Bukod kay Shawie ay namataan din namin doon sina Mylene Dizon, Ruby Rodriguez, Julia Clarete, Iza Calzado, Anjo Yllana, na siyempre ay kasama ang kani-kanilang mga anak. Marami pang ibang celebrity ang nakita namin doon na nakaligtaan na namin ang mga pangalan.
Sa true lang, hindi problema ang mga pagkain at inumin dahil napakaraming inihanda si Chef Jessie na siyang nag-cater sa event bukod sa mga booth na may iba’t ibang pagkain.
Halos mag-aalas-siyete na ng gabi nang lisanin namin ang lugar at punung-puno pa rin ng mga bisita.
Siyempre, sobrang aligaga ang mag-asawang Ryan at Juday sa pag-iistima ng mga bisita. Suwerteng anak si Lucho dahil matapos siyang ipanganak ay sunod-sunod pa rin ang mga commercial endorsement ng mag-asawa.
SOURCE: http://www.abante.com.ph/issue/oct1211/ent_jb.htm
No comments:
Post a Comment