@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, July 15, 2010

Judy Ann Santos says pain will make Sarah Geronimo a "better and stronger person"

Judy Ann Santos says pain will make Sarah Geronimo a



"Ideally, one year talaga. Pero, hindi naman yung talagang hindi na ako makikita. May mga guesting siguro kung may gagawin. Pero yung soap opera, movies, hindi muna. It requires time taking care of the baby," says Judy Ann Santos about resting after giving birth.

Judy Ann Santos says pain will make Sarah Geronimo a "better and stronger person"

Rose Garcia

Rating

Sa bonding at friendship na nabuo sa pagitan nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo habang ginagawa nila ang Hating Kapatidnasentro ang ilan sa mga tanong sa press conference ng pelikula kahapon, July 15, sa Citybest restaurant.

Ateng-ate ang dating ni Judy kay Sarah, lalo na't malihim ang huli sa kung anumang nararamdaman nito.

Ayon kay Juday, "Ang advice ko lang sa kanya, kasi kapag hindi niya sinasabi, nandiyan lang sa dibdib niya 'yan. Hindi niya nailalabas. Hindi niya natatanggal yun. Sabi ko sa kanya, wala namang masama kung i-share niya sa mga taong malapit sa kanya or sa parents niya para hindi siya malungkot. Kasi, di ba, life is too short to dwell on pain or sadness na meron diyan?

"Sabi ko nga, 'Pagkakitaan mo na lang 'yan. Marami pa 'yan. Kapag may dumating na bago na masasaktan, mas marami pa na mas masakit yun. At ganoon talaga hangga't hindi pa dumarating ang tamang tao sa buhay mo.'"

TO SARAH'S RESCUE. To the rescue din si Juday kapag tila naiipit si Sarah sa mga tanong ng press regarding Rayver Cruz at kung ito ang nagdulot ng pain sa Pop Princess. Hirit ni Juday, mas maganda raw siguro na si Rayver ang tanungin at hindi si Sarah.

But on a serious note, Juday said, "Sa totoo lang, wala akong kilala sa mga nagdulot ng pain kay Sarah. I don't personally know them. So, kung may isang bagay ako na puwedeng ibigay kay Sarah, yun, e, ang ipagtanggol ko siya. So, yung mga taong concerned sa isyu or napagdaanan ni Sarah or sinuman, I guess it's really better kung sila ang dapat ninyong tanungin. Kasi, mahirap, e.

"At saka hindi tayo pare-pareho ng mga pinagdaanan, nakalakihan," patuloy ng young superstar. "So, kung anuman ang mga naging pagpapalaki at kung anuman ang pag-protection sa kanya, nasa mga magulang yun. At ako, hats off ako dahil napalaki nila si Sarah ng isang mabuting tao, may takot sa Diyos, at may respeto sa kapwa. Ang sinasabi ko lang kay Sarah, hindi talaga mawawala ang mga taong darating sa buhay niya na mananakit sa kanya. Meron talaga 'yan."

Marami na rin pinagdaanan si Juday, both sa lovelife at career. Magkaiba nga lang sila ng diskarte ni Sarah sa pagharap sa mga bagay-bagay.

"Oo, e. Hinarap ko lang. At saka nakipagtitigan ako. At saka, hindi ako naniniwala sa away. Hindi ako nakikipag-usap nang direkta sa tao. Pero hinahayaan ko yung karma kasi mas mabigat na balik yun, e. Basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginawa. Alam mo sa sarili mo na naging mabuti kang tao sa taong yun. Naging maayos ka naman na kaibigan sa kanya. Na sinaktan mo ako, okey, bahala na si Lord sa 'yo, bahala ka na. Nagkakatotoo naman, in fairness naman," pahayag ng aktres.

Pero nakikita ba niya ang sarili niya noon kay Sarah?

"Oo. Alisin mo lang ang concert artist, oo!" natatawa niyang sabi.

Pati sa lovelife?

"Oo, e," sagot niya. "Kaya siguro ako nanggagaling do'n, sa marami pa 'yan, kasi bata pa siya. At hindi matatapos 'yan sa isa, dalawa, tatlo, apat... Mapa-lalake or mapa-babae, mapa-bakla or tomboy, may mananakit at mananakit sa kanya kahit gaano siya proteksyunan ng mga tao sa paligid niya.

"Pain will find a way to go to her, e. And I guess, okey lang yun kasi it will make her a better person, it will make her stronger. At yun ang kailangan niya bilang tao. Kasi, kung protected siya palagi, parang wala kang matutunan sa buhay, di ba?"

ON HER PREGNANCY. Marami naman ang gandang-ganda kay Juday ngayong anim na buwan na ang dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan. Dahil fit din ang suot niya, napakaraming nakapansin na pati ang bilog ng tiyan niya ay maganda rin.

Masuwerte ngang buntis si Juday dahil tulad ng madalas niyang sinasabi, hindi siya dumaan sa mga lihi-lihi factor.

"Wala talaga akong lihi-lihi. Wala ako yung hindi gustong amoy or kine-crave na sobra ng ganito. Nagluluto pa nga ako! Hindi ko lang talaga kaya yung malasang lasa. Hindi ko kayang kainin, pero gusto ko siyang kainin. Hindi kaya ng sistema ko. Kahit gusto ko, pag-uwi ko ng bahay, ilalabas ko rin siya. Ako nga, ang pinakahinihintay ko na, yung halos hindi mo na ako makakausap sa antok," kuwento niya.

Hindi rin daw niya masagot kung napaglihian ba niya ang asawang si Ryan Agoncillo.

"E, kasi, palagi ko na rin naman siyang tinititigan kahit noong hindi pa ako buntis. So, hindi ko na alam kung napaglihian ko ba siya. Hindi ko alam kung ano ang madalas at hindi," paliwanag ni Juday.

Baka sa October 14 daw siya manganak sa kanilang si "Butchocoy."


May plano na rin si Juday after niyang makapanganak. Talagang magpapahinga muna raw siya at pipiliting mag-focus sa kanilang anak.

"Ideally, one year talaga. Pero, hindi naman yung talagang hindi na ako makikita. May mga guesting siguro kung may gagawin. Pero yung soap opera, movies, hindi muna. It requires time taking care of the baby. At saka siyempre, babantayan mo rin yung magiging dating kay Yohan no'n. Mabuti sana kung isang bata lang ang nandiyan, e, hindi, e. May isa pang bata na kailangan pang intindihin mo ang nararamdaman," saad ni Juday, na ang tinutukoy ay ang adopted daughter nila ni Ryan na si Yohan.

Okey rin ba ang plano niyang ito kay Ryan?

"Oo, kaya nga kubang-kuba siya ngayon sa pagtatrabaho!" natatawa niyang sabi. "In fairness naman kay Rye, he gave me naman the choice, if I really want to rest or not. Yun ang isang in-assure niya sa akin. 'You will have a choice. If you want to rest, you can rest. If you want to go back to work, you can go back to work. Parang kung gusto mong magpahinga, ako na ang bahala sa 'yo.' Yun naman ang napakasuwerte ko rin naman sa aspetong yun. Hindi ka mangangarag mag-isip ng kung anuman ang mangyayari dahil hindi ka nagtatrabaho."

Juday malaking-malaki na ang tiyan


-----------------

Juday malaking-malaki na ang tiyan

TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated July 16, 2010 12:00 AM
Hindi ako nakapunta kahapon sa presscon ng Hating Kapatid dahil may inasikaso akong importante.

Hindi man ako naka-attend, updated ako sa mga eksena like malaking-malaki na ang tiyan ni Judy Ann Santos. Bigla raw lumobo ang tiyan ni Juday dahil fit na fit ang damit na suot niya.

Hindi nakasipot si Luis Manzano sa presscon dahil siya ang host ng Wowowee. Si Luis ang love interest ni Sarah Geronimo sa Hating Kapatid.

Idinenay naman ni Sarah ang balita na nakita siya na umiiyak habang magkausap sila ni Sharon Cuneta sa set ng Sharon. Hindi raw true ang balita at lalong walang katotohanan na umiiyak siya dahil sa isang mhin.

Pinaniniwalaan ko ang denial ng aking favorite singer-actress dahil wala sa image niya ang nagsisinungaling. Kilalang-kilala ko na si Sarah. Kesa mag-deny siya, idinadaan na lang niya sa bungisngis ang mga imbentong isyu.

-------


Wednesday, July 14, 2010

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth



"Siyempre nakakatuwa kasi yun ang una ko talagang naging apprehension na kapag nagbuntis ako, ayokong sabihan ako na pangit ako! Siguro lumalabas talaga yung pakiramdam mo dun sa bata, or yung ikaw mismo kung gaano ka kasaya sa married life mo, sa personal life mo. Lalabas yun sa iyo, e. Hindi mo na kailangang mag-effort at all," says Judy Ann Santos on staying beautiful while pregnant.

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth

Glen P. Sibonga

Rating

Ang Hating Kapatid na raw ang huling pelikulang gagawin ni Judy Ann Santos hanggang sa makapanganak siya. October 14 ang due date niya. Six months na ang baby boy sa kanyang sinapupunan na may palayaw na "Buchochoy."

Ano ba ang puwede niyang gawin habang naghihintay ng kanyang panganganak?

"Siguro mga pictorials na lang, photo shoots, ganun na lang. Kung may endorsements na papasok, puwede pa. Kung gusto nila akong i-shoot na ganito ako kalaki, bakit hindi, di ba? Pero most definitely, hindi na muna ako magteteleserye. Siguro one year muna akong magpapahinga sa TV, sa movie baka din. Depende kasi lahat 'yan kung makakabalik pa agad ako sa dating katawan ko after I give birth," sabi ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Hating Kapatid sa Citibest restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Miyerkules, July 7.


NOT IN A HURRY TO GO BACK TO WORK. Hindi naman daw nagmamadali si Juday na makabalik sa showbiz agad dahil gusto nga niyang maalagaan mabuti ang parating na baby nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

"Ang masisigurado ko lang, hindi ako nagmamadali kasi ang tagal kong hinintay ang pagdating ng baby, e. Ie-enjoy-in ko talaga yung moment na magbe-breastfeed, mag-aalaga, yung paglaki ng bata. A year or more siguro bago ako tuluyang bumalik sa showbiz."

Isa sa kinu-consider ni Juday sa kanyang pagbabalik ang mag-host ng isang talk show.

"Siguro yung ang una kong iisipin, yung talk show," banggit niya. "Kasi yun ang pinakamagaan. Gusto ko ng trabaho for me na hindi ako malalayo nang matagal sa pamilya ko, hindi ako mahihirapan. Most definitely, bago ako bumalik, paghahandaan kong mabuti."

Ready na ba siya sa kanyang semi-retirement habang inaalagaan niya ang baby niya?

"You're never ready, e, di ba? Hindi mo masasabi kung kailan ka magiging ready sa panahong sa tingin mo magre-retire ka. Ang masasabi ko lang, basta kakayanin kong magtrabaho sa mga panahong kakayanin kong iwanan ang mga bata. Pero siyempre, most definitely my time and attention will be for my baby and my family. Kasi I've given a lot of time already in this business. So, yung ibang oras ko naman ibibigay ko na sa pamilya ko," saad niya.

ENJOYING HER PREGNANCY. Ine-enjoy ni Juday ang kanyang pagbubuntis dahil hindi naman siya nahihirapan, lalo pa nga kapag sinasabi sa kanyang ang ganda niyang magbuntis kahit na lalake ang magiging anak niya. May paniniwala kasi ang mga Pinoy na kapag lalake ang magiging anak ay hindi ganung kaganda ang nanay kapag nagbubuntis. Pero ibang-iba nga yata kay Juday dahil blooming siya.

"Siyempre nakakatuwa kasi yun ang una ko talagang naging apprehension na kapag nagbuntis ako, ayokong sabihan ako na pangit ako!" sabay tawa ni Juday. "Siguro lumalabas talaga yung pakiramdam mo dun sa bata, or yung ikaw mismo kung gaano ka kasaya sa married life mo, sa personal life mo. Lalabas yun sa iyo, e. Hindi mo na kailangang mag-effort at all."

Hindi naman siya taun-taon magbubuntis?

"Hindi naman. At saka mahirap nang bumuo ng pamilya ngayon," sagot ni Juday.

Ilang anak ba ang gusto nila ni Ryan?

"Maximum of three. Minumum of two. Pag nahirapan akong manganak, baka two na lang!" sabay tawa ni Juday.

ATE TO SARAH. Ateng-ate naman ang dating ni Judy Ann sa co-star niya na si Sarah Geronimo sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula, ang Hating Kapatid ng Viva Films.

Tulad ng isang ate, may mga bagay na pinapansin at may mga bagay na pinupuri si Juday kay Sarah.

"Walang kuwenta, walang kuwentang kasama 'yang batang iyan," pabirong sagot ni Juday nang matanong siya ng PEP at iba pang press kung kumustang kasama si Sarah.

"Hindi, kailan ka ba nakarinig ng masama sa co-star, di ba?" seryoso na niyang sabi. "Pero sa pagkakataong ito, kay Sarah, wala naman akong puwedeng sabihing hindi maganda sa kanya. Kasi magsisinungaling ako kung ganun. Napakabuting bata, napakabuting anak. And at the same time, sa sobrang buti niya, minsan nakakalimutan na niyang makipag-usap. Iyon ang pina-practice namin sa kanya. Masyado lang sigurong mahiyain."

Nang gawin ni Juday ang pelikulang Magkapatid with Sharon Cuneta ay mas tumodo ang friendship nilang dalawa, na naging matron of honor pa niya ang Megastar sa kasal. Ngayon bang magkasama sila ni Sarah sa Hating Kapatid ay posibleng umabot sa gano'ng level katulad ng kay Sharon ang friendship nila ni Sarah?

"Kami naman ni Ate Sharon, yung pagiging magkapatid naman namin, hindi namin ine-expect na aabot sa puntong mamahalin namin ang isa't isa nang sobra-sobra," sabi ni Juday. "Hindi ko naman sinasabing hindi aabot sa puntong iyon kami ni Sarah, pero hindi iyon yung pagiging magkaibigan na tinatrabaho mo. It naturally happens.

"Naniniwala ako na yung pagmamahalan namin ni Sarah ay hindi matatapos hanggang mai-showing na ang pelikulang ito dahil si Sarah yung nakikita ko na hahanap-hanapin mo after the project. Nagkataon lang na yung sa amin ni Ate Sharon, gave us more time to know each other better. Pero si Sarah, may effort din naman siya to do the same. Willing akong maging ate ni Sarah kung gugustuhin niya."


Ano ang hindi niya nagawa in life na puwede niyang ipayong gawin ni Sarah?

"Ako, palagi kong sinasabi sa kanya to travel," sabi ni Juday. "Travel the world, explore the whole world. Kasi ang laki ng mundo. Marami rin naman siyang kinikita. Yung kahit papaano do something for yourself. Because time will come na hindi mo na mababalik 'yan. Hindi mo na magagawang enjoy-in ang buhay mo. So, enjoy-in niya yung buhay niya.

"Sa buhay ko naman, wala akong regret. Nagtrabaho ako nang puspusan dahil ginusto ko. Pero sinasabi ko lang sa kanya, travel alone para maging adventurous siya. Not naman to do something bad. Pero masaya rin naman yung to travel with your family and friends. Sometimes nga lang, try it alone. Iba kasi yung ikaw lang, e, mas magiging independent ka. Meron kang bagong personality sa sarili mo na hindi mo ine-expect na madi-discover mo."


Saturday, July 10, 2010

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth


Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth



"Siyempre nakakatuwa kasi yun ang una ko talagang naging apprehension na kapag nagbuntis ako, ayokong sabihan ako na pangit ako! Siguro lumalabas talaga yung pakiramdam mo dun sa bata, or yung ikaw mismo kung gaano ka kasaya sa married life mo, sa personal life mo. Lalabas yun sa iyo, e. Hindi mo na kailangang mag-effort at all," says Judy Ann Santos on staying beautiful while pregnant.

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth

Glen P. Sibonga

Rating

Ang Hating Kapatid na raw ang huling pelikulang gagawin ni Judy Ann Santos hanggang sa makapanganak siya. October 14 ang due date niya. Six months na ang baby boy sa kanyang sinapupunan na may palayaw na "Buchochoy."

Ano ba ang puwede niyang gawin habang naghihintay ng kanyang panganganak?

"Siguro mga pictorials na lang, photo shoots, ganun na lang. Kung may endorsements na papasok, puwede pa. Kung gusto nila akong i-shoot na ganito ako kalaki, bakit hindi, di ba? Pero most definitely, hindi na muna ako magteteleserye. Siguro one year muna akong magpapahinga sa TV, sa movie baka din. Depende kasi lahat 'yan kung makakabalik pa agad ako sa dating katawan ko after I gave birth," sabi ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Hating Kapatid sa Citibest restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Miyerkules, July 7.


NOT IN A HURRY TO GO BACK TO WORK. Hindi naman daw nagmamadali si Juday na makabalik sa showbiz agad dahil gusto nga niyang maalagaan mabuti ang parating na baby nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

"Ang masisigurado ko lang, hindi ako nagmamadali kasi ang tagal kong hinintay ang pagdating ng baby, e. Ie-enjoy-in ko talaga yung moment na magbe-breastfeed, mag-aalaga, yung paglaki ng bata. A year or more siguro bago ako tuluyang bumalik sa showbiz."

Isa sa kinu-consider ni Juday sa kanyang pagbabalik ang mag-host ng isang talk show.

"Siguro yung ang una kong iisipin, yung talk show," banggit niya. "Kasi yun ang pinakamagaan. Gusto ko ng trabaho for me na hindi ako malalayo nang matagal sa pamilya ko, hindi ako mahihirapan. Most definitely, bago ako bumalik, paghahandaan kong mabuti."

Ready na ba siya sa kanyang semi-retirement habang inaalagaan niya ang baby niya?

"You're never ready, e, di ba? Hindi mo masasabi kung kailan ka magiging ready sa panahong sa tingin mo magre-retire ka. Ang masasabi ko lang, basta kakayanin kong magtrabaho sa mga panahong kakayanin kong iwanan ang mga bata. Pero siyempre, most definitely my time and attention will be for my baby and my family. Kasi I've given a lot of time already in this business. So, yung ibang oras ko naman ibibigay ko na sa pamilya ko," saad niya.

ENJOYING HER PREGNANCY. Ine-enjoy ni Juday ang kanyang pagbubuntis dahil hindi naman siya nahihirapan, lalo pa nga kapag sinasabi sa kanyang ang ganda niyang magbuntis kahit na lalake ang magiging anak niya. May paniniwala kasi ang mga Pinoy na kapag lalake ang magiging anak ay hindi ganung kaganda ang nanay kapag nagbubuntis. Pero ibang-iba nga yata kay Juday dahil blooming siya.

"Siyempre nakakatuwa kasi yun ang una ko talagang naging apprehension na kapag nagbuntis ako, ayokong sabihan ako na pangit ako!" sabay tawa ni Juday. "Siguro lumalabas talaga yung pakiramdam mo dun sa bata, or yung ikaw mismo kung gaano ka kasaya sa married life mo, sa personal life mo. Lalabas yun sa iyo, e. Hindi mo na kailangang mag-effort at all."

Hindi naman siya taun-taon magbubuntis?

"Hindi naman. At saka mahirap nang bumuo ng pamilya ngayon," sagot ni Juday.

Ilang anak ba ang gusto nila ni Ryan?

"Maximum of three. Minumum of two. Pag nahirapan akong manganak, baka two na lang!" sabay tawa ni Juday.

ATE TO SARAH. Ateng-ate naman ang dating ni Judy Ann sa co-star niya na si Sarah Geronimo sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula, ang Hating Kapatid ng Viva Films.

Tulad ng isang ate, may mga bagay na pinapansin at may mga bagay na pinupuri si Juday kay Sarah.

"Walang kuwenta, walang kuwentang kasama 'yang batang iyan," pabirong sagot ni Juday nang matanong siya ng PEP at iba pang press kung kumustang kasama si Sarah.

"Hindi, kailan ka ba nakarinig ng masama sa co-star, di ba?" seryoso na niyang sabi. "Pero sa pagkakataong ito, kay Sarah, wala naman akong puwedeng sabihing hindi maganda sa kanya. Kasi magsisinungaling ako kung ganun. Napakabuting bata, napakabuting anak. And at the same time, sa sobrang buti niya, minsan nakakalimutan na niyang makipag-usap. Iyon ang pina-practice namin sa kanya. Masyado lang sigurong mahiyain."

Nung gawin ni Juday ang pelikulang Magkapatid with Sharon Cuneta ay mas tumodo ang friendship nilang dalawa na naging matron of honor pa niya ang Megastar sa kasal. Ngayon bang magkasama sila ni Sarah sa Hating Kapatid ay posibleng umabot sa ganung level katulad kay Sharon ang friendship nila ni Sarah?

"Kami naman ni Ate Sharon, yung pagiging magkapatid naman namin, hindi namin ine-expect na aabot sa puntong mamahalin namin ang isa't isa nang sobra-sobra," sabi ni Juday. "Hindi ko naman sinasabing hindi aabot sa puntong iyon kami ni Sarah, pero hindi iyon yung pagiging magkaibigan na tinatrabaho mo. It naturally happens.


"Naniniwala ako na yung pagmamahalan namin ni Sarah ay hindi matatapos hanggang mai-showing na ang pelikulang ito dahil si Sarah yung nakikita ko na hahanap-hanapin mo after the project. Nagkataon lang na yung sa amin ni Ate Sharon, gave us more time to know each other better. Pero si Sarah, may effort din naman siya to do the same. Willing akong maging ate ni Sarah kung gugustuhin niya."

Ano ang hindi niya nagawa in life na puwede niyang ipayong gawin ni Sarah?

"Ako, palagi kong sinasabi sa kanya to travel," sabi ni Juday. "Travel the world, explore the whole world. Kasi ang laki ng mundo. Marami rin naman siyang kinikita. Yung kahit papaano do something for yourself. Because time will come na hindi mo na mababalik 'yan. Hindi mo na magagawang enjoy-in ang buhay mo. So, enjoy-in niya yung buhay niya.

"Sa buhay ko naman, wala akong regret. Nagtrabaho ako nang puspusan dahil ginusto ko. Pero sinasabi ko lang sa kanya, travel alone para maging adventurous siya. Not naman to do something bad. Pero masaya rin naman yung to travel with your family and friends. Sometimes nga lang, try it alone. Iba kasi yung ikaw lang, e, mas magiging independent ka. Meron kang bagong personality sa sarili mo na hindi mo ine-expect na madi-discover mo."

Judy Ann Santos to Sarah Geronimo: "Pagkakitaan na lang niya yung mga pain kasi iyon naman ang ginawa ko."

Judy Ann Santos to Sarah Geronimo:



"Ang layu-layo pa ng mararating niya kaya huwag sana maaga siyang mapagod sa trabaho niya nang dahil sa hindi siya nabibigyan ng sapat na pahinga. Tama rin na i-enjoy niya yung kinikita niya," says Judy Ann Santos (right) about Hating Kapatid co-star Sarah Geronimo (left).

Judy Ann Santos to Sarah Geronimo: "Pagkakitaan na lang niya yung mga pain kasi iyon naman ang ginawa ko."

Rommel Gonzales

Rating

Bilang maituturing na tila nakatatandang kapatid, may advice na laging ibinibigay si Judy Ann Santos sa co-star niya sa pelikulang Hating Kapatid na si Sarah Geronimo.

Aniya, "Ang lagi kong sinasabi kay Sarah, try to enjoy life kasi hindi na maibabalik kung ano yung edad niya ngayon, hindi naman maire-rewind 'yon, e. Na enjoy-in niya, namnamin niya yung buhay niya, ang pagiging bata.

"Ang lovelife, darating 'yan. Ang mga lalaking manliligaw, marami diyan. Pero may isang lalaking darating sa buhay niya na talagang ipaglalaban siya. Hindi dapat minamadali 'yan. Nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi, nag-aabang lang ng tamang timing.

"Sa career," patuloy ni Juday, "importanteng magtrabaho nang husto. Pero importante rin yung may pahinga. Kasi, hindi ka rin makapagtatrabaho nang maayos kung pagod na pagod ka palagi, hindi ka nakakatulog at saka darating ka sa point na mabe-burnout ka.

"Ilang beses na kasing nangyari sa akin 'yan, kaya ayaw kong mangyari kay Sarah. Kasi napakahusay niyang bata, napakatalentado, sayang. Ang layu-layo pa ng mararating niya kaya huwag sana maaga siyang mapagod sa trabaho niya nang dahil sa hindi siya nabibigyan ng sapat na pahinga. Tama rin na i-enjoy niya yung kinikita niya."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Juday sa presscon ng Hating Kapatid sa City Best Restaurant sa Tomas Morato noong Miyerkules ng tanghali, July 7.

MATTERS OF THE HEART. Pagdating naman sa pag-ibig, ano ang masasabi ni Judy Ann tungkol sa pagkaka-link ni Sarah kina Mark Bautista, Rayver Cruz, at John Lloyd Cruz. Tama ba ang ginagawa nito na huwag muna ma-involve kahit kanino, at ano ang advice ni Juday kay Sarah tungkol sa pag-ibig?

"Ako, tama lang," sagot ni Juday.Kasi actually, marami siyang makakasalamuha pang mga mapa-partner sa kanya na puwedeng feeling niya in love na siya, pero hindi naman talaga. At may mga makaka-partner din siya na papainlabin siya. Pero feeling ko, hindi mawawala 'yon sa mga loveteams.

"Ako, ang pinakadapat sa kanya yung taong ipe-pursue siya even after the project. Iyong hindi nandiyan lang dahil may proyekto. Hindi yung nandiyan lang dahil nakikilala siya because of Sarah. Hindi yung nandiyan lang dahil may hinihintay siyang kapalit. Iyong nandidiyan hanggang matapos ang proyekto. Iyong patutunayan niya talagang mahal niya si Sarah. Kayang humarap sa mga magulang niya at kaya siyang hintayin at kayang respetuhin kung anuman ang sasabihin ni Sarah sa plano niya sa buhay niya."

Dapat ba na non-showbiz guy ang maging boyfriend ni Sarah?

"Ako, akala ko nung umpisa mapupunta ako sa non-showbiz. Kasi parang nag-surrender na rin ako dun sa idea na may mabuting tao sa showbiz na magmamahal sa akin!" tawa ni Juday. "Hindi pala, hindi pala. Basta ako, naniniwala ako na darating 'yon sa puntong hindi mo hinintay at sa puntong hindi mo hinihingi. Darating 'yon sa katauhan ng isang lalakeng hindi mo ini-expect, na puwede ka palang patawanin, puwede kang mahalin, lahat-lahat na.

"Tsaka sinasabi ko kay Sarah, kung may taong mananakit sa kanya, okay lang 'yan kasi it would make her a better actress. Pagkakitaan na lang niya yung mga pain kasi iyon naman ang ginawa ko. Pinagkakitaan ko silang lahat, natuwa naman ako!" tawa ulit ng young superstar.

Ganito ba ang mga payo niya kay Sarah dahil naranasan din niya ang mga ito?

"Hindi ko naman yata masasabi 'yon kung hindi ko naramdaman at napagdaanan!" ang muling natatawang sinabi ni Judy Ann. "Pero ako, wala naman akong regrets sa mga napagdaanan ko. It made me a better person, a stronger person. In fact, it made me love life more kasi normal akong tao, hindi ako yung extraordinary na hindi nasasaktan."