http://abante.com.ph/a/entertainment/1948/juday-at-sam-tumitindi-ang-salpukan-sa-serye.html
Written by Alfie Lorenzo
Patindi nang patindi ang galit ng karakter ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na si Anessa sa role ni Sam Milby na si Eros sa teleserye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.
Matapos tuluyang mapawalang-sala sa kasong smuggling, naging desidido na si Eros na bawiin ang kanyang anak mula kay Anessa. Humantong pa sa sukdulan ang lahat dahil sa labis na galit sa pang-aabandonang ginawa sa kanya ng asawa ay mababaril ni Eros si Anessa.
Malampasan pa kaya ni Anessa ang panibagong banta na ito sa kanyang buhay o ang karahasang ito ang magiging susi sa muli niyang pagbangon? Huwag palampasin ang mas palaban na kuwento ng Huwag Ka Lang Mawawala, gabi-gabi, sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.
No comments:
Post a Comment