Ryan Agoncillo takes on female disguise in TV5 comedy Lady Dada
Monday, August 30, 2010
12:26 AM
12:26 AM
Bukod sa hit talent search naTalentadong Pinoy, ang flag-carrier ng TV5, may panibagong palabas ang mahusay na host na si Ryan Agoncillo.
Siya ang susunod na magbibida sa 5-Star Specials,sa isang comedy miniseries na pinamagatang Lady Dada na magsisimula nang mapanood sa September 8, Miyerkules ng gabi.
Mula sa direksiyon ni Joyce Bernal, nasa cast rin sina Roderick Paulate, Mylene Dizon, Edgar Allan Guzman at Keempee de Leon.
FEMALE GUISE. Sa presscon ng show sa Ratsky Bar sa Tomas Morato, Quezon City noong Biyernes, August 27, sinabi ni Ryan na malaking challenge ito sa kakayahan niya bilang comedy actor dahil halos kapareho ang mga roles na ito sa ginawa nina Dustin Hoffman sa Tootsie at ni Robin Williams sa Mrs. Doubtfire.
"I'll disguise [myself] as a woman. Hindi bading, ha, kundi babae talaga. Kasi, nahihirapan ako sa pagkuha ng trabaho dito kaya para palakihin ko ang anak ko sa istorya, kailangan akong mag-work bilang babae."
Pero di tulad ng mga 5-Star Specials na ginawa nina Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez at JC de Vera, sa halip na isang tema kada episode ang gagawin ni Ryan, isang tuluy-tuloy na kuwento ang Lady Dada na tatakbo lamang ng limang linggo.
Sa presscon, ibinunyag ng beteranong kolumnistang si Alfie Lorenzo, na manager din ng misis ni Ryan na si Judy Ann Santos, na may inalok noong project ang big boss ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez kunsaan pagsasamahin sina Ryan, Juday at Piolo Pascual. Pero inayawan daw ni Ryan dahil gay ang papel niya dito.
Ang tanong ngayon ni Tito Alfie, bakit daw di niya tinanggap ang ganoong role sa Kapamilya Network, pero sa Kapatid Network ay tinanggap niya?
Sagot ni Ryan, "Usap-usapan lang naman po yun nina Noel [Ferrer, Ryan's manager] at ng mga producers, pero wala naman talagang pinuntahan ang usapan na yun. Naririnig-rinig ko lang talaga sa kanila.
"Dito sa Lady Dada, nakakatawa ang title... This is actually one of the projects na title pa lang, solved na kami lahat. Yung character ko, hindi naman talaga siya drag queen... Gagawin niya lang ang lahat para sa anak niya.
"Napasok lang siya doon dahil sa mga circumstances na napasukan ng pamilya niya, kaya siya napilitang maging Lady Dada o lady daddy."
THE RIGHT PROJECT. Ano kayang project ang makaka-convince sa kanila ni Juday na makasama sa isang film si Piolo?
Pabirong sagot ni Ryan, "Let's burn the bridge when the bridge is there!... It has to be the right material. Alam niyo naman po kasi na ako e part-time actor lang. I'm a full-time host.
"And it took something like Lady Dada... Ito yung pagkakagawa niya. Sabi ko nga, it's one of those projects na title pa lang e solved na kami, plus the fact na Direk Joyce is directing this and si Ga [Dante Nico Garcia, best friend of Juday] is the production designer here, he's the stylist rin... Direk Ga na siya pero bumabalik siya sa pagiging production designer para sa project na ito...
"Like sina Mylene, Kuya Dick and Keempee are here... It has to be the right thing. Dapat lahat tama. Kahit sino naman, e... even if it's not with Juday or Piolo, 'pag in-offer-an, dapat siguro, tama ang concept."
Maraming aktor ang ayaw tumanggap ng gay roles. Hindi man gay ang papel niya dito, nagsusuot-babae naman siya. Ibig sabihin ba nito ay confident siya sa kanyang pagkalalaki?
"Sa ngayon!" malakas niyang tawa. "'Pagkatapos [ng series], usap tayo. Hahaha."
"MAJOR-MAJOR" DECISION. Dahil uso ang Miss Universe answer ni Maria Venus Raj, natanong si Ryan kung di kaya major mistake para sa kanya ang role na ito?
"You know, it would have been a major-major mistake of my life if I didn't do this show because I won't have intrega [perang ibibigay sa misis niya], so I will be out of the kulambo! I thank you," tawanan ang lahat sa mala-"beauty queen" na sagot ng guwapong host.
Sino ang "peg" (o inspirasyon) sa pagganap niya ng role?
"Ang maganda pong tanungin diyan ay yung aming direktor. At ang aming production designer."
Ayon sa production designer na si Ga na kalahok sa presscon, ang singer na si Lady Gaga raw ang kanilang peg para sa hitsura ni Ryan, "pero pagdating sa costuming, naglaro ako. Parang yung ginagawa ng mga bakla, na puwede niyong kunin sa mga kusina niyo o sa mga banyo niyo [yung props o damit]... Lahat ng matatagpuan sa house natin."
EFFECT ON IMAGE. Kilalang magaling na host si Ryan. Hindi ba makakasira sa imahe niya ang role niya sa Lady Dada?
"I don't think na ako yung pinakaunang tao na I will take myself seriously dito... Ganoon, e. Gusto mong mag-artista, I've tried many different things... Nangarap pa akong mag-action, e! Mas nakakahiya naman yun!...
"Artista, e. I mean, you're given a role. If you wanna do it, may choice ka naman, e. Di ka naman pipilitin... Nag-enjoy naman ako. Ginawa ko ito, hindi naman ito makakasira, kasi pag napanood niyo naman, hindi ko naman dini-degrade yung pagiging drag queen...
"Being a drag queen is a serious thing. That's what I've learned from the past three weeks. So, mukhang hindi naman... 'Wag lang akong mag-bold scene! Yun, palagay ko, masisira talaga ako do'n," pahayag ni Ryan.
Importante ang papel ni Direk Joyce sa pagtanggap ni Ryan sa role.
"Kami ang nag-convince kay Direk Joyce na siya ang magdirek... Sabi ko, gagawin lang namin 'yan 'pag si Direk Joyce ang magdidirek. Buti, pumayag siya."
Maging pelikula rin kaya ang comedy miniseries na ito balang araw?
"Pag pumayag si Direk Joyce, maybe we'll do it... If it gets to assemble a strong story, there's no reason para hindi from small screen e mapunta siya sa big screen."
SUFFERING FOR HIS ART. Maraming sakripisyo ang pinagdaanan ni Ryan para sa role niyang ito. Nagpa-wax siya ng kanyang binti para mawala ang buhok, nagsuot siya ng heels na six inches ang taas, nagsuot ng false eyelashes, makapal na makeup at wig, etc.
Tanong kay Ryan, may ginawa rin ba siyang "pag-iipit" sa maselang parte ng kanyang katawan? Ginagawa raw ito ng mga drag performers upang hindi mahalata ang "bukol" nila sa harapan habang nasa entablado.
Natawa muna at medyo na-shock si Ryan sa tanong, bago tumango.
Gaano kahirap?
"I've done silly things in [my] life. I've jumped in stuffs, I swam with sharks, raced motorcycles and cars... but being a drag queen so far is the hardest thing I've done!
"Buwis-buhay yung six-inch heels! 'Tapos, yung stage namin, hindi naman patag dahil may stairs... So, with the heels, with the makeup, yung pilikmata... wala pa yun... yung T-back [thong-style underwear] ang pinakamahirap isuot!... I didn't like it. So, I didn't do it again. Pero I just did it for the opening billboard of the show. Yung napanood niyo, dun ko ginawa yun... I think six hours kong ginawa!"
Sabi niya, "We had to find ways na lang of hiding it," at tumawa siya nang malakas. Pero sabi din niya, "Hanga ako sa mga drag queens na gumagawa noon."
Hindi naman daw masakit, "it's just not comfortable physically."
Sa six hours niyang ginawa yun, hindi ba sumakit ang kanyang "jun-jun"?
"Hindi naman siya nagprotesta o nag-complain," game na sagot ni Ryan. "Basta, nag-promise akong hindi ko na siya gagawin ulit!"
No comments:
Post a Comment