hindi lang halata. Pero kung ano ang isyu na 'yon sa amin na lang 'yon, sa bahay lang 'yon. Kung ano ang isyu na 'yon ay natatapos sa bahay at hindi namin ina-allow na lumabas pa kasi it's between me and him. Pero kung ano ang pinagdadaanan namin, it's make us stronger and better. So wala 'yon, deadma," she said.
"Para sa amin ni Ry kung ang natutunan namin sa four years eh talagang dumarating ang pagsubok. Ang sa amin lang dapat may natutunan sa pinagdaaanan para kung ano ang nangyari ay hindi na ma-discuss o maulit kasi nanggaling ka na diyan eh," she added.
Defends Ryan
In the interview, Santos also defended Agoncillo on accusations that he is a womanizer.
"Nakakatawa na nga lang. 'Susmaryosep, napaka-gwapo mo, Ryan. Ang gwapo-gwapo mo, ang tangkad, tangkad mo,' sabi ko talaga sa kanya. Natatawa na lang talaga kami. Nahihiya at naawa ako sa mga babaeng kaibigan ni Ryan," she said.
"I mean hindi ba pwedeng makipagkaibigan ang lalaking may asawa sa isang babae? Hindi ba pwedeng huwag nating lagyan ng kulay kasi magkaibigan lang naman? Baka layuan ng mga kaibigang babae si Ryan, klaruhin natin," the actress added.
Santos stressed that Agoncillo is an honest and loyal husband.
"Yung trust and loyalty ni Ry ay 150% 'yan. Napaka-honest ni Ry, hindi siya yung tipong magtatago sa iyo. Kung ano ang ayaw, kung ano ang gusto niya sasabihin niya sa iyo," she said.

Judai dedicates new soap to Ai Ai, battered women


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/22/13/judai-dedicates-new-soap-ai-ai-battered-women

MANILA, Philippines -- Actress Judy Ann Santos, who has started working on her upcoming series "Huwag Ka Lang Mawawala," expressed her support to comedienne Ai Ai delas Alas.
Actress Judy Ann Santos. File photo
In an emotionalinterview with "The Buzz" on Sunday, delas Alas accused husband Jed Salang of physical abuse, as she confirmed that she left him on May 2 -- just almost a month after their wedding in Las Vegas.
Santos said she feels sad for her friend.
"I don't know Jed personally and I have nothing else to  say to him. It's just that really sad na ang isang love story na pinangarap ng isang tao, all of the sudden biglang nawala. Sana talaga ay walang ganoon," Santos told reporters on Wednesday during the pictorial of her upcoming series, which promotes women empowerment.
"Sana hindi umaabot ang lalaki sa puntong kailangang pagbuhatan ng kamay ang babae, asawa, anak, nanay o sino man kasi hindi dapat nagkakasakitan ang mga taong nagmamahalan," she added.
Santos, who was last seen on TV hosting "MasterChef Pinoy Edition," said she is dedicating her newest soap to all women who have suffered like delas Alas.
"Nagkataon lang talaga. Hindi naman ito talaga patungkol sa sitwasyon ni Miss Ai. Mahal namin siya and we are all here for her. Nagkataon lang  na ito ang naging tema ng teleserye namin. Sana sa paglabas nitong soap na pinaghandaan namin ay marami kaming mahikayat na kababaihan na ipaglaban ang sarili nila," Santos said.
"Huwag Ka Lang Mawawala" tells the story of Anessa, a battered wife who will do everything to be free from her husband and to protect her child.
The 'queen' is back
In the interview, Santos said she is excited about "Huwag Ka Lang Mawawala," which is her first telserye since "Habang May Buhay" in 2010.
"Sa totoo sobrang mas 'yung kaba, 'yung tuwa, nakaka-overwhelm at pressure. Wala ng stress, much more on nakaka-tense kasi iniisip mo kung ano ang magiging reaction ng tao mo after a long time," says Santos.
The actress admitted that she agreed to do the series to inspire women to fight for their rights. 
"Marami kasing consideration kapag nawala ka kasi nasanay ang tao na may ka-loveteam ka at romantic ang teleserye. Ngayon ang story ay about women empowerment. Ipapakita namin sa tao na ang babae hindi sinasaktan at ang babae marunong lumaban basta nasa tama ang ipaglalaban niya," she said.
"At para makapagboost ka ng pakiramdam ng isang babae na hindi porke asawa ka ay basta ka na lang papayag sa nangyayari lalo't naapi ka na. Maraming makaka-relate na mga babae dito," she added.
Santos said the series also encourages women to be physically fit.
"Ipapakita ang self defense at 'yung nangyayari ngayon sa mga kababaihan sa kabuuan. Isa 'yon sa nagpapayag sa akin ...Ako kasi gusto ko 'yung active ako sa soap, gusto ko 'yung gumagalaw. Dito ay napag-usapan namin na ayaw naming maging teleserye siya na puro iyakan," she said.
For the series, Santos will undergo martial arts training.
"May iti-take up kaming martial arts pero hindi pa namin alam. Basta it's all about self-defense kung paano mo i-defend sarili mo na walang armas," said Santos, who is into boxing.
"Huwag Ka Lang Mawawala" will air its pilot episode on June 17 on ABS-CBN's Primetime Bida block. 

Judy Ann Santos denies annulment rumors: ‘150 percent ang trust and loyalty ni Ryan’


http://push.abs-cbn.com/features/9368/judy-ann-santos-denies-annulment-rumors-150-percent-ang-trust-and-loyalty-ni-ryan/


0522413-judyann_main.jpgJudy Ann Santos stressed that there’s no truth to the circulating rumors that she and husband Ryan Agoncillo have secretly sought an annulment. Speculations about their separation have made headlines for several weeks now, claiming that there’s a third party involved on Ryan’s part. “Mayroon bang secret na annulment? ‘Di ba wala? Sa napakadaming tsismoso dito sa Pilipinas, ma-i-si-secret mo ba ang annulment,” said Judy Ann who merely laughed off the whole controversy during her promo shoot for the teleserye Huwag Ka Lang Mawawala earlier today, May 22. 

While they’re certainly not immune to marital spats, Judy Ann maintained that it never came to a point that they want to call it quits just because of a certain problem. “At saka parang sa amin niRy, kung ano man natutunan namin for the past 4 years na magasawa kami, talagang may darating na pagsubok. Ang sa amin lang dapat may natutunan ka para kung ano man nakaraan na pinagdaaanan hindi na ma-discuss. Hindi na maulit kasi galing ka na diyan eh.” 

Judy Ann also refuted persistent rumors that Ryan is a womanizer. As it is, the 35-year-old actress is very much secure with her relationship with him. She stressed that she has no problem with her husband having female friends. “Nakakatawa na lang. ‘Susmaryosep! Napakagwapo mo Ryan. Ang gwapo gwapo mo, ang tangkad tangkad mo.’ Natatawa na lang talaga kami. At saka naaawa ako, nahihiya ako sa mga babaeng kaibigan ni Ryan. Hindi ba pwedeng makipagkaibigan ang lalaking may asawa sa isang babae? Di ba natin pwedeng huwag lagyan ng kulay? Kasi magkaibigan lang naman. Baka naman layuan na ng mga babae si Ryan, mga kaibigang babae ha, klaruhin natin ’yan.”

When it comes down to it, Judy Ann is confident that her husband would never betray her trust. “Yungtrust and loyalty ni Ry, 150 percent ‘yan. Hindi yan kahit kailan… Malalaman mo napaka-honestna tao ni Ry. Hindi siya yung tipo na magtatago sa’yo. Kung anong ayaw nya sasabihin niya, kung anong gusto nya sasabihin nya. Ganon siya ka-honest.

Judy Ann further shared how she and Ryan marked their fourth wedding anniversary last April. “Yes.Simple lang, nag-breakfast lang kami sa Tagaytay, nag-mass lang kami together kay Father Tito Caluag, nagpa-bless lang kaming dalawa, tapos umuwi  na kami kasi nandun din sila mommy sa bahay, nag-lunch kami. Simple lang. Wala na masyadong ganap kasi fourth wedding anniversarynaman.” 

Thursday, May 16, 2013

Pekeng Judy Ann buking sa maling grammar nang mag-Ingles


http://www.philstar.com/pang-movies/2013/05/11/940892/pekeng-judy-ann-buking-sa-maling-grammar-nang-mag-ingles

Nabuking na may poser sa Instagram si Judy Ann Santos dahil sa kanyang maling English grammar.
Maniniwala na sana ang fans ni Juday na ito talaga ang may-ari ng Instagram account pero nabuking na may impostora siya dahil sa palpak na English grammar. Eh mahusay mag-Ingles si Judy Ann kaya nabawasan ang followers ng poser. Na-prove nila na may gumagamit lamang sa name at pictures ng kanilang idol.

Juday at Ryan pinipilit maghiwalay



Ginugulat at ginugulo pa rin ng mga tanong na paghihiwalay at annulment sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Nagtataka sila kung saan galing ang mga maling balita. Sure naman ang happy couple na never silang naapektuhan ng nasty rumor.

Tuesday, May 14, 2013

Wowie de Guzman, Judy Ann still in touch


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/14/13/wowie-de-guzman-judy-ann-still-touch

Posted at 05/14/2013 7:48 PM | Updated as of 05/14/2013 7:50 PM
Movie poster of Judy Ann Santos and Wowie de Guzman. Photo taken from Video 48's Facebook page

Why Wowie-Judai tandem split up

MANILA, Philippines -- Before she was paired on-screen with Piolo Pascual and husband Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos' "love team" with Wowie de Guzman was among the most popular showbiz tandems in the '90s.
"Noong kapanahunan pa namin ni Juday, grabe ang mga fans talaga. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganoong level ni Juday noon," the 36-year-old actor said in a recent interview aired on "The Jon Santos Show."
De Guzman was a member of the dance group Universal Motion Dancers when he was cast opposite Santos in the soap classic "Mara Clara" in 1993.
"'Yung 'Mara Clara' ang pinaka-una kong drama series na ginawa, at nag-audition pa talaga ako para sa role na Christian," de Guzman was quoted as saying in the interview by entertainment news site Philippine Entertainment Portal.
"Tandang-tanda ko pa na kaya ako nakuha dahil natandaan ng isang taga-production ng show yung nunal ko sa mukha. Mukhang babagay daw ako na ka-partner ni Mara," he said.
The ABS-CBN series ran for four years until 1997. By the time the soap ended, de Guzman and Santos were seen as among the most sought after team-ups of their generation.
"'Yun ang masasabi kong pinakamasayang part ng showbiz career ko noon," de Guzman said.
As a member of of a popular dance group who would make frequent appearances on noontime shows, de Guzman was already used to screaming fans. "Pero mas tumindi noong nagkasama na kami ni Juday," he said.
Split
Following the massive success of "Mara Clara," de Guzman and Santos were paired anew in another drama series, "Esperanza," in 1997.
It was in the same soap where Santos and Pascual's on-screen chemistry was tested, which spelled the slow demise of de Guzman's team-up with the actress.
"Hindi ko naman maidi-deny na malaki ang nagawa sa career namin ni Juday… 'yung loveteam namin. Pero siyempre, dumating din ang time na kailangang mag-move on na kaming dalawa mula sa loveteam namin," he said.
He added: "Hindi na rin kasi nagwu-work dahil may iba nang nali-link noon kay Juday at meron ding ibang nali-link sa akin. Ayaw na rin naming maguluhan pa ang mga fans kaya naging desisyon na rin namin ni Juday na tuldukan na ang loveteam namin."
Admittedly, his separation from Santos as an on-screen couple hurt his solo career.
"Hindi madali para sa akin kasi mas na-identify talaga ako kay Juday. Si Juday, nakita ninyo naman, hanggang ngayon ay nandiyan pa siya at kahit na sino ang i-partner sa kanya ay tanggap ng marami.
"Siguro nga, hanggang doon na lang ang pagsasama namin ni Juday talaga," he said.
Still in touch
Although their working relationship had already ended, de Guzman said he and Santos have remained in communication.
The actor said he has also maintained close relationships with their other "Mara Clara" co-stars Gladys Reyes and Christopher Roxas, who are now married.
"'Yung samahan nga namin sa 'Mara Clara,' hanggang ngayon solid pa rin. Silang tatlo ang tanging masasabi kong mga tunay kong mga kaibigan through thick and thin," de Guzman said.
"Lalo na si Juday, akala ko noon after ng love team namin, tapos na. Pero nandiyan pa rin siya bilang kaibigan. Kahit na may sarili na siyang pamilya, maaabot mo pa rin siya," he said.
Santos now has two children with Agoncillo, while de Guzman is married to businesswoman Sheryl Ann Reyes.
The actor, who recently made a guest appearance on the Kapamilya series "Little Champ," is now engaged in his family business, and continues to star in various local theater productions.

Tuesday, May 7, 2013

HUWAG KA LANG MAWAWALA OFFICIAL TRAILER

biboy_j_arboleda @BiboyJArboleda 15h #queenofteleserye #judyannsantos ploningerzee on screen for #huwagkalangmawawala #abscbn #tradeevent


Huwag ka lang Mawawala soon! (cto)

ABS-CBN Corporation @ABSCBN 15h
From Against All Odds, #HuwagKaLangMawawala is the new title of the Teleserye Queen Judy Ann Santos

Wednesday, May 1, 2013

Judy Ann Santos, deadma lang sa ‘hiwalayan’ issue nila ni Ryan Agoncillo


http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-deadma-lang-sa-hiwalayan-issue-nila-ni-ryan-agoncillo/

TINATAWANAN LANG daw ni Judy Ann Santos ang kalat na kalat na issue na hiwalay na silang mag asawa. Hindi nga raw nila alam ni Ryan Agoncillo kung sino at kanino galing nasabing tsismis.
Hindi nga raw nito alam ang intensiyon ng taong nagkakalat nito, gayong napaka-solid ng kanilang relasyon at mahal na mahal nila ang bawat isa. Naawa nga raw si Juday sa babaeng nali-link sa kanyang asawa na si Isabelle Daza, dahil kabagu-bago pa lang daw nito sa showbiz ay nali-link na sa may asawa.
“Pinagtawanan na lang namin ni Ryan ang isyu, pati ’yung annulled na raw ang kasal namin. Sabi nga ng asawa ko, ‘mabuti para mapakasalan uli niya ako’. Hindi ba puwedeng maging masaya. Hindi ako affected, magsasayang lang ako ng oras.”
Kahit nga raw si Ryan ay deadma lang sa nasabing issue dahil wala naman daw katotohanan. Mahal na mahal nito si Juday sampu ng kanilang dalawang anak.