@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, June 23, 2011

Mama Daisy called me in the midst of my meeting with OctoArts boss Orly Ilacad at Annabel’s restaurant while Boss Orly was beside himself with joy dahil among the MMFF entries ang kanyang “My Househusband” na tampok sina Juday at Ryan ay number one sa ganda ng istorya sa lahat ng mga na-submit na stories kaya napili kaagad ito.


Natawa lang si Orly sa balitang na-Ilacad niya sa komite ang entry ng film outfit niya dahil “malakas” daw siya kay Papa Jesse Ejercito.


“Lakaran lang ba ang usapan diyan? Eh ‘di mas malakas pa pala ako kay Jesse Ejercito kesa pamangkin niyang si ER Ejercito na ‘di naaprub ang entry nitong “Asiong Salonga”?


Syempre galing na ‘yang maling balitang ‘yan sa mga sourgrapes na ‘di nakapasok sa MMFF,” humble na wika ni Boss Orly, who was never known na nambraso kailanman ng gusto niya.


Happy si Boss Orly kasi it has been three years na kaming nag-uusap for a Juday movie sa outfit niya.


“Sa wakas matutuloy na rin yata tayo,” ani Boss Orly.


Iniabot niya sa akin ang kontrata for the movie for me to read and sign if agreed on the terms.


Buti na lang nandoon na rin ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer kaya naplantsa na ang lahat ng kundisyones na ina*yunan namang lahat ng mabait na Boss Orly.


So far, sina Juday at Ryan at magdidirek nitong si Joey Reyes ang sigurado na.


Wala pang mga supporting cast except Eugene Domingo. And definitely, walang starlets from Star Magic na makakasali sa movie!


Boss Orly further related na nagustuhan ng komite ang istorya ng “My Househusband” dahil sa makaka-relate ang lahat sa everyday happenings sa buhay ng bawa’t Pinoy, direk Joey saw to it na maiiba ito sa past topgrossers nina Juday at Ryan na “Kasal, Kasali, Kasalo” at “Sakal, Sakali, Saklolo” sa magkasunod na MMFF.


Tinawanan lang ni Boss Orly ang sabi ng mga sourgrapes na part 3 lang ito ng dalawang naunang KKK at SSS na likha rin ni direk Joey. Patutu*nayan daw ni direk Joey na itong iskrip na sinulat niya at ididirek ay magugustuhan ng mga bata at matatanda dahil ayon na rin daw kay Juday, “masaya ito at magaan”, which is the main purpose of the MMFF tuwing Pasko at Bagong Taon, ang magpasaya ng bawa’t isang Pilipino!


So mga Judainians, saan pa kayo?

No comments:

Post a Comment