Muling sasabak sa kumpetisyon sa mga darating na linggo ang natanggal na kiddie cooks ng Junior MasterChef Pinoy Edition, upang ituloy ang naudlot na pangarap na maging kauna-unahang Pinoy Junior MasterChef. Nagsimula na kagabi na masilayan sina Athena, Bea, Bianca, Emman, Gino, Lain, Judel, Louise, Nadine, at Tricia sa kusina ng show upang subukang masungkit ang kaisa-isang puwesto para muling lumaban sa bakbakan sa kusina. Para sa una nilang wildcard round, kailangang mag-imbento ng ex-kiddie cooks ng putaheng gawa sa kiat-kiat, talong, dalagang bukid, dahon ng sili, kamote, lomi noodles, at blue chocolate. Nagsilbi ring hurado ang top 7 kiddie cooks na sina Acee, Caitlin, Jobim, Kyle, Mika, Miko, at Philip kasama sina Chef Ferns, Chef Lau, Chef Jayps, at si Juday. Samantala, nananatili pa ring patok sa parehong mga bata at matatanda ang Junior MasterChef Pinoy Edition dahil ayon sa data ng Kantar Media noong Enero 14, nakakuha ito ng 23.1% na average TV rating at tinaob ang katapat na show na nagkamit lang ng 10.1%. Huwag palampasin ang Junior MasterChef Pinoy Edition bukas pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. |
source here
No comments:
Post a Comment