@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label coney reyes. Show all posts
Showing posts with label coney reyes. Show all posts

Sunday, June 16, 2013

Sam, manghang-mangha kay Juday!

Paulit-ulilt na sinasabi ni Sam Milby na isang mala­king karangalan ang makatrabaho si Juday sa tele­seryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN. Na dapat lang naman, dahil sure ako na malaki ang maitutulong sa kanyang career ang makasama niya si Juday.
“Hindi man ako lumaki dito sa Pilipinas and kahit na I didn’t get to watch her previous shows, I real­ly have to say na maga­ling talaga si Judy Ann. Sobrang naii-intimidate ako sa kanya tuwing gumagawa kami ng eksena kasi nakaka-amaze talaga ang talent niya sa acting,” sey ni Sam.
Ang Huwag Ka Lang Mawawala ay bahagi ng selebrasyon ng ABS-CBN ng 60 taon ng Philippine Television. Kukumpleto sa powerhouse cast nito sina KC Concepcion, John Estrada, Tirso Cruz III, Coney Reyes, My­lene Dizon, Empress, Susan Africa, Matet de Leon, Bryan Termulo at Joseph Marco. Mula sa direksyon nina Jerry Sineneng, Tots Sanchez-Mariscal, at Malu Sevilla.
Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

Sunday, June 17, 2012

SAM, SA DOS MUNA HABANG WALA PANG HOLLYWOOD PROJECT

http://hatawtabloid.com/index.php?option=com_content&view=article&id=43150:-sam-sa-dos-muna-habang-wala-pang-hollywood-project&catid=40:shobiz&Itemid=70

PIHADONG magiging masaya na naman ang fans ni Judy Ann Santos dahil magbabalik na siya sa primetime ng ABS-CBN para sa teleseryeng Against All Ods na makakasama niya sa nasabing proyekto sina Sam Milby, KC Concepcion, John Estrada, Mylene Dizon, Jessy Mendiola, Joseph Marco, Bryan Termulo, Susan Africa, Mr. Tirso Cruz III, at Ms. Coney Reyes.

Ito rin ang magsisilbing comeback soap ni Sam pagkatapos niyang sumabak sa iba’t ibang auditions sa Hollywood. Kaya naman habang naghighintay ng proyekto sa Amerika si Sam ay gagawin muna niya ang Against All Ods.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong magkakasama sa isang soap sina Sam at Juday kaya naman bagong putahe itong ihahatid ng ABS CBN sa kanilang masugid na tagasubaybay. Excited na nga sina Juday at Sam na magkasama sa nasabing proyekto na malapit ng gumiling ang camera ngayong buwan.