@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, April 6, 2013

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo want kids to finish studies first before entering showbiz


Hangga't maaari, ayaw pa sanang isipin ni Ryan Agoncillo ang pagkakataong magdadalaga na at may manliligaw na sa panganay nila ni Judy Ann Santos na si Yohan. Ani Ryan: “It’s been years and I’m still learning the art of helplessness, kasi wala naman akong magagawa, e, sa totoo lang.”
Photo By: Arniel C. Serato

Hindi hahadlangan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang dalawa nilang anak na sina Yohan at Lucho sakaling pumasok sila sa showbiz.
Ang mahigpit lang nilang bilin sa dalawa, tapusin muna ang kanilang pag-aaral.
Nakisali ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin ng host ngAng Latest Uplate ng TV5 na si Joey Reyes ang mag-asawang Ryan at Judy Ann.
Ang bungad ni Juday, “Alarmang-alarma nga kami.
“Gusto niya [Yohan], e, gusto niya maging artista, sinasabi niya at least sa akin.
“Sinasabi niya kasi kay Ryan, meron pa siyang pagdi-deny na ginagawa, pero 'pag kaming dalawa lang, sinasabi niya sa akin na, ‘You know what, Ma? I wanna be like you.”
“Sabi ko sa kanya, ‘As long as you finish your studies, you can do it.’
Sabat ni Ryan, “Pero Direk, kasi right now, we accept the fact na eventually papasok siya.
“Inevitable naman, ika nga, na she will enter showbiz…
“That’s why kami rin, dini-discover namin kung ano yung mga talent niya, na puwede niyang i-hone ngayon pa lang which we support.”
Pero sa ngayon, gusto ni Ryan na maging normal ang childhood ni Yohan.
Dugtong ng host, “Kasabay noon, we also try to keep her as a normal kid as possible.
“For the past four months, she hasn’t been allowed to… she’s on the stage where she starts learning to deal with responsibilities.
“Yung grades niya, hindi naman nagpi-fail, hindi naman shaky, pero its not high as it used to be.
“So now, instead of grounding her, instead of punishing her, hindi namin pinapahinto yung kanyang mga activities na gusto.
“Ang ginawa namin, limit muna yung exposure niya to the Internet, television, video games.”
“What she is allowed to do now is to practice singing, practice her piano.
“And then, we encourage her to… parang biking around the village, normal things for kids to grow up.”

CELEBRITY KID. Na-i-starstruck ba yung mga kaeskuwela ni Yohan dahil sikat na mga artista ang parents nito?
Kuwento ni Judy Ann, “Uhm… noong unang pasok niya doon sa eskwelahan, merong mga ganoon, e, ‘Ay! Nakikita kita! Ay! Ayan si Yohan sa commercials!’
“Pero after a while, since doon din naman nag-aaral yung anak ni Jodi [Sta. Maria na si Thirdy]…
“Normal din naman talaga sa kanila na may mga anak ng artista na nag-aaral din doon. Hindi lang naman siya.
"Pero hindi lang maiwasan talaga na mababati siya, and she likes it, she likes it.”
Dagdag pa ng Young Superstar, kapag may mga kaibigan silang dumadalaw sa kanilang bahay, sinasanay nilang makihalubilo ang bata sa mga ito para hindi maiilang pagdating ng araw.
“So, sanay sila ng maraming tao, sanay silang nakikipag-communicate sa mga matatanda.
“At nag-e-entertain ng mga tao, alam nila ‘yan… hindi sila ilag.
“Kasi si Yohan, noong baby siya, na-realize ko, shinield ko siya sa tao.
“Natakot ako na baka mamaya, yung anak ko, na baka ma-bully, or hindi maintindihan yung sitwasyon naming dalawa, so shinield ko siya sa tao.
“Tapos, noong  unang inilabas ko siya, ayaw niyang makakita ng tao, ayaw niyang makipag-usap.
“Hindi siya isnabera pero takot siya, so doon ko na-realize na mali yung ginawa ko.”
“So ngayon, talagang hangga’t maari, kung ano yung mga pagkakamali ko before, inaano ko talaga ngayon, na pinaplantsa namin talaga ngayon na hindi naman kasi maiiwasang hindi sila ma-expose sa mga tao.”
Tanong ni Direk Joey, magsi-siyam na taong gulang na si Yohan sa ngayon, darating ang araw na magdadalaga na ito, paano nila inihahanda ang mga sarili sa panahong may manliligaw na dito?
Si Ryan ang sumagot at nagpaliwanag.
“It’s been years and I’m still learning the art of helplessness, kasi wala naman akong magagawa, e, sa totoo lang.”
“Pagka may magsimulang manligaw kay Yohan, ang tatay naman, e, puro ganyan lang.
“Bibigay din naman ‘yan sa kung anong gusto nang anak mo.
“Pero ang maganda ngayon kay Yohan, I think we established a good line of communication.
“Katulad na lang noong nagbisikleta kami the other day, nag-openup siya, ah, na merong may crush sa kanya sa school. Kinuwento raw ng kakalase niya.
"Sabi niya, ‘Secret yun, Daddy.’

INEVITABLE. Pagdating naman kay Lucho, may mga senyales na rin daw na baka magkahilig ito sa show business.
Sabi pa ni Ryan, “You know it’s a question, I asked kay Bossing Vic Sotto, how he dealt with Danica and Oyo.
“Actually, sa kanya nanggaling yung word na ‘inevitable,’ parang they [the kids] will want to [enter showbiz] in time and you have to deal with.”
Dagdag pa niya, “We just have to arm them with proper tools, at least they have genuine talents naman.
“Ang sinasabi lang namin, magtapos kayo ng pag-aaral.
“Kasi, there are only few cases like Judy Ann, masuwerte siya, e, yung pinagdaanan niya,  nandiyan si Kuya Jeff [Jeffrey Santos] na tumulong sa kanya. Nandiyan si Tito Alfie [Lorenzo, manager ni Juday] na nagbantay. Nandiyan si Mommy Carol [ina nina Juday at Jeff].
“But not everyone is as lucky as my wife. I don’t wanna… parang ako, pumasok ako sa showbiz, buo na yung utak ko, buo na yung dibdib ko.
“Gusto ko sana, ganoon sila, buo na sila as people before they join the merry world of show business.”

STAYING POWER. Ano ang sikreto ng mga artistang tumatagal sa showbiz?
Ang sagot ni Juday, “Siguro Direk, yung nag-invest ako ng magandang relationship sa mga naging katrabaho ko.
“At sinigurado ko na in-enjoy ko yung company nila, na may natutunan din ako sa kanila.
“At yung wala akong inagrabyado kahit kailan noong nagsimula pa ako. Wala talaga akong inagrabyado, kasi naniniwala ako na magkita-kita ulit kayo, di ba?
“Kahit papa'no, baligtarin mo man ang mundo, lahat ng nakasama mo noon, makikita mo rin sila ulit habang tumatagal.
“And  ayoko lang yung pakiramdam na tuwing makita mo sila, mabubuwisit ako or mabubuwisit sila.
“At saka siguro, Direk, dito ako lumaki, nakita ko  yung transition ng bawat artista.
“Nakita ko at inobserbahan ko lahat ng artista na gusto kong obserbahan— kung paano sila ka-professional sa pakikipagtrabaho, kung paano ugali nila sa set, sa pag arte, kung paano sila mag-reinvent ng sarili nila… lahat yun, ginawa ko na.
“Hindi ko namalayang pino-proseso ko pala, kasi ako, ini-enjoy ko lang na pinapanood yung mga tao.
“Hindi ko pala alam na sa loob ko, gusto ko siyang matutunan, kasi gusto ko itong trabahong ito.
“Kasi hindi naman ako magpapaka-ipokrito, Direk, na wala akong kinikita dito, ay hindi naman...
“Kasi, pangit sabihing ‘Ay hindi, hobby lang talaga ito.’ Hello! Bakit naman ako magtatagal nang ganito kung hindi ko naman nabuhay yung pamilya ko dito, di ba?”

FUTURE PLANS. Sunod na tanong ni Direk Joey kay Judy Ann, “Do you have a long-range plan to give up showbiz and venture into something else?”
Tugon niya, “Sa ngayon, Direk, napapag-usapan namin yung maaaring maging plano namin in the future.
“Ano ba yung puwede pang maging business? Para kung sakali man, alam naman natin na dito sa industriya… Hindi ito Hollywood na habang tumatanda ka, mas tumataas yung premium mo.
“Dito kasi, habang tumatanda ka, lalo kang hindi nirerespeto which is nakakalungkot.
“Ang sad, nakakainis isipin na pagtanda mo, bigla ka na lang hindi naa-appreciate ng tao.
“So kami ngayon, lalo na sa akin, kasi pag-aartista lang naman ang alam kong gawin, Direk.”
Dagdag pa niya, “Hindi ko pa kasi... ito kasi yung napag-aralan ko mula noong pagkabata ko.
“So ito ang alam kong profession, wala pang iba pa."
Although, masasabing sa ngayon, may fallback siya.
"Culinary or cooking nagsisimula pa lang ako. Kumbaga, minamahal ko pa siya lalo.
“Hindi ko pa siya masasabi na alam ko na lahat ‘yan at mabubuhay ako sa pagluluto.”



No comments:

Post a Comment