@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, August 31, 2010

Juday, gustong masaktan sa panganganak!

Juday, gustong masaktan sa panganganak! 



ni Rey Pumaloy

MALAMANG na sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre manganak si Judy Ann Santos. Kuwento ni Ryan Agoncillo, gusto ni Juday na dumaan sa isang normal delivery, na walang tulong ng anesthesia. Maganda naman daw kasi ang pakiramdam ni Juday sa pagbubuntis niya ngayon.

“Suwerte kami roon. Hindi bugnot ang pagbubuntis niya. Hindi hassle. Kasi napakagaan ng pagbubuntis niya, to the point na sa sobrang gaan ng pagbubuntis niya, iniisip niya na baka puwedeng hindi magpapaano… ‘Yun bang magpa-anesthesia pa.
“She’s thinking na baka puwedeng hindi, hangga’t kaya niya. And baka hindi rin kami kumuha ng yaya. Gusto ta*laga niyang hands on ang paga-alaga niya sa baby namin,” kuwento ni
Ryan.


Isa pa raw sa mga dahilan kung bakit ayaw ni Juday na magpaturok ng anesthesia ay `yung posibleng maging epekto nito sa kanilang baby. Mas gugustuhin daw ni Juday na tiisin ang sakit sa pa*nganganak, kesa sumugal sa kalusugan ng ka*nilang baby.


Anyway, mahigit isang taon daw magpa*pahinga sa showbiz si Juday para personal na alagaan ang kanilang baby.


Kuwento ni Ryan, palagi raw masaya sa bahay nila dahil tatlong buwan na raw na namamalagi si Juday sa bahay nila.


“Masarap! Masa*rap! We’re pretty normal. The household are pretty normal.


That’s what I like. Kasi sa Eat Bulaga parang pumapasok lang ako sa opisina. So, aalis ako sa umaga darating ako sa hapon.


“Pag may taping lang, doon lang may irregular na para kang nago-overtime. Doon pumapasok `yung drama na uuwi ako sa bahay, yayayain ko siyang mag-date. Or basta, labas tayo, magkape tayo.


“Dati kasi, naka-schedule lahat. Magla-lunch lang kami, ini-schedule pa namin. Eh ngayon, anytime, nagagawa namin. Ang sarap talaga. Ang sarap!” masayang kuwento pa ni Ryan.


Misis na misis din daw si Juday kay Ryan ngayon. Ito raw ang nag-aayos ng kanyang mga gamit at damit. At madalas din daw itong magluto para sa kanila.


Spoiled din daw si Juday kay Ryan ngayon. Na kung ano raw ang gusto nito ay agad niyang ibinibigay.


At nawala rin daw ang lahat ng paga-alala niya noon, na baka hindi niya makayang buhayin ang kanyang pamilya kapag nawalan ng trabaho si Juday. Dahil parang tubig sa bukal daw kung dumating ang mga trabaho sa kanya ngayon.


Samantala, naikuwento nga ni Ryan na na*gulat talaga si Juday nu’ng minsan siyang umuwi ng bahay na makapal ang make-up, galing sa taping ng Lady Dada ng TV5. Wala raw idea si Juday na itotodo niya ang pagpapaka-babae sa Lady Dada. Pero, naaliw raw ito nu’ng mahimasmasan na. Tawa na lang daw ito nang tawa.

* * * * * * * * * * * * * * *

Ryan, super-lagare para kay Buchochoy!



by Alfie Lorenzo

GRABE ang Ryan Agoncillo, huh! Kaiba siya sa ibang lalaking may asawa dahil subsob siya sa trabaho ngayon.

Gusto niyang patunayan kay Juday na kaya niya itong buhayin kahit mag-retire na si Juday sa gitna ng kasikatan niya! (Eh papaano naman ako Ryan, si Noel Ferrer na lang ba ang bubuhayin mo? Ha! Ha! Ha! Ha!).


Bukod sa sikat na sikat niyang “Swish’ mouthwash, eh may da*lawa pang bagong endorsements si Ryan - ang Chevy at ang Enervon. Kung si Robin Padilla ay may Rubicon, may Enervon naman si Ryan.


And then, bukod sa pamoso niyang “Talentadong Pinoy” ay may “Eat Bulaga” pa si Ryan, may bago na namang comedy series na “Lady Dada” na nagpreskon nu’ng isang araw sa Ratsky.


Role naman ng mga bading sina Ryan, Keem*pee de Leon at Edgar Allan Guzman. Si Q.C. councilor ngayon na si Roderick Paulate na nakilala noon bilang ang baklang si “Roda” ang gaganap na only male sa “Lady Dada”.


Until now ay hindi pa pala nakakalimutan ni Roda ang pagkamatay ng nanay niya na hindi pa sila nakapagbababang-luksa. Wala pa kasing one year namatay ang nanay ni Roda.


So, anong masasabi ngayon ng texter na +639325298771 na pi*lit inili-link ang idol niyang si Julia Clarete kay Ryan? Namamatay na ba siya sa inis dahil walang pumatol sa gimik niya para mapag-usapan ang idol niya? Ha! Ha! Ha! Ha!


Paging all Juday fans, buhusan n’yo ng text ang number na ‘yan dahil ang balak eh paghiwala*yin sina Juday at Ryan, or worst para malaglag ang baby na dinadala ni Juday, huh!


Monday, August 30, 2010

JUDY ANN SANTOS, GUSTONG HANDS-ON MOM SA KANYANG BABY




NAKAKATUWA NAMAN SI Judy Ann Santos, dahil pati ang bestfriend niyang si Gladys Reyes ay ipinagdarasal din niya na maging safe din ang panganganak nito.
Halos magkasabay daw silang manganganak pero wala pang expected date kung kailan na talaga ang due ni Gladys.
Si Juday ay baka October 19 daw ang schedule nito, pero sana raw earlier dahil feeling nito malapit na siyang manganak.
Pinagdarasal pa ni Judy Ann na sana normal delivery lang siya at ang sabi raw ng nagtuturo sa kanya ng breastfeeding, na mas mabuti kung huwag siyang mag-epidural para mas madali raw siyang mahanap ng baby.
“Nandu’n pa ako sa position na nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba ‘yung epidural o hindi na. Siguro ‘pag last minute na talagang hinding-hindi ko na kaya, pero hangga’t kaya baka hindi.
“Sabi kasi ng instructor ko sa breastfeeding classes, mas madali kang mahahanap nu’ng baby kapag wala siyang epidural sa katawan kasi siyempre parang nakakonekta siya sa ‘yo eh,” kuwento ni Juday.
Pati pala breastfeeding nag-aaral pa siya para malaman mo raw kung ano ang tamang posisyon nang pagpapadede, kaya natutuwa raw siya dahil marami siyang natututunan.
Kaya gusto niyang normal delivery para madali raw ang recovery dahil gusto niyang siya mismo ang mag-aalaga sa baby nila ni Ryan.
Hindi nga raw siya kukuha muna ng yaya dahil sa mga early months daw, nito personal na aalagaan nila ito ni Ryan.
Kaya talagang feel na feel na niya ang pagiging plain housewife.

Sunday, August 29, 2010

Ryan Agoncillo takes on female disguise in TV5 comedy Lady Dada






Ryan says playing a man impersonating a woman won't affect his image as TV5's premier host. "Artista, e. I mean, you're given a role. If you wanna do it, may choice ka naman, e... 'Wag lang akong mag-bold scene! Yun, palagay ko, masisira talaga ako do'n!"
Ryan Agoncillo takes on female disguise in TV5 comedy Lady Dada
Mell T. Navarro


Bukod sa hit talent search naTalentadong Pinoy, ang flag-carrier ng TV5, may panibagong palabas ang mahusay na host na si Ryan Agoncillo.

Siya ang susunod na magbibida sa 5-Star Specials,sa isang comedy miniseries na pinamagatang Lady Dada na magsisimula nang mapanood sa September 8, Miyerkules ng gabi.

Mula sa direksiyon ni Joyce Bernal, nasa cast rin sina Roderick Paulate, Mylene Dizon, Edgar Allan Guzman at Keempee de Leon.

FEMALE GUISE. Sa presscon ng show sa Ratsky Bar sa Tomas Morato, Quezon City noong Biyernes, August 27, sinabi ni Ryan na malaking challenge ito sa kakayahan niya bilang comedy actor dahil halos kapareho ang mga roles na ito sa ginawa nina Dustin Hoffman sa Tootsie at ni Robin Williams sa Mrs. Doubtfire.

"I'll disguise [myself] as a woman. Hindi bading, ha, kundi babae talaga. Kasi, nahihirapan ako sa pagkuha ng trabaho dito kaya para palakihin ko ang anak ko sa istorya, kailangan akong mag-work bilang babae."

Pero di tulad ng mga 5-Star Specials na ginawa nina Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez at JC de Vera, sa halip na isang tema kada episode ang gagawin ni Ryan, isang tuluy-tuloy na kuwento ang Lady Dada na tatakbo lamang ng limang linggo.

Sa presscon, ibinunyag ng beteranong kolumnistang si Alfie Lorenzo, na manager din ng misis ni Ryan na si Judy Ann Santos, na may inalok noong project ang big boss ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez kunsaan pagsasamahin sina Ryan, Juday at Piolo Pascual. Pero inayawan daw ni Ryan dahil gay ang papel niya dito.

Ang tanong ngayon ni Tito Alfie, bakit daw di niya tinanggap ang ganoong role sa Kapamilya Network, pero sa Kapatid Network ay tinanggap niya?

Sagot ni Ryan, "Usap-usapan lang naman po yun nina Noel [Ferrer, Ryan's manager] at ng mga producers, pero wala naman talagang pinuntahan ang usapan na yun. Naririnig-rinig ko lang talaga sa kanila.

"Dito sa Lady Dada, nakakatawa ang title... This is actually one of the projects na title pa lang, solved na kami lahat. Yung character ko, hindi naman talaga siya drag queen... Gagawin niya lang ang lahat para sa anak niya.

"Napasok lang siya doon dahil sa mga circumstances na napasukan ng pamilya niya, kaya siya napilitang maging Lady Dada o lady daddy."

THE RIGHT PROJECT. Ano kayang project ang makaka-convince sa kanila ni Juday na makasama sa isang film si Piolo?

Pabirong sagot ni Ryan, "Let's burn the bridge when the bridge is there!... It has to be the right material. Alam niyo naman po kasi na ako e part-time actor lang. I'm a full-time host.

"And it took something like Lady Dada... Ito yung pagkakagawa niya. Sabi ko nga, it's one of those projects na title pa lang e solved na kami, plus the fact na Direk Joyce is directing this and si Ga [Dante Nico Garcia, best friend of Juday] is the production designer here, he's the stylist rin... Direk Ga na siya pero bumabalik siya sa pagiging production designer para sa project na ito...

"Like sina Mylene, Kuya Dick and Keempee are here... It has to be the right thing. Dapat lahat tama. Kahit sino naman, e... even if it's not with Juday or Piolo, 'pag in-offer-an, dapat siguro, tama ang concept."

Maraming aktor ang ayaw tumanggap ng gay roles. Hindi man gay ang papel niya dito, nagsusuot-babae naman siya. Ibig sabihin ba nito ay confident siya sa kanyang pagkalalaki?

"Sa ngayon!" malakas niyang tawa. "'Pagkatapos [ng series], usap tayo. Hahaha."

"MAJOR-MAJOR" DECISION. Dahil uso ang Miss Universe answer ni Maria Venus Raj, natanong si Ryan kung di kaya major mistake para sa kanya ang role na ito?

"You know, it would have been a major-major mistake of my life if I didn't do this show because I won't have intrega [perang ibibigay sa misis niya], so I will be out of the kulambo! I thank you," tawanan ang lahat sa mala-"beauty queen" na sagot ng guwapong host.

Sino ang "peg" (o inspirasyon) sa pagganap niya ng role?
"Ang maganda pong tanungin diyan ay yung aming direktor. At ang aming production designer."

Ayon sa production designer na si Ga na kalahok sa presscon, ang singer na si Lady Gaga raw ang kanilang peg para sa hitsura ni Ryan, "pero pagdating sa costuming, naglaro ako. Parang yung ginagawa ng mga bakla, na puwede niyong kunin sa mga kusina niyo o sa mga banyo niyo [yung props o damit]... Lahat ng matatagpuan sa house natin."

EFFECT ON IMAGE. Kilalang magaling na host si Ryan. Hindi ba makakasira sa imahe niya ang role niya sa Lady Dada?

"I don't think na ako yung pinakaunang tao na I will take myself seriously dito... Ganoon, e. Gusto mong mag-artista, I've tried many different things... Nangarap pa akong mag-action, e! Mas nakakahiya naman yun!...

"Artista, e. I mean, you're given a role. If you wanna do it, may choice ka naman, e. Di ka naman pipilitin... Nag-enjoy naman ako. Ginawa ko ito, hindi naman ito makakasira, kasi pag napanood niyo naman, hindi ko naman dini-degrade yung pagiging drag queen...

"Being a drag queen is a serious thing. That's what I've learned from the past three weeks. So, mukhang hindi naman... 'Wag lang akong mag-bold scene! Yun, palagay ko, masisira talaga ako do'n," pahayag ni Ryan.

Importante ang papel ni Direk Joyce sa pagtanggap ni Ryan sa role.

"Kami ang nag-convince kay Direk Joyce na siya ang magdirek... Sabi ko, gagawin lang namin 'yan 'pag si Direk Joyce ang magdidirek. Buti, pumayag siya."

Maging pelikula rin kaya ang comedy miniseries na ito balang araw?

"Pag pumayag si Direk Joyce, maybe we'll do it... If it gets to assemble a strong story, there's no reason para hindi from small screen e mapunta siya sa big screen."

SUFFERING FOR HIS ART. Maraming sakripisyo ang pinagdaanan ni Ryan para sa role niyang ito. Nagpa-wax siya ng kanyang binti para mawala ang buhok, nagsuot siya ng heels na six inches ang taas, nagsuot ng false eyelashes, makapal na makeup at wig, etc.

Tanong kay Ryan, may ginawa rin ba siyang "pag-iipit" sa maselang parte ng kanyang katawan? Ginagawa raw ito ng mga drag performers upang hindi mahalata ang "bukol" nila sa harapan habang nasa entablado.

Natawa muna at medyo na-shock si Ryan sa tanong, bago tumango.

Gaano kahirap?

"I've done silly things in [my] life. I've jumped in stuffs, I swam with sharks, raced motorcycles and cars... but being a drag queen so far is the hardest thing I've done!

"Buwis-buhay yung six-inch heels! 'Tapos, yung stage namin, hindi naman patag dahil may stairs... So, with the heels, with the makeup, yung pilikmata... wala pa yun... yung T-back [thong-style underwear] ang pinakamahirap isuot!... I didn't like it. So, I didn't do it again. Pero I just did it for the opening billboard of the show. Yung napanood niyo, dun ko ginawa yun... I think six hours kong ginawa!"

Sabi niya, "We had to find ways na lang of hiding it," at tumawa siya nang malakas. Pero sabi din niya, "Hanga ako sa mga drag queens na gumagawa noon."

Hindi naman daw masakit, "it's just not comfortable physically."

Sa six hours niyang ginawa yun, hindi ba sumakit ang kanyang "jun-jun"?

"Hindi naman siya nagprotesta o nag-complain," game na sagot ni Ryan. "Basta, nag-promise akong hindi ko na siya gagawin ulit!"

Ryan, kinakausap gabi-gabi ang tiyan ni Juday

Bukod sa breast feeding class ay nagyo-yoga si Judy Ann Santos para maayos ang position ng baby sa sinapupunan niya.
Nakabaligtad daw ito ngayon. Medyo umiiba na raw ang position dahil na rin daw sa tulong ng pag yo-yoga niya.
“Malaking tulong ‘yung nagawa nu’n kaya medyo bumaligtad na siya, so I’m hoping and praying na maging normal ‘yung delivery.
“Kasi, ang hirap din ng recovery period ng caesarian eh. Pinaplano kong huwag muna mag-yaya for the first months ng baby para hands-on ang pag-aalaga,” paha yag ni Judy Ann.
Every night ay laging kinakausap daw ni Ryan Agoncillo ang tiyan niya at kinukumusta ang baby.
“Oo, kinakausap niya. ‘O ano, kumusta ka na, tsong?’ na parang ina asar ang baby,” natutuwang kuwento ng aktres.
Sa kanilang lahat, si Yohan daw ang pinaka-excited. Tuwing umaga ay hinahalikan ni Yohan ang tiyan ni Juday at kinakausap ang baby.
Minsan, tinatanong ni Yohan si Juday kung puwede siyang pumasok sa tiyan nito para maki paglaro raw sa baby sa loob.
“Excited siya, tapos palagi niyang tinatanong who will change his diapers, who will give him a bath.
“Gusto niya, involved siya sa paglabas nitong bata,” patuloy ni Juday.
Kaya sa paglabas ng baby muna sila naka-focus dahil marami pa silang asikasuhin.
Saka na raw nila kum pletuhin ang listahan ng mga ninong at ninang kapag okay na raw ang kanilang baby.
Ang tiyak lang daw na ninang ay si Beth Tamayo na madalas niyang nakakausap.


Ryan, ‘di kinaya ang pag-ipit ng kanyang ibon!

Ryan, ‘di kinaya ang pag-ipit ng kanyang ibon!
Rey Pumaloy

Sumusumpa si Ryan Agoncillo na hinding-hindi na siya mag-iipit ng kanyang ari para sa kanyang la labas na serye sa TV5, ang Lady Dada. Natiis ni Ryan ang pagpapa-wax ng buhok niya sa katawan, ang pagsusuot ng 6 inches na heels at ang pagsasa yaw na na­kadamit pam babae at naka-make-up, pero ang hindi niya nakayanan ay ang pag-iipit ng kanyang ibon.
Kuwento ni Ryan, namura raw niya ang kaibigang direktor na si Dante “Ga” Garcia nu’ng makita niya ang sarili sa salamin na mukhang babae, pero bukol pa rin ang kanyang ari.
Sa Lady Dada, gagampanan ni Ryan ang role ng isang pa milyadong lalake na napilitang maging impersonator para suportahan ang kanyang anak. Nagpanggap siyang babae para makalapit sa kanyang anak.
Kuwento sa amin ni Ryan, minsan lang niyang ginawa na mag-ipit ng ari para sa pictorial nila at hindi na niya gagawin ulit `yon. Ni-request na lang daw niyang maghanap na lang ng ibang paraan para maitago si “junjun” at hindi makita sa kamera kapag nakadamit babae na siya.
Sabi pa ni Ryan, sa pagkakaipit ng kanyang “junjun” patalikod, ang feeling daw niya ay para siyang naglalakad ng patalikod. Bagama’t, wala namang naramdamang hapdi o sakit sa kanyang kaselanan si Ryan, hindi lang daw niya gusto ‘yung feeling na napuwesto sa ilalim ang kanyang ibon.
Samantala, nagulat daw ang misis niyang si Juday nu’ng makita siya na naka-heavy make up at nakapang-girl na outfit. Pero ang kanilang anak na si Yohan daw ay tuwang-tuwa sa kanyang itsura.

Saturday, August 28, 2010

No babysitter for Judy Ann

No babysitter for Judy Ann


Saturday, 28 August 2010 20:12

DIDN’T Ryan Agoncillo have second thoughts in doing the title role of the mini-series “Lady Dada” that starts on TV5 at 8:30 p.m. this Wednesday? “

No, title pa lang nito, sold na kaming lahat,” he says. “

Dapat na title nito is ‘Lady Daddy’, but nagkaroon ng typo error at mas lumabas na maganda as Lady Dada. I play Mylene Dizon’s ex-husband. I’m jobless so a friend, Keempee de Leon, asked me to try being a drag queen at nakuha naman ako.

Aside from that, I have to pretend that I’m really a woman so I can be with my son na nilalayo sa’kin ni Mylene. So bale, dalawa ang roles ko rito in drag, one as a female impersonator and one as a real woman. It’s no joke kasi putting on make up pa lang already takes an hour. But I enjoyed it. Keempee and I have several musical numbers na ginaya namin ang MTVs ni Lady Gaga. It helps na katrabaho ko na si Keempee sa ‘Eat Bulaga’ kaya maganda ang bonding namin.”

How’s his wife Judy Ann Santos? “She’s 8 months pregnant, due to deliver on October 19 but gusto na niyang mapaaga kasi hirap na siya sa bigat ng tiyan niya. She just stays home now at laging luto nang luto. May pabaon sa ’kin lagi sa ‘Eat Bulaga’ at sa taping ng ‘Lady Dada’ and ‘Talentadong Pinoy’. We won’t get a yaya muna after she delivers as we want to personally take care of our son. Lahat sila, sinasabing maganda siyang buntis so it’s not true na kapag maganda ka, babaeng anak mo. Si Mylene din naman, she had two sons, pero maganda rin siyang buntis.”

Judy Ann enjoying pregnancy to the hilt


Scuttlebutt

Judy Ann enjoying pregnancy to the hilt

By SHIRLEY MATIAS-PIZARRO
August 28, 2010, 11:27am
Now that Judy Ann Santos is well on her seventh month of pregnancy for a baby boy they fondly call Bochochoy, she admits that her excitement is mounting as much as a feeling of slight fear about the unknown rears its ugly head once in a while.
“Palapit nang palapit ang due date ko sa Oct. 19 kaya mas excited kaming lahat. Pero at the same time, natatakot din ako. Kasi siyempre hindi naman mawawala yun. I’ve been reading a lot and been doing yoga. For sure I will be breastfeeding. I am not yet sure but I might decide against using epidural when I give birth. Basta as of now that’s what’s in my mind, unless hindi ko na makaya yung pain. I have learned kasi that it is always better not to subject your body to anesthesia kasi makukuha din yun ng bata. Mas mabuti naman kung maibigay ko sa anak ko ang best. Kaya bahala na.”
Juday said that when she told Ryan about her preferred option of delivery, he just said, “bahala ka. It’s your decision. Basta ang gusto ko lang linawin, may pambayad tayo sa anesthesiologist,” Juday said, laughing.
Juday says all the changes that her body is undergoing at this time have minimal effect on her mood, if at all they have. “Ang nararamdaman ko lang naman at this point, madali akong hingalin, mapagod at medyo manas. Naiiinitan at saka medyo uneasy matulog. Pero nakakatulog naman ako lying on my back. Yun nga lang, tayo ako nang tayo para magbanyo madalas. Pero hindi ako masungit. Happy naman kahit mukha akong Winnie the Pooh,” she said.
Juday said she perspires a lot now and she loves it because “dati kasi hindi ako pawisin talaga. I love taking walks now and that’s what my doctor recommends as well. Kaya lang pag sa mall ako naglalakad-lakad, medyo napapagastos ako.”
Juday said she still finds time to cook. She wakes up early in the morning to prepare baon for Ryan whenever he has work and for Johann, their daughter. “I enjoy my life as plain housewife to the hilt. Enjoy din ako na ako na ang nagmamando sa bahay, alam ko na kung magkano ang budget sa kuryente. Ngayon nga, alam na alam ko na ang mga nangyayari sa bahay. Ginagawa na kasi yung nursery, kaya lahat ng pagpupukpok naririnig ko. Nakikita ko na rin kung gaano kabilis maubos ang sabon sa bahay,” Juday, obviously enjoying her role as a plain housewife to Ryan, said in jest.
“Pero alam mo, akala ko madali lang ang role na ito, but now that I am experiencing it, ang hirap pala,” she added.
The actress consciously took things lightly at work the moment she found out that she was pregnant. We saw her during the 30-minute pictorial for her Flawless billboard in Jun De Leon’s studio in The Fort last Thursday. “Gusto kasi ng Flawless to show me daw being pregnant but still flawless. O di ba,” she said, laughing.
Today, heavy at seven months but still looking beautiful, Juday said, “I made it a conscious effort on my part talaga to look good kahit buntis ako kasi hindi excuse maging pangit just because you’re pregnant. Puwede pa rin naman ako mag-work, huwag lang talaga kapareho nung dati. Basta ngayon wala lang puyatan at saka hindi lagare.”
She doesn’t see herself going back to the heavy grind after the baby is born. “I will give myself a few years maybe to be able to focus all my strength on the baby. I want to be hands on, to be personally responsible so I can see him grow up. Hindi ko kasi nagawa yan kay Johann.”
But that is not to say she will stop being in showbiz altogether. “Showbiz is my life. Ito naman po ang alam kong gawin. Take things slowly lang po muna to prioritize the baby. Hindi katulad nung dati na kahit Sunday work work ako,” she assures her fans. “Ayaw ko lang po talaga maging mas close pa yung anak ko sa iba. Gusto ko sa akin siya close.”
Juday also took the time to thank her fans who have been very thoughtful to her. “Sobrang bait nila. Ang dami nilang nagpapadala ng gifts for the baby. Halos kumpleto na nga ang gamit. May nagregalo ng stroller, car seat, toys, clothes. Hay naku, nakakatuwa.”
Juday is having the time of her life with the extra attention she gets from everyone. “Si Ryan talks to the baby every night. He is as excited as me. Even Johan can’t wait to see her baby brother. My mom calls me everyday to check on me also. Ang daming attention, nakakatuwa kasi everyone is as excited as me for this baby.”
While she admits that there have already been inquiries about her baby as endorser, Juday said, “Huwag na muna natin yan isipin. Ilabas muna natin yung bata bago natin pagplanuhan ang mga ganyang bagay. Kahit nga binyag hindi rin namin iniisip at this time. First things first,” she said.

Voting for The Star Studio Celebrity People's Choice Style Awards, Extended

Voting for The Star Studio Celebrity People's Choice Style Awards, Extended!

Saturday, August 28, 2010 , Posted by JAB at 9:50:00 PM



The voting for the People's Choice Awards of the 1st StarStudio Celebrity Style Awards is extended until September 26!

StarStudio Magazine, the best entertainment and lifestyle magazine, has reached a milestone this year as it celebrates a decade of bringing readers closer to the stars. And to highlight this accomplishment, StarStudio is mounting the first-ever StarStudio Celebrity Style Awards which will pay tribute to Filipino "style ambassadors" from TV, film, music and fashion and StarStudio will also recognize celebrities that have exceptional style and excellent eye for fashion in various style categories.

Being the first of its kind, the nominees of the StarStudio Celebrity Style Awards went through a thorough selection process. The editorial team of StarStudio Magazine collates entries for each category based on the specified criteria. For the awards, a formidable Style Council is formed - an exclusive "committee of experts" from different style and fashion related industries - deliberate and decide on the final five nominees per category.

StarStudio Celebrity Style Awards is divided into three types: People’s Choice Awards, Technical Awards and Main Celebrity Awards. A special set of jury will decide on the winners for both Technical and Celebrity Awards categories. While the winners for People’s Choice categories will be subject to general public’s votes via texting. The voting period for the People’s Choice Awards has been extended to September 26, 12nn.

To vote for the People’s Choice Awards, just key in the following text syntax--CHOOSE 
. Send to 2366 for Globe/Touch Mobile and 231 for Smart/Sun/Talk n Text subscribers.

Among this year’s People’s Choice Awards nominees are Diether Ocampo, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Jericho Rosales, and John Lloyd Cruz for Most Stylish Leading Man. Heart Evangelista, Kim Chiu, Judy Ann Santos, Anne Curtis and Rhian Ramos made it to the list of Most Stylish Leading Lady. 

The Star Studio Celebrity Style Awards is set to culminate in a glittering and glamorous red carpet awards night and fashion show come October 3 at Dusit Thani Manila.

For the complete list of nominees and keywords for the People's Choice Awards, click HERE.

Ryan Agoncillo pumayag ipatali ang ari

Ryan Agoncillo pumayag ipatali ang ari

Hindi bakla ang role ni Ryan Agoncillo sa pinaka-bagong comedy series ng TV5 na magsisimulang mapanood sa Sept. 6, 8-9 p.m, ang Lady Dada. Nagbihis babae siya sa payo ng isang kaibigan (Keempee de Leon) para lamang mapalapit sa kanyang asawa’t anak matapos siyang pagba walan na lumapit sa kanila after na manggulo siya sa bar na pag-aari ng kanyang asawa (Mylene Dizon) at ng dating manliligaw nito (Ryan Eigen­mann).

Ang hindi niya inaasahan ay liligawan siya ng kapatid ng kanyang asawa (Roderick Pau late) sa pag-aakalang isa siyang ba bae. “Ang ganda-ganda ko rito. I never ima gined myself dressed in a woman’s clothing before. This one’s for the books, seriously,” sabi ni Ryan.

Pinuntahan pa siya sa simula pa lang ng taping sa set ng kanyang asawang si Judy Ann 
Santos kasama ang panganay nilang si Yohan para okeyan ang kanyang costume. Na-shock si Juday pero si Yohan ay natawa lamang.

“Wala akong ginagaya sa pag-portray ko ng role ko bilang Lady Dada na ang mean ing ay lady 
daddy. Sinusunod ko lang ang mga instructions ni Direk Joyce Bernal. First time ko itong mag-make up. Inisip ko na lang kung ano ba ang gagawin ko bilang ama, hanggang saan ko ipu-push ang sarili ko? Mas nahihiya pa nga akong mag-action kesa mag-babae. Huwag lang akong mag-bold,” pa birong sabi pa ng part-time actor at full-time host na ang ser yeng Lady Dada ay eere lamang ng limang linggo.

When asked kung bakit parang napakaikli nito, kumpara sa maraming serye na napapanood sa telebisyon, sinabi ni Ryan na talagang sakto lamang sa itinakdang panahon ang istorya ng Lady Dada. Lalaglag na ito kapag naging 13 weeks.

Para sa kanyang disguise, pumayag si Ryan na magsuot ng high heels, mag-wax, mag-make up. Minsan ay itinali pa ang kan yang ari.

“Pero hindi ko nagustuhan. May paraan pa para maitago ito pero hindi ’yung taliin ito dahil feeling ko, parang naglalakad ako ng patalikod. Anim na oras akong hindi kompor table,” pagtatapat niya.

Kung gagawing pelikula ang Lady Dada, sinabi niyang papayag siyang gam panan muli ito kung si Bb. Joyce ulit ang magdidirek.

Judai talks about Baby Buchochoy in Startalk

Video of Judai in Startalk....she talks about Buchochoy

Ryan Agoncillo willing to work with Piolo Pascual


Ryan Agoncillo willing to work with Piolo Pascual

By ALEX VALENTIN BROSAS
August 28, 2010, 12:06pm
please wait 2 seconds for an uncompressed image, or press Ctrl+F5 for original quality page
With seeming reluctance, TV host and occasional actor Ryan Agoncillo said he’s ready to work with matinee idol Piolo Pascual whom he engaged in a word war years ago.
“Let’s burn the bridge when the bridge is there,” Ryan joked when asked about the possibility.
The animosity between Ryan and Piolo allegedly involved the former's wife and the latter's perennial leading lady for some time, Judy Ann Santos. And although the two had reconciled in 2008, Ryan said that if they do co-star, it has to be "the right material...dapat lahat tama...tingnan natin what will happen kung tatanggapin o hindi.”
For now, Ryan would rather concentrate on "what is" rather than "what could be." One of these is a TV series that requires him to play a drag queen.
“Isa siyang tatay na gagawin ang lahat," he said of his character. "Napasok lang siya doon dahil sa circumstances na napasukan ng pamilya niya.”
Playing gender-bender for the first time, what peg did he use?
“Ang magandang tanungin diyan ‘yung aming director or production designer. May specific instructions po sila.”
As for his character evaluation, Ryan said he didn’t go for the usual process.
“Hindi na ako dumaan sa nanonood pa ng ibang palabas. What I did was to think na lang kung ano talaga ‘yung gagawin ko bilang ama for my kids and my wife. As of this morning, na-shock ako, purple ‘yung toe nails ko. ‘Yun ang peg ko.”
The TV host-turned actor made sure his wife, actress Judy Ann Santos and their daughter, Yohan, saw him in drag.
“The first time we had a make-up test, we made sure na dumating si Juday at si Yohan at nakita naman nila. Si Yohan natawa. ‘Yung misis ko, na-shock kasi make-up artist niya [Juan Sarte] ang gamit ko.
"Ang iniisip ko na lang is how my five year old daughter would take to seeing her father in drag at such a young age. ‘Yun lang ang wino-worry ko pero sinigurado ko naman na kita nila pati ‘yung rehearsals ng sayaw.

Friday, August 27, 2010