@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, May 27, 2010

Yeheyyyy! It’s a boy for Juday and Ryan!


Yeheyyyy! It’s a boy for Juday and Ryan!


ANG daming excited and curious kung anong kasarian ng baby na ipinagbubuntis ngayon ni Judy Ann Santos. Bukod nga kay Juday, sina Ryan Agoncillo at Yohan ang mas sabik malaman kung babae ba o lalake ang isisilang ni Juday. Ang mga fans ni Juday ay kanya-kanyang wish at hula; sana lalake, sana babae.

But then, napakahirap hulaan o matukoy ang kasarian ng bata sa ngayon dahil nasa ikaapat na buwan pa lang ng pagdadalantao si Juday. Most doctors say pagsapit pa lang daw ng ikaanim na buwan or sixth month’s pregnancy doon pa lang masisiguro kung babae o lalake ang lalabas na baby.


So, heto na ang milagro. Deboto sina Juday at Ryan ng Sto. Niño sa Carmelites Convent, Angeles City.

Tumutulong ang mag-asawa sa panga ngailangan ng mga madre sa kumbento. Magsyota pa lang ang dalawa ay malaki na ang naitulong sa mga madre sa kumbento at sa simbahan.


Tumulong sila sa pagpapagawa ng sindihan ng kandila, sa pagpapagawa ng isang wishing well, pambili ng gamot ng mga maysakit na mga madre, partikular kay Sister Agnes na sinosolo ang sakit ngayon.


Kung anong madadala sa kumbento ay dinadala nina Juday ‘pag nakakadalaw sila roon. Malaki ang naitulong ng dasal ng mga mongha sa pagkakatagpo ni Juday ng tamang lalake sa buhay niya.


At sa tulong ng dasal ng mga madre ay humantong sa isang tahimik at masayang kasalan ang relasyon nina Juday at Ryan. Hindi tumigil ng kadadasal at kapapamisa ang mga madre araw-araw para sa kalusugan ng mag-asawa at sa maligaya at matiwasay na buhay nila bilang mag-asawa.


Late last year and this year ay naging abala si Juday sa sari-saring commitments niya kaya medyo dumalang ang oras niya sa pagbisita sa mga madre sa kumbento. Na ging tamad-tamaran pa si Juday nang maglihi na.


Kami man ay bihira na ring magkita. Huling pagkikita pa namin ay nu’ng asikasuhin niya ang pagpapaospital ko nu’ng Pebrero sa Capitol Medical Center at St. Luke’s. Text lang kami at bihira pang magkausap sa phone dahil ‘di niya hawak ang celfone niya at malimit ay unanswered calls or “unobtainable” ang sagot ng phone niya. Blackberry pa man din!


Since nabuo na ang bata sa sinapupunan ni Juday, naisip niyang magpasalamat sa Sto. Niño sa Angeles City at pagbigyan na ang mahigpit na kahilingan ng mga mong ha sa loob ng kumbento (ito ang mga madreng hindi nakakalabas at dasal lang nang dasal sa loob) na makita si Juday habang buntis ito.


Without my knowledge ay bumiyahe pala ng Angeles City ang Juday. Hinimas daw ng mga mongha ang tiyan ni Juday lakip ang taimtim na dalangin na sana ay maging super healthy ang baby paglabas sa sinapupunan ni Juday tulad ng panalangin nila noon na sana ay magkatuluyan sina Juday at Ryan and walk to the altar together in matrimony.


Sister Agnes texted me, as she always does, na nanggaling nga raw si Juday sa kumbento. Ako naman texted Juday kaagad: “Ay, at last magkakaapo na ako ng madre!”


At ang textback ni Juday: “Hahahahaha!” Na hindi nga sinabi sa akin kung ang ibig sabihin ng halakhak niyang ‘yun ay mali po. Boy po ang apo n’yo! O baka naman hindi pa nagpapa-scan uli.


And when she did -- hayun na, lumabas na ang milagro! At four months nalaman na ang kasarian ng dinadala ni Juday.


“Mama, may puto toy!” ani Yohan nang makita ang lawit ng bata.


Napalundag naman si Ryan. “Dako!” sigaw niya.


Kasi ang wish nga ni Ryan sana lalake ang panganay nila ni Juday. Eh sino ba namang mag-aakala na hindi babae ang isisilang ni Juday eh gumanda siyang lalo nang mabuntis siya!


Eh ‘di ba kapaniwalaan nating mga Pinoy na ‘pag pumangit ang maganda ‘pag buntis eh tiyak na lalake ang dala sa sinapupunan! Nagkamali na naman ang mga pekeng manghuhula! Hahahaha!!


Marami pa rin ang mga nangungulit kay Juday. Pero quiet lang si Ryan. But deep inside him, maligayang-maligaya ang lokomoko. Akala siguro niya eh siya ang makaka-scoop sa pagbabalita ng good news sa Eat Bulaga”.


Beh, hindi po. Tulad ni Ricky F. Lo may VDPA (very deep penetrating agent) din po ako. Hindi ko sasabihin kung sino!


Nu’ng Miyerkules ng gabi na nagkita kami ng mommy ni Juday sa pinduters school ni Mercy Lejarde, kulang na lang eh maglulundag sa tuwa sa pagbabalita sa akin ng good news.


Nagmukha tuloy akong suplado sa pagsasabi sa future lola ng: “Alam ko na!” Hay, alam mo na rin?” nagtataka niyang tanong. Kanino ko raw nalaman? “Secret!!!!”


And I guess baby brother din yata ang wish ni Yohan na magkaroon.


Oh, kitams? Ang nagagawa talaga ng taimtim na pagdarasal?

Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment