@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, September 6, 2012

Judy Ann Santos says she doesn't mind being second choice to Ai-Ai delas Alas in MMFF entry


Matapos maging bida ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa Cinemalaya entry na Mga Mumunting Lihim, busy naman ito sa pagsu-shooting ng kanyang pelikula kasama si Bossing Vic Sotto at Senator Bong Revilla. Mapapanood sila sa pelikulang Si Enteng, Si Agimat at Ako, na isa sa mga entries ng 2012 Metro Manila Film Festival.
Noong August 14, nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Juday (palayaw ni Judy Ann) tungkol sa ginagawa niyang pelikula para sa MMFF.

Pakikwento naman po ang karakter niyo sa pelikulang ito?

Juday: “Ako ang pangalan ko dun. Ako si Ako, yun ang pangalan ko dun, Ako! Isa akong Engkantada ng Kalikasan, so yun ang role ko. Taga protekta ng mga gubat, ng mga park. Naghahanap ako ng mapapangasawa sa katauhan nina Agimat at ni Enteng. Kaya tinawag ko na lang yung sarili ko na 'haliparot na fairy.'


"Para kasing nung unang shooting pa lang namin ay hirap akong ilagay yung sarili ko sa karakter, kasi hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ako rito. Hanggang dun sa pangalawang araw, yun na nga. Naka-mado ko na yung karakter ko. Nahuli ko na yung gusto ni Direk Tony, kaya sabi ko 'Ah! Alam ko na, ako yung 'harot' na fairy dito.' Kasi, maharot talaga.”
So, kakaibang Judy Ann po ang makikita rito, isang Judy Ann na komedyante?

Juday: “Ah, oo! Sanamaitawid ko yung 'comedy side' ko rito. Kasi baka nawala na siya sa akin. Di ko masabi, eh, Inglis pa, teka teka muna, huwag kayo mag expect masyado.”
Kamusta ka trabaho si Bossing Vic at Sen. Bong sa pelikulang ito?

Juday:
 “Alam mo sa totoo lang, na starstruck talaga ako sa kanila. Parang hindi ako makapaniwala na ako yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang leading man. Marami namang pwedeng iba. Yung talagang sakto dun sa karakter, pero bakit ako? Alam mo yun, may mga tanong kang ganun eh. Paano ba? Paano ko na ito itatawid? Deserve ko ba talaga tong karakter na ito? Sadyang ako ba talaga ang nararapat na gumanap dito? But then again, thankful ako na napili nila ako. Lagi kong sinasabi na once-in-a-lifetime opportunity na makasama ko sa isang proyekto ang dalawang malaking artista, kaya masyado ako nagpapasalamat. 


"Alam naman nating ang Enteng at Agimat, ay nasa magkaibang history yang MMFF, pinagsama mo sila at ako yung nasa gitna na nakakatuwa naman at nakakataba ng puso. Ang ikinatatakot ko lang ngayon…Si Enteng nag na No. 1 si Agimat nag na No. 1, nung magkasama silang dalawa bonggang bonggang No. 1 sila, walang nakahabol sa kanila. Sa pagkakataon na ito, ako lang ang idinagdag sa pamilya  nila, pag nang No. 2 kami, parang ako yata ang naging salot. So, napakalaking pressure sa 'kin, kaya abot abot ang dasal ko na 'Huwag naman please sana!' Baka katapusan na ng career ko ito.”
Aware po ba kayo na para dapat kay Ms. Ai-Ai delas Alas yung role na dapat role niyo sa MMFF entry na ito?

Juday:
 “Oo naman! Wala namang kaso sa akin yun, ang trabaho ay trabaho, in fairness naman sa pagsusulat nung istorya, hindi naman siya na-pattern sa karakter ni Ai-Ai mula sa Tanging Ina.


"Naging honest din naman ako sa kanila na hindi ko kayang gawin yung ginagawa ni Ai-Ai, kasi nag-iisa siya pagdating sa mga ganyan pagdating sa pelikula di ba? At walang ibang makakagawa nun, kasi siya lang yun, eh. Tapat din naman silang sabihin sa 'kin na 'Oo naman, alam naman namin yun. At hindi naman yun ang ibibigay naming karakter sa iyo.'


"Ayaw ko namang isipin ng mga tao na nasapian ako ni Ai Ai,  kasi hindi ko talaga kayang i-replicate ang ginagawa ni Ai-Ai, kasi mataas ang respeto ko sa kanya. At kahit kailan ay hindi ko pwedeng pantayan ang kapasidad ni Ai-Ai pagdating sa komedya. Siya lang yun! Kaya kong itawid ang komedya pero sa sarili kong paraan. Di ko alam kung sa paanong daan pero ta-trabahuhin ko yun.” 

No comments:

Post a Comment