@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 23, 2010

ABS_CBN Summer Station ID







Glitter Text Generator

Baby sa tiyan ni Juday, inuulan ng endorsements


Baby sa tiyan ni Juday, inuulan ng endorsements


MAY sagot ang ma*nager ni Judy Ann Santos sa mga nagkalat ng balita na nakunan o nagkaroon ng miscarriage ang kanyang alaga.


Sinabi ni Alfie Lorenzo na kinaiinggitan si Judy Ann kaya biktima ito ng mga paninira.


Ikinuwento ni Ka Alfie na kahit maliit pa ang ipinagbubuntis ni Judy Ann, may mga nakikipag-usap na sa kanya para sa mga product endorsement ng mag-ina.




GUSTO LANG TALAGANG PATAYIN SI JUDAY, HUH!


o JOJO GABINETE: Baby sa tiyan ni Juday, inuulan ng endorsements
ALFIE LORENZO: GUSTO LANG TALAGANG PATAYIN SI JUDAY, HUH!



WALA akong alam d’yan sa mga Facebook, Twitter o Friendster na uso ngayon kasi wala akong account isa man diyan sa mga nabanggit ko. Pero nagtataka ako sa ibang friends ko dahil nabasa raw nila sa isa sa tatlong nabanggit ko ang mga balita ko.


One time may binuksan ang assistant ko at nakita ko nga ang mga naka-save na shows ko including the shows na naging guest ako. May sarili akong file without my knowledge, huh!


From our “Eye to Eye” ni Inday Badiday to Velma’s show na niliwanag niya ang pagka-imbyerna ko sa kanya noon! Take two na lang itong nangyari sa New York last year of May.


***


Ogie Alcasid denied na may Regine Velasquez Twitter account ang syota niya. Vic de Leon Lima told Karen Davila on-air na almost 100 na ang gumagamit ng pangalan ni Karen sa Twitter.


Marami raw pekeng mga Twitters na gumagamit ng pangalan ng kung sinu-sino. Eh, sino ba ‘yung Marie na nag-twit na nakunan daw si Juday? Mamamatay-tao ang Twitter na ‘yun!


Hindi lang iilang kaibigan at fans ni Juday ang nag-text at nag-email asking kung totoo raw bang nakunan si Juday? Kasing-tunog ito nu’ng nauna pa kina Juday at Ryan Agoncillo na nagkumpirma na buntis na nga si Juday gayung ayaw pang magsalita ng mag-asawa hangga’t hindi nakukumpirma sa doktor ni Juday ang tutoo, or else baka maging false news lang ang pagbubuntis ni Juday.


Kaya nu’ng makuha ni Ryan ang X-ray ng fetus sa tiyan ni Juday ay siya mismo sa sariling bibig niya nanggaling ang excited na pagbabalita sa Eat Bulaga!


Ang pekeng balitang nakunan si Juday ay may masamang intensyon din. Kasi nasulat ko na rito na nakapila na ang mga gustong kumuha kay Juday bilang endorsers ng pampers, gatas at kung anu-ano pang produkto na pambata. Inggit ang ibang fans na walang ganoong offers ang mga idols nila kaya napagpasiyahan nilang siraan na lang si Juday sa pag-asa nilang mag-atrasan na ang mga offers na dumadagsa pa rin until now.


Ask Dondon Monteverde na masyadong forward sa offer niya na pati baby ni Juday isasali sa commercial this early, huh!


Kaya naman itong nag-email sa akin na fanatic ni Juday whose name is Mark na isang nurse sa Caga*yan de Oro City na diumano ay nag-twit si Claudine Barretto under the name dineybarretto (ano ‘yun Deny Barretto?).


Heto ang email ni Mark:


“Naka-attach ang screen cap sa email na ito, Sir Alfie. You can double check it sa Twitter account ni face of bitterness ang username niya sa Twitter is dineybaretto.


“Actually before Claudine Barretto ‘yung user name niya sa Twitter and then she changed it to dineybarretto.


“Actually Tito Alfie, personally gusto ko talagang magkaroon ng justice ang ginawa ni Claudine Barretto. Kasi parang napaka-ingrata naman niya para sabihin na kung hindi dahil sa paglipat niya hindi sana lalabas ‘yung show daw ni Juday. I twitted her na “I thought you’re friends, not good friends but I thought friends kayo, siguro that’s how show business works”.


“Sa totoo lang Tito Alfie, I may not know Juday personally but I’m certain she doesn’t deserve this.

Napaka-unfair ang ginawa ni Claudine. Juday was even sha*ring the award to her, tapos ito lang pala ang mangyayari? Juday was so blind kung ano na ang mga pinagsasabi ni Claudine sa kanya. I am so relieved that finally I had reached you, kasi kahit sinong tao pinatulan ko para lang mapalabas ito at para maabot sa inyo. I twitted Kris Aquino pero no comment siya. I emailed Dollyann Carvajal, no comment din. I even emailed some bunch of tabloid writers pero no comment din sila. I even gave them sa copy sa screen cap sa tinweet ni Claudine pero wala pa rin. Deadma lahat sila.


“Dito sa Cagayan de Oro banned na si Claudine. i told my friends and patients about it. I told my neighbors, lahat ng tao dito. At sinabi nila demonyita pala talaga ‘yang si Claudine. Now I don’t wonder kung bakit laos na siya! Kasi she doesn’t deserve to be respected. Wala siyang breeding!


“Please Tito Alfie, ikaw lang ang chance ko at ng mga fans ni Juday. Please, isiwalat mo sa publiko ito para ma*laman nila kung anong klaseng tao si Claudine sawsaw queen face of bitterness Barretto!


“I am Mark from CDO a huge fan of Juday since her Mara Clara days pa. Juday deserves to be the Teleserye Queen because she continues the legacy of Analissa and Flordeluna. She may have her share of failures and downfalls but she stood up after


every fall, that’s why she’s our inspiration sa totoo lang Tito Alfie and you have no idea kung gaano kalaki ang pasasalamat ko kay Juday.


“My lola just died who’s a fan of Juday and everytime I see Juday it brings me hope. It brings me the idea na there’s always a rainbow after the storm. Lalo na ngayon that she’s doing “Habang May Buhay”, a story of our profession as nurses and doctors. And we thank you so much Tito Alfie dahil kung wala kayo hindi sana namin makikilala si Juday. I know you’re rough in the edges, but haller!

You’re just doing what’s best for Juday.


“Sana po maka-reply din kayo!”




Showbiz
Ayaw magmana sa kanila, Juday at Ryan ayaw maging bansot ang anak
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated March 24, 2010 12:00 AM



Kakatuwa naman itong mother-to-be na si Judy Ann Santos, maraming gusto para sa kanyang isisilang mga pitong buwan mula ngayon. Sana raw mamana ng kanyang magiging anak ang kan*yang mga mata. ‘Di bale na raw na maging bilugan din ang mukha nito tulad niya, pero gusto niyang madala nito ang mga mata niya. Kung puwedeng mahiling, ayaw niyang makuha nito ang kakulangan nila ni Ryan sa height. Sana raw ay maging mas matangkad ito kesa sa kanila.

Pero kapag nahihimasmasan siya at nao-over*come yung sobrang kaligayahan na finally ay ibi*nigay na ng Diyos ang pinakahihiling nilang mag-asawa, hiling na lamang ni Juday ay maging ma*lusog ang isisilang niya at maisilang niya ito ng maluwalhati.

“Ke mataba siya o payat, maitim man o maputi, sana ay maisilang ko siya ng normal, malusog at mapalaki namin ni Ryan na isang mabuting anak,” say ng star ng Habang May Buhay na wala palang dahilan para iurong ng network ang pagpapalabas nito dahil maganda ito, at mahusay na naiarte ng cast ang kanilang mga roles.

Ayon sa pinaka-huling resulta ng TNS National Ratings, patuloy na nangunguna ito sa rating na 28.5%. Tiyak na hindi mabibigo ang mga masu*sugid na tagasubaybay ng serye sa mga magkakasunod na pasabog sa buhay ni nurse Jane Alcantara at sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Mabuti naman at kuryente lang ang balita na nakunan siya.

Glitter Text Generator

Monday, March 22, 2010

Judy Ann, biktima ng maling balita sa Twitter!





Judy Ann, biktima ng maling balita sa Twitter!






TUNGKOL pa rin sa Twitter, dahil siguro napakaraming artistang aktibo sa pagpo-post ng kanilang mga aktibidades sa naturang on-line site, ito ang nagiging paboritong hang-out naman ngayon ng ilang poser at ibang mga fanatics na ang goal naman ng iba ay makapanira or makapagkalat ng maling balita.


A certain Marie 0702 ang nag-post at nag-re-twit ng status na Juday had miscarriage 2 hours ago.


Nakita namin ang mga taong pinadalhan niya ng naturang balita at halos karamihan ay mga taong masasabing close kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Siyempre pa, ilan sa mga ito ay nag-worry dahil masamang balita nga naman ‘yun especially sa case ng mag-asawa na matagal din hinintay ang pagbubuntis ni Juday.


Naging maagap naman si Sunshine Cruz sa pagko-korek ng naturang mapanirang twit. Sinabi niya na that’s not true and that a certain Marie was twitting that message. Huwag naman daw ganu’n.


Tinanong namin si Sunshine kung na-verify, nakausap na ba niya si Juday. Sey nito, ka-BBM daw niya ang misis ni Ryan at hindi nga raw totoong nagkaroon siya ng miscarriage. In fact, sey raw ni Juday, she’s on her way to a meeting.


Maging ang nanay ni Juday na si Mommy Ca*rol Santos ay pinabulaa*nan ang balita at tulad ni Juday, sinabi nitong nasa meeting ang anak sa may Greenbelt area.


Hindi na kami magtataka kung maraming natanggap na text messages ang mag-asawa para kumpirmahin ng mga taong close sa kanila kung may katotoha*nan nga ang twit post na ‘yun.

===============================


Ryan idinenay na nakunan si Juday


SEEN : Ang denial ni Ryan Agoncillo sa tsismis na nakunan ang kanyang misis na si Judy Ann Santos.

Nilinaw ni Ryan na walang banta sa pagbubuntis ni Judy Ann.

Reply With Quote Multi-Quote This Message Quick reply to this message






NABULABOG ang showbiz kahapon dahil may isang taong nag-tweet sa Twitter na nagkaroon ng miscarriage si Judy Ann Santos.

Siyempre, nagulat ang lahat ng nakabasa sa malisyosang tweet, lalo na ang mga kaibigan ng aktres kaya tsinek agad kay Juday kung totoo ang balita.

It turned out na false alarm pala dahil may kumumpirma sa amin na kahapon ng tanghali, kasalukuyang nasa Greenbelt sa Makati si Juday at buong ningning na may ka-meeting.

Wala yatang magawa ang nag-tweet na ’yon at pati ang nananahimik na tao ay ginagawan ng maling balita.

by Nel Alejandrino
Monday, 22 March 2010 17:51
NAKAKATUWA naman itong si Ryan Agoncillo.

Wala siyang hindi pinagbibigyan sa mga hinihiling ng naglilihing asawa na si Judy Ann Santos. One time raw, Juday wanted na kumain ng isang klase ng fried chicken na nang puntahan ni Ryan ang restaurant na nag-o-offer nu’n, eh, nakasara na ito.

Poor, Ryan, he begged daw for the restaurant manager to cook even just one piece of chicken for Juday.

Nag-oblige naman kaagad ang nabanggit na restaurant manager.

Kung sabagay, how can you say no to a celebrity, especially if it’s for Ryan at ang humihiling ng food ay si Juday?


Judy Ann miscarried!
by: Edgar O. Cruz | STIR Editor in Chief
23 Mar 2010 | 09:18 AM

judy ann santos

Showbiz reporting is very predictable. Like clockwork, after she confirmed the pregnancy came the buzz that Judy Ann Santos had a miscarriage. This was dutifully denied by dad-to-be Ryan Agoncillo.

Showbiz reporting is like that. When a showbiz couple gets married, the relationship turn troubled and they are up to split. When a single actress hurriedly goes abroad, she’s hiding a pregnancy! If she returns after two months, she had an abortion!

So what else is new? Yes, there’s something fresh! Judy Ann’s miscarriage buzz cascaded true Twitter which is fast turning out the source of false and malicious biz tweets!


Glitter Text Generator

Sunday, March 21, 2010

Judai Tell-All Interview with boy Abunda about her pregnancy!








Glitter Text Generator

No cravings yet for Juday







No cravings yet for Juday

PROUD pregnant actress Judy Ann "Juday" Santos still doesn't experience morning sickness on the first trimester of her pregnancy.
On a television interview, Juday said that though she still doesn't have cravings and morning sickness, she find herself always looking for hubby Ryan Agoncillo.
Ryan who formally announced his wife's pregnancy is very loving and patient right now.
Juday shared that Ryan keeps giving her flowers and chocolates and is always there to help her with her pregnancy.
When asked by host Boy Abunda on who were those she called when they officially knew that she was pregnant, Juday said it was their immediate family and her talent manager Alfie Lorenzo.
"Right after the ultrasound, we were trying to call Tito Alfie, sabi ko kay Ryan na before mo i-announce, isa muna sa dapat na unang maka-alam eh si Tito Alfie," she said.
Juday added that it was Ryan who excitedly called almost everyone in the family and shared the good news.
One of the special persons who got a message and a picture of the ultrasound from Juday was Megastar
Sharon Cuneta.
Juday said she still couldn't believe that she is closed to Sharon and that she receives text from the Megastar.
"Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na katext ko si
Sharon Cuneta. Hindi maiaalis sa akin yung pagiging fan ko, yung natutulala ako pag nakikita ko sya, overwhelmed ako sa presence nya."
She also said that "Habang May Buhay" co-star and real life friend Gladys Reyes was very supportive on her pregnancy.
"Maya't maya yang magtetext yan sa akin... Para syang tatay ng anak ko. Nakakatuwa na ang dami nilang nag-care," Juday said of Gladys.
Juday and Ryan meanwhile have not made up their mind as of now on whether or not they want to know the gender of their baby.
The actress said they are happy for the love and support of the people who have been there with them through thick or thin. "I'm overflowing with happiness, and I can't be more happy. I'm very contented with what I have."


Glitter Text Generator

Wednesday, March 17, 2010

Judy Ann Santos, ‘di titigil sa pag-aartista kahit buntis na!




Judy Ann Santos, ‘di titigil sa pag-aartista kahit buntis na!


March 18, 2010
Visited 231 times, 231 so far today
under Showbiz
Post Tags: Archie de Calma, Judy Ann Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez



TULOY PA RIN daw ang pag-aartista ni Judy Ann Santos kahit papasok na sa ikatlong buwan ang pagbubuntis nito. Marami ang nagsasabing itinago pa ang kalagayan ni Judai ng ilang linggo dahil baka may masagasaan pang napirmahang kontrata ng endorsements na medyo off ‘pag siya’y magbuntis. Pero, mukhang maayos na nga ang lahat kaya openly ay ipinahayag na nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ang interesting stage na kinasasadlakan ng aktres.

Natutuwa si Ryan dahil masasabing handang-handa sila ni Judai sa pagdating ng bago nilang baby. Ang nauna nila, ang adopted na si Yohan, ay para bang naghanda rin sa kanila para sa pagkakaroon ng kapatid. This time, alam na alam na nila, more or less, ang gagawin.

Pero, iba pa rin ang feeling. Ang bagong baby ay iluluwal ni Judai at bawat araw nga na nasa sinapupunan niya ito, heaven sa kanya na talagang nire-record niya ang detalye. Nagsisimulang magsulat at magkalap na ng mga litrato si Judai sa kanyang pagbubuntis.

Sabi naman ni Ryan, hindi na pupuwedeng magbabad sa init ng ilaw si Judai. May oras na ang pagtatrabaho niya at kailangang maaga na siyang natutulog, mga bagay na dapat lang naman sa isang buntis. Ayaw nang mag-take pa ng risk nina Judai at Ryan kaya kung kinakailangang huminto na talaga sa mga aktibidades niya si Judai, susundin nila ang payo ng OB-Gyne, pero mukhang maayos, so far, ang pagbubuntis ni Judai.

Obviously, si Ryan ang magiging sobrang visible sa ngayon, lalo sa TV, as he hosts Talentadong Pinoy na lalong pinalaki ng TV5, sa pamamahala ni Manny Pangilinan. Si Judai naman ay tinatapos na ang unang tambalang pelikula nila ni Sarah Geronimo para sa Star Cinema, sa direksiyon ni Wenn Deramas.


================================
By: Alfie Lorenzo

ANONG sabi ko sa inyo?! Hayun at nag-isyu na si Bong Sumbong ng official statement na si Piolo Pascual ay under exclusive contract pa sa ABS-CBN Magic Kingdom!
Several reporters have written na nagpapadala raw ng feelers ang kampo ni Piolo sa GMA 7 at TV5 regarding his desire to move out of ABS-CBN.
Akala siguro nila eh pag-aagawan si Piolo eh ngayon pang wala nang value ang kanyang career, hindi na pagkakakitaan. Kumbaga, kasi there is no guarantee that any project for Piolo would result to a deluge of support from several commercials. Laylay na po ang career ng lolo ninyo!
Unlike Juday that has moved on. At kahit nag-asawa na si Juday, her career didn’t stop there.
Dagsa na naman ang commercials for her and her upcoming baby.
Ilang pampers commercial na ang iniaalok kay Juday, milk, baby dresses, at habang buntis, pampalusog sa dina*dala niya. Right now she’s weighing all the offers and will make her final choice next week.
Sana nga, hindi magka*problema sa schedu*ling ng apat na pelikula pang dapat na niyang ma-shoot: Hating Ka*patid, Peñafrancia project of Marilou Diaz-Abaya, Ouija 2 and Regal’s Juday-Ryan MMFFP entry.
Natatawang-nagtataka ang ibang mga reporters kung bakit basang-basa ko na raw ang moves ng mga taga-ABS-CBN. Eh sino ba ang nauna roon? Ako pah?
At sino ba ang may likha kay Piolo Pascual, ‘yun bang may hawak sa kanya ngayon?
Plinantsa namin ang movie career ni Piolo na alam kong kapag napasa-ibang kamay siya eh madidiskaril ang akyat niya sa ladder of stardom and success. Na siyang nangyayari ngayon.
Kaya taranta na ang handlers ni Piolo para sa kanya. Bibitiwan na lang ba nila basta si Piolo dahil hindi na nila alam ang gagawin para sa kanya?
‘Yan ang pinakamasakit. ‘Yung alam mong mala-Christopher de Leon ka sa akting at kasikatan, tapos, bigla ka na lang malalaglag sa hagdan ng tagumpay!
Napakasakit, Kuya Eddieeee!!!! So now, hindi pala interesado ang GMA 7 at TV5 sa isang tulad ni Piolo Pascual.
Anong klaseng sampal ba ang dumapo sa mukha ng papa ko? Kasintunog ba ng suntok ni Manny Pacquiao? Oh no, pia*nono!!!!
================================


ANG SAYA-SAYA NG atmosphere sa Eat… Bulaga! nu’ng nakaraang Biyernes dahil maganda ang balitang in-announce ni Ryan Agoncillo na nagdadalang-tao na nga si Judy Ann Santos ng mahigit dalawang buwan.

Sa totoo lang, alam naman ng mga taga-Bulaga noon pa pero nakiusap si Ryan na huwag munang ikuwento dahil ang gusto ni Ryan, sila mismo ni Judai ang mag-announce kapag kinumpirma na mismo ng kanilang OB-Gyne kasama pa ang ultrasound.

So, na-phone patch interview nga si Judai nu’ng Biyernes at sinabi nitong “Ayan, na-bullseye ni Ryan. Tao pala ako, akala ko robot ako, he-he-he!” Sey ni Judai na sobrang excited din sa kanyang pagdadalang-tao.

Napanood n’yo naman siguro sa Startalk nu’ng Sabado ang exclusive interview ni Joey de Leon sa kung paano in-announce ni Ryan sa kanila ang magandang balitang ‘yun, na idinaan pa niya sa paglaro ng Pinoy Henyo na si Allan K ang nakahula.

Ngayon, pinag-iisipan pa ng mag-asawa kung itutuloy pa ba nila ang bakasyon nila sa Europe dahil depende raw iyan sa payo ng kanilang doktor kung okay ba ito kay Judai o hindi.

Kung si Mommy Carol ang tatanungin, ayaw niya sana dahil baka risky ito sa pagbubuntis ng anak niya. Pero kung makapagpapahinga naman sila nang mabuti sa bakasyong ‘yun, sige ituloy na nila. Kaya lang siyempre, minsan nakaka-stress din ang pagbibiyahe, ‘di ba?

Ang isa pang tuwang-tuwa sa pagbubuntis ni Judai ay ang anak nilang si Yohan. Gusto nga raw nitong ipangalan ding Yohan ang magiging kapatid niya kaya lang hindi naman puwede, depende kung baby boy ito o girl.

Sabi naman nina Judai at Ryan, wala na silang hihilingin pa kung boy o girl dahil sa magandang blessing na ibinigay sa kanila ng Diyos, parang labis-labis na kung hihiling pa sila kung ano ang gusto nilang maging baby.

Kung ang lola naman ang tatanungin, type ni Mommy Carol na baby boy para kumpleto na raw sila dahil nandiyan na si Yohan na girl.

Sey naman ni Ryan, kung baby girl at least may kalaro na si Yohan. Kung boy naman, okay rin para kumpleto na nga.

Sa ngayon ay iniingatan daw nila si Judai at pinagbibigyan kung ano ang gusto nito. Pero hindi naman daw ito maarte sa paglilihi. Kuwento ni Ryan, medyo maselan lang ito sa mga pagkaing may masangsang na amoy.

Dati raw, ang hilig nitong kumain ng mga piniritong isda, ngayon ayaw na niya dahil ‘di niya type ang amoy nito.

Ang napansin lang ni Ryan, kapag kumakain siya, sumasabay si Judai sa kanya sa pagkain, o ‘di kaya, ‘pag inuubos nito ang mga kinakain ng aktres, ilang sandali lang inaantok na siya.

Parang totoo nga raw yata ‘yung pati ang asawang lalaki ay naglilihi rin kung makikisalo sa kinakain ng isang buntis. Ganu’n ang nangyayari ngayon kay Ryan.

Anyway, congratulations kina Ryan at Judai! At siyempre, halos lahat ay masaya para sa kanila dahil matagal na rin naman nilang hinihintay ito.


Glitter Text Generator

Tuesday, March 16, 2010

Women's Health Magazine

March issue of Women's Health Magazine








































































































































SNN: Judai Exclusive first tell all interview about her pregnanacy



Glitter Text Generator

Judy Ann Santos shares the details of her pregnancy




SNN Exclusive: Judy Ann Santos shares the details of her pregnancy

by Heidi Anicete | March 17, 2010 8:39 AM | Share this article

For the very first time, expectant mom Judy Ann Santos braves the press to tell the juicy details of her much awaited pregnancy. In an exclusive interview with Showbiz News Ngayon, she had finally revealed how she first realized and reacted in regard to the arrival of the new blessing in her life.

According to Judy Ann, it all actually started during the first week of February. Being as conscious as she is with her body, she said that she had somehow noticed changes in her body, which immediately made her suspicious. Upon realizing this, she tried to confirm her hunch through a personal pregnancy test kit. And to further elaborate the said account, she gladly exclaimed, “Nung nag-pregnancy test ako nagkataon nandoon si Ry (her husband Ryang Agoncillo) nanonood ng TV. Nag-test ako, tapos iniwan ko sandali sa banyo. Nung bumalik ako, tinignan ko: positive... Then nag-test ulit ako, I was thinking baka nagkamali lang. Positive ulit... Tinignan ko pa reaksyon ko sa salamin... Tapos noon ko lang sinabi kay Ry.”

The first people to hear of the said good news were no other than their adopted daughter Yohan and Judy Ann’s mother, who actually just lived nearby the couple. Judai even shared how her mom was actually jumping for joy while screaming.

Aside from her first realization, Judy Ann also blurted that another memorable moment in line with the said pregnancy is actually her first visit to her obstetrician. It is through her child’s first ultrasound where reality set in—there is a baby inside her womb. In explanation to this rather extraordinary experience she excitedly uttered, “Totoo pala ‘yon Tito Boy na it’s an amazing feeling when you see na someone is inside you.”

Glitter Text Generator

Judy Ann Santos admits that she's scared of her first pregnancy


Judy Ann Santos admits that she's scared of her first pregnancy

Judy Ann Santos admits that she's scared of her first pregnancy

Author: Bernie Franco

In an exclusive phone interview with The Buzz, Judy Ann Santos shared the details about her being pregnant for the first time. "I am ok, wala pa akong morning sickness. Madali lang ako mapagod kaya medyo dahan-dahan muna ako. Pero sa pagkain, hindi ako masyadong makakain ng seafood. Yung normal na kinakain ko like fish, veggies ' di ko makain. (So a ng mga kinakain ko lang) mga karne ganyan, porkchop," she admitted with a laugh. Good thing her husband Ryan Agoncillo and her adopted daughter Johanna Lois (Yohan) have been supportive of her now that she has a baby on the way. " Sobrang extra careful sila sa akin tsaka everyday nakikipag-usap sila sa baby. Nawi-weirdan lang ako minsan kasi parang may kumakausap sa tiyan ko."

The 31-year-old actress also said that most of her friends are helping her adjust to her condition and the fact that waiting for her due date can be really tedious. But while she's really thrilled to be a real mommy soon, Judy Ann admitted that she's also scared of the possible complications that she'd encounter along the way. "Overflowing yung kaligayahan ko pero there's a part of you that's holding back. A part of me is scared kasi siyempre first time ko naman po manganganak 'di ba? I don't know if I'll be counting the days pero ngayon ine-enjoy ko na lang po. Pero I am more than happy na yung mga tao sa paligid ko talagang sobrang supportive sa akin," she stressed.

She couldn't help but be moved to tears though when told about the fact that the whole country is actually very happy with the news about her pregnancy. "Always ako nagiging emotional kapag ganitong nagpapasalamat ako kasi parang deserved ko ba 'to na sambayanang Pilipino ang nakasubaybay sa buhay ko? Pero maraming salamat po. Utang ko po sa inyo lahat ng nararating namin ni Ryan ngayon. Salamat po at kasama namin kayong naghihintay sa baby namin."

But if there's anything that she learned from this whole experience, Judy Ann claimed that it's the value of being patient enough to wait for God's blessings to come pouring in. "Yes, totoo ka diyan," she said to The Buzz host Kris Aquino who also congratulated her about her top-rating teleserye Habang May Buhay. " Talagang lahat mangyayari in his own time. Hindi pala talaga dapat minamadali. Hindi rin naman kailangan naka-plano (lahat). Pero he will give it to you when you're really ready. Sa mga panahon na wala ka ng iniisip, sa mga panahon na relax na relax ka na. I am very blessed and I am so thankful," she reiterated.

In the meantime, Judy Ann revealed that she and Ryan decided to postpone their European tour for now and concentrate on saving up for their first baby. "We asked the OB about it. Hindi naman niya ipinagbawal pero sinabi din niya na medyo mag-ingat lang dito sa first child ko. Parang in-advice lang niya na sa mas relaxed na lang na lugar, kailangan 'wag mapagod masyado, bahala na. Mag-iipon na lang siguro kami (ni Ryan ngayon)," she cheerfully stated.


Glitter Text Generator

Piolo Pascual congratulates Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo on their first baby



Piolo Pascual congratulates Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo on their first baby

"I wish you well and, of course, I pray for your healthy delivery at napakaganda at napakasuwerteng anak," says Piolo Pascual when asked about his message to former screen partner Judy Ann Santos, who is now two months pregnant with her first baby with hu

Author: Nerisa Almo

Piolo Pascual says he already knew about the pregnancy of former screen partner Judy Ann Santoseven before the actress and husband Ryan Agoncilloannounced it on Eat, Bulaga! last Friday, March 12. (CLICK HERE to read related article.)

"I'm really, really, happy for them," Piolo said in an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) after the first Star Magic run held yesterday, March 14, at The Venice Piazza at McKinley Hill, The Fort, Taguig.

He adeed, "Siyempre, the first time I heard it, natuwa talaga ako because hindi lang naman sila ang nagdadasal. A lot of people were praying for that and finally, ito na nga, natuloy. Talagang masaya kami dahil goal naman ni Judy Ann 'yon. Gusto talaga nilang magkaroon ng anak. Now, siyempre, it's gonna be a big family."

When asked if he would like to be one of the godparents of Juday and Ryan's child, Piolo quickly replied, "Oo naman, bakit naman hindi? I'd be honored."

After congratulating the couple, Piolo also expressed his message to them: "Siyempre, kailangan pahinga. Huwag masyadong magtrabaho. Alam ko namang workaholic kayong pareho. I wish you well and, of course, I pray for your healthy delivery at napakaganda at napakasuwerteng anak."

Piolo and Judy Ann worked together in the following ABS-CBN primetime series: Mara Clara (1995),Esperanza (1997), Sa Puso Ko Iingatan Ka (2001), and Sa Piling Mo (2006).

They also teamed up in the movies Kahit Isang Saglit (2000), Till There Was You (2003), and Don't Give Up On Us (2006).

PROJECT WITH SANTINO AND AGUA. During the interview, Piolo was also asked about his upcoming TV project with child sensations Zaijian Jaranilla (May Bukas Pa) and Xyriel Anne Manabay (Agua Bendita).

Piolo confirmed this by saying, "Watch out for that. It's in the works already. It's gonna come out second quarter of the year."

"Tatlo kaming young sensations!" he laughed while trying to describe the teleserye. "Well, surprise na lang. Napakaganda ng proyekto, napakaganda ng concept. I'm so honored na ako 'yong kasama ng dalawang bata na pinapanood ko sa Agua Bendita at May Bukas Pa. So, I'm really, really, excited to work with them and sana abangan ng mga tao 'yon."

==============================

Alam n'yo bang Sharon Cuneta was among the very few close friends na sinabihan ni Judy Ann Santosna buntis na siya?

However, Sharon said she had strict instruction from Juday (Judy Ann's pet name) to just keep it to herself muna dahil she and Ryan (Agoncillo) would make the proper announcement at the proper time.

They wanted to wait for Juday's obstetrician to give them the go signal.

Now that they have confirmed the report, the megastar is free to divulge how happy she is for her younger sister.

Sharon takes to Juday as a sister since they appeared in the movie, Magkapatid, where the enviable closeness between them developed.

They have not stopped communicating, kahit pa sabihing years na ang nagdaan mula nang gawin nila ang Magkapatid for Viva Films.

It goes without saying, therefore, na isa rin si Sharon sa mga unang nakaalam ng wedding plans nina Juday at Ryan noong nakaraang taon.

Source: People's Journal

=====================

Author: Vinia Vivar

Overflowing ang term ni Judy Ann Santos sa happiness na nararamdaman niya sa kauna-unahang pagbubuntis na, as we all know, matagal niyang hinintay at ipinagdasal pati na ng buong bayan.

Pero aminado rin naman siyang at the same time, natatakot siya since first time nga niyang makakaranas ng panganganak, pero good thing, nandiyan naman daw ang friends niya para bigyan siya ng support and advices.

"So ngayon, ine-enjoy ko na lang at kinakabahan. Nandun 'yung kaba every night, pero I'm more than happy na 'yung mga tao sa paligid ko, sobrang supportive sa akin," pahayag ni Juday via a phone-patch interview sa The Buzz last Sunday.

Sa ngayon, bagama't nasa first trimester ng pagbubuntis, wala pa raw siyang masyadong morning sickness.

"Madali lang akong mapagod kaya medyo dahan-dahan muna sa trabaho. Pero sa pagkain, seafoods, hindi ako masyadong makakain ng seafoods. 'Yung mga normal na kinakain ko like fish, veggies, 'di ko makain. "

Pork chop daw ang gusto niyang kainin ngayon at mga karne.

Sobrang malambing naman daw ang asawang si Ryan Agoncillo pati na rin ang anak nilang si Yohan.

"Everyday, nakikipag-usap sila sa baby. Ganu'n pala 'yon," natatawa niyang sabi.

"Nawe-weird-an lang ako minsan kasi parang may kumakausap sa tiyan ko. "

Natanong din kay Juday kung tuloy pa rin ba ang plano nilang mag-asawa na magpunta sa Europe.

Before the pregnancy, plano kasi sana nila na lumabas ng bansa na supposedly ay gagawin nilang honeymoon since hindi pa raw sila nakakapag-honeymoon talaga.

Pero since may baby na ngang nabuo, mukhang hindi na kailangan nina Juday at Ryan ng honeymoon. At say ng aktres, pinayuhan na rin siya ng OB-gyne niya na mag-ingat.

"Hindi naman niya ipinagbawal, pero sinabi niya na medyo mag-ingat nga rito sa first trimester. Parang in-advise lang niya na sa mas relaxed na lugar, 'yung hindi na kailangang mag-travel masyado, so, bahala na. Ano na muna kami, mag-iipon na lang muna siguro," pahayag ni Juday.

Sa pagtatapos ng panayam, naging emosyonal si Juday habang nagpapasalamat sa lahat ng magagandang bagay na dumarating at sa sambayanan na nagdasal at sumusubaybay sa buhay niya.

"Maraming salamat po, utang ko po sa inyo ang lahat ng nararating namin ngayon. Salamat po at kasama namin kayong naghintay sa baby namin," emosyonal na pagtatapos ni Juday.

* * *

Masyadong emosyonal na hapon ang The Buzz last Sunday dahil aside from Juday, naging maramdamin din ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez kung saan ay nagpaalam ang aktres-TV host at nagpasalamat sa buong pamunuan ng ABS-CBN, gayundin sa kanyang manonood at mga tagasubaybay.

Pagkatapos ng taped interview kay Ruffa, naging emosyonal din si Kris Aquino as she said her piece.

Mahaba at punung-puno ng damdamin ang mga binitiwang pahayag niya, na nagsimula sa kanyang pag-amin na muntik na naman siyang mag-quit sa The Buzz.

Ayon kay Kris, masyado nang masakit para sa kanya ang nangyayari na ginagamit siya para siraan ang kanyang pamilya.

Pero sinabihan daw siya ng kanyang tatlong kapatid na babae na maging matatag.

"So, my sisters told me, 'Krissy, kaunting tiis na lang, dalawang buwan na lang naman, eh. ' At sinabi ni ate sa akin, ''di ba, hindi ka quitter. ' Sinabi sa akin ni ate, ''di ba, Krissy, naramdaman mo naman, eh, nu'ng nagpunta sa Zamboanga, nu'ng nagpunta sa Iloilo, ano bang sinisigaw ng mga tao?'

"And I said, 'but ate, a person can only take so much. And ate said, 'don't cry, kasi 'pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother dahil, 'di ba, prinamis ni Noy, aalagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy. '

"So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'you go there, and you hold your head up high because you know that you're a good person. And that Kris, at the end of the day, kapag hindi ka na sikat, kapag wala nang nanonood sa 'yo, sino bang tatakbuhan mo, ang pamilya mo. '

"And then, sinabi sa akin ng kapatid ko, 'and we're here behind you. ' Sinabi nila sa akin, 'it's a lesson. You just have to be really so careful in everything that escapes your mouth. And you have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you so just try your best to stay strong,'" umiiyak na sabi ni Kris.



Glitter Text Generator

Judy Ann Santos on pregnancy: I'm happy, scared


Judy Ann Santos on pregnancy: I'm happy, scared

Judy Ann Santos on pregnancy: I'm happy, scared

Author: Bernie Franco
Column: Entertainment

MANILA, Philippines - While she's thrilled to become a mommy soon, Judy Ann Santos has also admitted that a part of her is scared.

"Overflowing 'yong kaligayahan ko pero there's a part of you that's holding back. A part of me is scared kasi siyempre first time ko naman po manganganak, di ba? I don't know if I'll be counting the days pero ngayon ine-enjoy ko na lang po. Pero I am more than happy na 'yong mga tao sa paligid ko talagang sobrang supportive sa akin," she told "The Buzz."

The 31-year-old actress also said that most of her friends are helping her adjust to her condition.

"I am ok, wala pa akong morning sickness. Madali lang ako mapagod kaya medyo dahan-dahan muna ako. Pero sa pagkain, hindi ako masyadong makakain ng seafood. 'Yong normal na kinakain ko like fish, veggies 'di ko makain. [So ang mga kinakain ko lang] mga karne ganyan, porkchop," she admitted with a laugh.

Husband Ryan Agoncillo and their adopted daughter, Johanna Lois (Yohan), are also taking good care of her. "Sobrang extra careful sila sa akin tsaka everyday nakikipag-usap sila sa baby. Nawi-weirdan lang ako minsan kasi parang may kumakausap sa tiyan ko."

Meanwhile, Santos also revealed and she and Agoncillo decided to postpone their European tour and save up for their first baby.

"Hindi naman niya ipinagbawal [ang mag-travel] pero sinabi din niya na medyo mag-ingat lang dito sa first child ko. Parang in-advice lang niya na sa mas relaxed na lang na lugar. Kailangan huwag mapagod masyado. Mag-iipon na lang siguro kami," she added. -Bernie Franco, ABS-CBN.com

=================================

Derailed

Derailed

Author: Mario E. Bautista
Column: Dream Factory

HER pregnancy will change Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's plans of having a long vacation in Europe come April. "Our plan then was to take a long vacation para doon kami makabuo," says Juday. "E, ganyang naka-bullseye na pala kami, baka hindi na lang muna namin itutuloy kasi ang tagal naming hinintay ito kaya dapat lang na ingatan."

Even her workload is affected. "My doctor said bawasan ang stress kaya aayusin ko ang schedule ko para hindi ako masyadong mahirapan. Buti't patapos ng ang taping ng 'Habang May Buhay' at marami na rin kaming na-shoot sa movie namin ni Sarah Geronimo. 'Yun na lang movie ko with Direk Marilou Abaya for Unitel ang hindi pa nasisimulan. I guess I have no choice but to take my time shooting it para 'di ako masyadong mapagod. I'm sure they'll understand namang my main concern now is my baby. As of now, hindi pa kami nagwi-wish kung babae o lalaki. We're just thankful na binigyan kami ng ganitong blessing and that alone is enough for us to thank the Lord."

Juday and Ryan were married on April 28 last year in San Juan, Batangas. "This is the perfect first anniversary gift for us," they say.


Glitter Text Generator