@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, June 20, 2010

Hating Kapatid on July 21, 2010


Sa July 21 na pala ang showing ng Hating Kapatid na unang pagsasama nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo. Ito na rin ang magsisilbing birthday treat ng Pop Princess sa kanyang mga supporters dahil she's celebrating her 22nd birthday on July 25.

Viva Films Big Boss Vic del Rosario is closely monitoring Hating Kapatid because it is Sarah and Judy Ann's first team-up.

He is excited, especially for Sarah, since it will prove her versatility as an actress. And because of this, he pulled out all the stops to make sure the big-budget film is worth the moviegoers' money.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakapareha ni Sarah si Luis Manzano. Ayon nga sa mga taga-Viva, base raw sa rushes na napanood nila, the new team-up has the makings of a winner dahil may kilig factor din daw ang dalawa.

Sa ngayon ay nasa US pa si Sarah at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Record Breaker tour. Her last show will be on June 20 pero hindi muna siya uuwi agad dahil maglalaan naman siya muna ng oras para mamasyal at galugarin ang mga tourist destinations sa Amerika.

Sa June 28 pa ang dating ni Sarah sa 'Pinas kaya naman nalulungkot siya at hindi siya makakadalo sa awarding ceremony ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation on June 22 sa RCBC Plaza para tanggapin ang kanyang second Box-Office Queen award para sa pelikulang You Changed My Life.

Sarah instead relayed her deepest gratitude to the award-giving body for recognizing her efforts once more. Aniya ay inihahandog daw niya sa kanyang mga fans ang award at ito rin daw ang magsisilbing inspirasyon sa kanya para lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho.

Sa pag-uwi ni Sarah sa bansa ay nakatakda niyang simulan ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN kasama sina Sam Milby at Matteo Guadacelli.

Source: People's Journal

No comments:

Post a Comment