@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 1, 2013

Ryan Agoncillo, ayaw pang kumpirmahin ang pagbubuntis ni Judy Ann Santos



http://www.pinoyparazzi.com/ryan-agoncillo-ayaw-pang-kumpirmahin-ang-pagbubuntis-ni-judy-ann-santos/


Ryan-Agoncillo-Judy-Ann-SantosHINDI NAMAN siguro totoong buntis na si Judy Ann Santos, although hindi ganu’n kalinaw ang sagot ni Ryan Agoncillo nang tinanong namin ito nang mag-guest siya sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.
Sabi lang niya, hindi pa raw. Wala pa raw silang solidong pinanghahawakan, kaya hindi pa raw niya masasabing nakabuo na sila uli.
Pero ang narinig namin, ilang beses na raw na-pack-up ang taping ng Bet On Your Baby dahil sa kailangan daw ni Judy Ann ng bed rest.
Sabi naman ni Ryan, hindi naman daw bed rest talaga. Basta pinapag-rest lang daw.
Pero nu’ng nakaraang Sabado naman, nasa stageplay si Juday kasama ang anak nilang si Yohan at mukhang okay naman.
Basta pinapag-relax lang daw ito ng doktor, pero hindi pa nila masabi kung ano talaga ang dahilan.
Feeling ko buntis nga, pero hindi pa nila ma-confirm kaya pinapaghintay lang.
Kasi ‘yun dapat ang i-announce ni Ryan sa presscon ng Picture Picture niya, pero hindi naman natuloy dahil mabuting ma-confirm nga ng kanilang doktor.
Kaya wala pa talaga silang masagot kung ano talaga ang tunay na kalagayan ngayon ni Judy Ann.
Pero sana matuloy na ang pagbubuntis niya, dahil matagal na rin naman daw nilang hinihintay ‘yan.
Kahit nga raw ang bunso nilang si Lucho ay gusto na raw maging kuya, kaya sana nga makabuo na sila ngayon. Saka sabi ko nga kay Ryan mas maganda siguro si Juday na naghu-host ng programa niya na buntis na buntis.
Judy-Ann-Santos-Ryan-Agoncillo

No comments:

Post a Comment