"Ipinagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos na tama ang kanyang naging desisyon sa pagpili ng mga makakasama niya sa pagbabalik-teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala" matapos ang tatlong taon.
"
Ipinagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos na tama ang kanyang naging desisyon sa pagpili ng mga makakasama niya sa pagbabalik-teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala" matapos ang tatlong taon.
Sa muling pagsabak sa drama ng tinaguriang reyna ng soap opera, sinabi ni Judai na naaangkop kay Sam Milby ang gagampanan nitong role sa nalalapit na teleserye.
"Kasi nung binasa ko 'yung script, ang una talagang aktor na pumasok sa isip ko, si Sam. Kasi ang ganda ng mukha at nakikitaan ko pa siya ng mas malalim pang acting sa mga past na mga trabaho na niya."
Nakumbinsi niya si Sam na tanggapin ang role na magbubukas aniya sa aktor ng mas maraming oportunidad para gumanap sa mga mas mature na karakter.
Kasama ring bibida sa "Huwag Ka Lang Mawawala" si KC Concepcion at ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes.
"Abangan po ninyo. Isang napakaimportanteng karakter ang gagampanan ni Ms. Amalia Fuentes, and with KC Concepcion, isa siyang revelation dito. Pareho sila ni Sam. I'm proud to say na hindi ako nagkamali sa mga choices ko sa series na ito dahil talagang revelation lahat ng tao dito."
Dalawang dekadang Kapamilya
Inamin naman ni Judy Ann na nagpapasalamat siya sa patuloy na tiwalang ibinibigay sa kaniya ng ABS-CBN sa loob ng dalawang dekada niyang pagiging Kapamilya.
"Very thankful din naman ako talaga sa ABS-CBN dahil sa lahat lahat ng magagandang proyektong ibinigay nila sa akin, ipinagkatiwala pa rin nilang ibigay sa akin itong 'Huwag Ka Lang Mawawala.' Ang tensyon ko abot langit."
Iikot aniya ang istorya ng kanyang teleserye sa pagpapalakas at pagpapatatag ng kalooban ng mga kababaihan.
"Very heavy drama ito. May martial arts kasi iso-showcase namin dito ang self-defense ng isang babae laban sa isang asawa na binubugbog siya -- woman empowerment. May advocacy din na pampagising sa mga tao at mga kababaihan na kailangan tayong lumaban sa mga pagkakataong kailangan tayong lumaban."
Gaganap ang aktres bilang si "Anessa" na isang battered wife at gagawin ang lahat upang maipagtanggol ang anak.
Magsisimulang mapanood ang "Huwag Ka Lang Mawawala" sa Hunyo 17 sa ABS-CBN Primetime Bida. Report from ABS-CBNnews.com
No comments:
Post a Comment