Mismong si Ryan Agoncillo ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa ibang press na magaganap na ang first TV appearance ng kanyang asawang si Judy Ann Santos matapos nitong manganak kay Baby Lucho noong October 7, 2010.
Mangyayari nga ito sa pagiging special judge ni Judy Ann sa season 2 grand finals ng ng hino-host na talent show ni Ryan sa TV5, ang Talentadong Pinoy, na gaganapin sa YƱares Center sa Antipolo City sa March 12 at 13.
"Kakatanong ko nga lang sa staff e, nag-confirm daw si Juday. This would be, as far as I know, her first public appearance after giving birth. Kasi noong unang championship ipinagbubuntis pa lang niya si Lucho, hindi pa namin ina-announce noong time na yun. This time around yun na," pahayag ni Ryan sa presscon ng Talentadong Pinoy na ginanap kahapon, February 18, sa SM Skydome.
Gaya nga ng sabi ni Ryan, hindi na bago kay Juday ang pagiging judge sa Talentadong Pinoy dahil last year ay isa rin sa mga hurado ng season 1 grand finals ang misis niya. Malaki raw talaga ang naging bahagi ng talent show sa pamilya nila.
"Syempre ito ang nagpapakain sa amin e," pabirong sabi ni Ryan.
Ang magandang balitang ito ay nakadagdag pa sa excitement na nararamdaman ni Ryan ngayong nalalapit na ang Talentadong Pinoy Battle of the Champions 2011.
"Sobra akong excited kasi for season 2 it will be the first time that we're going live on March 12 and 13," ani Ryan.
Matindi daw ang labanan ngayong taon dahil pare-parehong magagaling ang mga Hall of Famers na kinabibilangan ng master beatboxer ng Davao na si Beatbox Gor; ang sand artist ng Laguna na si Joseph the Artist; at ang mala-broadway singers ng Muntinlupa City na The Believers.
Dagdag mo pa ang singing group ng Quezon city na Newborn Divas; ang pole dancer ng Caloocan na si Sfashiva; ang real-life acrobatic partners na taga-Cainta na Zion Show; ang Poi dancers na tubong Cebu na Fire Attraction; at ang isolation dancing duo na RR Friends ng Cavite.
Isang wildcard winner pa ang madadagdag sa mga finalist na malalaman pa lang sa March 6.
Ang tatanghaling Ultimate Talentadong Pinoy 2011 ay mananalo ng isang milyong piso. Kasama na rito ang karangalang maging isa sa representatives ng Pilipinas sa taunang international competition na World Championship of Performing Arts (WCOPA).
Paano ikukumpara ni Ryan ang season 1 at 2 grand finals?
"In terms of grandiyosong performance, I would say this (season 2) is a more exciting batch. Pero kasi we have to realize, pag pinaglaban natin yung first batch at second batch, yung first batch kasi namin hasang-hasa na sila e.
They've been doing shows, guestings. It would be great to pit them both. But I think yung variety nitong second batch maganda, e."
May pressure ba siyang nararamdaman na ma-break o mapantayan man lang ng season 2 grand finals ang mataas na rating na nakuha ng unang grand finals?
"Yeah, nakakuha kami ng 48.3 percent audience share noon. This year, medyo may pressure, I mean sinungaling naman ako pag sinabi kong walang pressure. But I guess that's what keeps it exciting for us, bago nang bago.
"Last night nga I was speaking to Direk Rich Ilustre. Sabi niya it's gonna be very exciting. And last year's show was three hours long. This year since we're on Saturday and Sunday, so two parts ang mangyayari kaya one-and-a-half hour bawat part kaya mas siksik at mas mabilis ang pacing," ani Ryan.
THE SHOW'S ACHIEVEMENTS AND SECRETS. Ano ang feeling na pagkatapos ng grand finals ng season 1 ay hindi nagpahinga sa ere ang Talentadong Pinoy, hindi tulad ng ibang talent shows, tapos patuloy din itong humahataw sa ratings at ngayon nga ay nalalapit na ang pangalawang grand finals ng show?
"Masarap yung feeling... ang ganda ng feeling ng buong grupo lalo't this year and late last year we won several awards. Nagkaroon kami ng award from Anak TV, and from KBP Golden Dove, and just last night we won sa USTV (Awards held at the University of Santo Tomas).
"So, it feels really good. And then sa ratings, maganda na we are always hitting the Top 5 both Saturday and Sunday. Tapos paminsan-minsan nagna-No. 1, so we're very happy with what's going on with the show," aniya.
"What it means to us is tama yung ginagawa namin and totoong maraming talentadong Pinoy kasi kahit saan ako magpunta ngayon parang lahat ng tao gustong mag-impromptu audition e."
Ano sa tingin niya ang sikreto ng show at hindi nagsasawa ang mga tao na panoorin ito?
"Well, I think it goes back to the idea na marami sa mga Pinoy ay gustong lumabas sa TV. Gusto nilang ipakita yung talento nila at kapag nanalo sila nandun yung prestige. At the same, may naiuwi pa silang premyo.
"Marami ang na-i-inspire doon sa mga sumasali kaya every audition ay dumarami rin ang sumasali. Kaya bukod sa entertainment factor na naibibigay ng show, nakapagbibigay din ito ng inspirasyon sa marami."
Malaking tulong ba yung may variety ang contestants at talents na sumasali sa show kumpara sa ibang talent shows na concentrated lang sa sayawan o sa kantahan?
"Kasi nakita n'yo naman yung show mayroon diyan yung professional performers hanggang doon sa mga nagpa-practice lang sa ilalim ng puno. Everyone is welcome and everyone is sharing the same interest. Dito kahit anong talent, game kami."
CELEBRITY COMPETITIONS. Bukod sa labanan ng Hall of Famers sa grand finals, may magaganap ding celebrity competition sa March 13 na bahagi rin ng Battle of the Champions. Maglalaban-laban dito ang mga nanalo sa ginanap na celebrity edition within season 2.
"We had several winners sa celebrity edition. We have Rosanna Roces, Valeen Montenegro, Pretty Trisha, Regine Tolentino and Ciara Sotto. So, they're gonna compete on the second night, sa Sunday. They will be paired up sa mga dating Hall of Famers. So, maglalaban-laban ulit sila."
Tulad ng Ultimate Talentado ay may cash prize din daw na makukuha ang mananalo na Ultimate Celebrity Talentado.
Dahil mayroong celebrity edition, ma-e-expect ba ng mga manonood na magpe-perform din si Ryan sa show bukod sa kanyang hosting job?
"Gusto ko talaga e, kaso baka masarhan ako ng kurtina," biro ni Ryan. "At saka na lang, tignan na lang natin. Ang alam ko sa Eat Bulaga! kakanta ako soon, so abangan n'yo yun."
Ano naman ang kakantahin niya?
"Gusto ko yung kakabahan si Richard Poon pag kumanta ako," biro niya ulit sabay tawa nang malakas. "Crooner lang ang dating, di ba? Kailangang umisip ng bagong raket, e."
GOING INTERNATIONAL. Ibinalita rin ni Ryan na pagkatapos ng season 2 grand finals ay magiging international na ang paghahanap nila ng mga talentadong Pinoy.
"Yes, we're going international na. Ang alam ko pa lang sa Asia, magkakaroon kami ng audition sa Hong Kong. Kasi meron tayong mga kapatid sa abroad na gustong sumali. Magkakaroon din tayo sa Singapore, Malaysia at sa iba pang bansa.
"Initial plans pa lang naman. What will happen is we'll hold auditions there at kung sino ang makapasa sa auditions doon dadalhin namin dito to compete. Hopefully, if the Asian auditions will be successful, baka makapag-Amerika or Europe din kami. Medyo magastos kaya pinagpaplanuhan naming mabuti."
Mapapanood ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa TV5.

No comments:
Post a Comment