Judy Ann Santos-Agoncillo, proud to be a 100% panatag mom
Maluwag ang loob ni Judy Ann Santos-Agoncillo na bumalik sa mundo ng showbiz matapos ang maiksing break mula sa pag-arte para tutukan ang pagiging ina. At ilang buwan pa lamang ang nakakalipas, heto na muli ang batikang aktres para magpasiklab: “100% panatag mom na rin ako!” aniya. Pahayag ito ng suporta sa layuning magbigay ng 100% nourishment sa mga bata, lalong-lalo na sa kanyang anak na si Yohan.
Para panindigan ang kanyang pahayag, si Juday din ang gumanap sa latest TV commercial ng Lactum 6+ na nagsusulong gawing 100% nourished kid ang bawat batang Pilipino. Tulad ng sa commercial, araw-araw pinagdadaanan ng mga ina sa tahanan ang mag-alala tungkol sa kapakanan ng anak, lalo na pagdating sa nutrisyon. Sabi ni Juday, “Kung sa pagiging aktres, merong drama, action, at romance, ganoon din sa pagiging ina tuwing oras ng pagpapakain: minsan, napapaluhod ako sa pakikiusap, kumain lamang nang wasto ang anak; minsan naman, umaatikabo ang habulan sa paligid ng dining table, hawak ko ang plato ng pagkain; minsan pa, napapaiyak siya kapag pinipigilan ko ang paulit-ulit na pagsuyo ng anak sa paborito niyang pagkain. Nangyayari ang mga eksenang ito sa tunay na buhay, sa tahanan ng sinumang ina.” Sa pagpapamalas ng ganito kaunibersal na kuwento ng mga nanay, nakikiisa ang aktres sa mga inang tulad niya na maya’t maya rin humaharap sa pagsubok. Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa Lactum 6+, katuwang ng mga ina sa pagbibigay ng 100% nourishment, kasama ng 3 balanced meals a day.
Ayon sa aktres, sarap na sarap din daw si Yohan sa Lactum. At ang dugtong pa, “Marami nang na-try si Yohan na ibang gatas, pero Lactum ang nagustuhan niya. Natabangan kasi siya sa iba.” Kinuwento pa niya na kinailangan niyang dagdagan ng asukal ang ibang milk brands para lang masarapan ang bata.
“Gustong-gusto ni Yohan ang lasa ng Lactum dahil malinamnam ang sweetness and creaminess nito. Di naman dahil matamis, puno na ng sugar. Una sa lahat, karamihan ng mga gatas, may sugar. In fact, pati ibang pagkain, maski gamot, nilalagyan ng sugar para maging appealing sa panlasa ng bata. Maraming palaisipan pagdating sa sugar. Kesyo more sugar, kesyo less sugar ang iba. Ang tanong ay naangkop ba ang sugar levels sa mga standards?” Bilang mabuting ina, nag-research pa talaga si Juday, “May tatlong batayan daw ng added sugar levels: World Health Organization (WHO), Institute of Medicine, at FNRI na nagrerekomenda na ilimit sa equivalent ng 39g, 100g, at 25g per day para sa batang six to nine years old. Ang Lactum 6+, may 9g ng sugar per serving. Hindi ‘yan marami. Hindi ka man lang nakabuo ng 2 teaspoons. Kutsarita ha, hindi kutsara, kaya naman tama lang. Ang sarap talaga! Pasok na pasok pa sa batayan ng local and international guidelines. Siyempre, Mead Johnson ‘yan. Pinag-iisipan at dumadaan sa matinding pagsusuri ang produkto ng Mead Johnson. Kaya 100% tiwala at 100% panatag ako. Dahil kasama ng three balanced meals at sa tulong ng Lactum, 100% nourished kid si Yohan.
Parehong nutritious at delicious pala ang recipe ng Lactum 6+. At hindi lang iyon: magaan pa sa bulsa. Sabi ni Juday, sumaya siya at pati na rin ang marami pang mga nanay nang bumaba ang presyo ng Lactum. Makakatipid ka na up to 92 pesos. “Mas madali nang maging 100% panatag,” aniya. Bilang ina at chef, inalam at inaral ni Juday ang lahat ng detalyeng ito. At ngayong alam na ng iba pang ina na kapareho nila ng pinagdadaanan si Juday, nawa’y makiisa rin sila sa kanya sa pagsulong ng 100% nourishment para sa kanilang anak sa bawat tahanan.
No comments:
Post a Comment