@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 20, 2011

Juday super enjoy na nanay sa 2 anak




About to be solo endorser si Judy Ann Santos ng Lactum.
First time nag-public appearance for a presscon si Juday for Lactum, also first time nagbigay ng press conference. Nagbabalik na nga siya matapos ng kanyang panganganak sa kanyang baby boy at patutunayan muli ni Juday ang kanyang star power sa bago niyang commitment. Hindi ito ordinaryong commitment dahil parte ito ng kanyang sariling buhay pamilya at ng marami pang ibang ina.

Juday is now campaigning for proper nourishment di lang bilang isang celebrity kundi bilang isa ring ina na madalas ay nag-aalala sa nutrisyon ng kanyang anak. Dagdag pa rito ang kanyang pagiging chef, expert talaga si Judy Ann pagdating sa tamang pagkain.

Now, Lactum has been running a campaign for so long with three other celebrity mothers. For this month until June, kasama pa rin ni Juday sina Claudine Barretto, Jodi Santamaria and Carmina Villarroel pero after June, solo endorsement na ito ni Juday as nag-lapse na ang kontrata ng tatlo for Lactum. Kaya pala solo TVC na rin si Juday and daughter Yohan.

LACTUM PRESS CONFERENCE PHOTOS


Friday, March 18, 2011

Judy Ann Santos on parenting, nutrition and the sweet life

JUDAI IN CHIKA MINUTE VIDEO HERE
18 Mar 2011 | 08:45 AM
Get to know her showbiz comeback plans and how Lactum’s promise of 100% nourishment keeps her panatag.

She’s taken on some of th
e most iconic roles on Philippine TV, but now she’s taking on one of the toughest roles to play in real life – motherhood.

Judy Ann Santos-Agoncillo, the newest “Panatag Mom” to join the growing family of Lactum moms recently shared to STIR.PH her experiences as a mother and wife, her showbiz comeback and her latest project – as an endorser of the milk brand, Lactum, together with her 6-year old child, Yohan.

On her video shoot with Yohan

Coming back from a brief break from acting, Judy Ann returns to face the public eye as a “Panatag Mom.” Juday, as her fans fondly call her, shares how her daughter Yohan enjoyed their video shoot for the commercial.

“May pagpapatulo ng luhang naganap nung unang araw ng [shooting].”

“Pero later on, iniiwan na ako sa dressing room. Naging little playground niya na ang set, naging friend niya na yung director.”

Yohan even wanted to stay after the shoot was done.

“Ayaw pa nga umuwi,” Judy Ann shared. “Anak, nakaabot na sa quota, uwian na,” she told Yohan.

And Yohan was so excited about the final comercial.

“Ginising niya ako [nung unang makita niya yung commercial], inabangan niya lagi yung commercial niya.”
“Mommy I’m gonna be famous now,” Yohan said after seeing the Lactum commercial.

“No, study first,” Mommy Juday responded to her.

“Enjoy na enjoy niya yung [shoot ng commercial], ano na kaya ang tutuluyan nito?”

When asked whether she’d support Yohan if she wanted to enter showbiz, Juday responds, “Sa pag-arte, siguro pagiisipan muna. Pero sa commercials, as long as gusto niya, at ginagamit niya talaga yung produkto, okay lang."
On nutrition

Just like any mom, Juday finds it hard to make sure that Yohan has a proper diet, her child keeps asking for cheesedog and French fries.

“Kung puro cheesedog na lang,” she complains,  “walang mangyayari sa nutrisyon niya.”

“Mga bata mahirap talaga pakainin, lalo na kapag may sarili na silang isip.”

“10 AM magsisimula na kaming maglunch, tapos papasok na si Ryan sa ‘Eat Bulaga’, tapos kahit nandun na siya, hindi pa rin kami tapos.”

Good thing Juday is a chef and so she comes up with funny tricks to make Yohan eat healthy food.

“Sabi sa food pyramid, mahalaga ang vegetables, so I try to sneak vegetables into her meals. For example, gagawa ako ng spinach soup, but I tell her it’s ‘Shrek soup’ para kainin niya.”

Add to that Yohan’s fondness to drinking milk.

“She likes drinking milk so 100% nourished siya… so if she likes to eat French Fries, go ahead darling!"

“Kaya gusto ni Yohan ang Lactum kasi masarap at dahil yan sa sugar content. Nasa tamang balanse naman. Tamang tama lang.”

“Sugar is part of the food pyramid; and like everything in the food pyramid, it’s good for the body when taken in proper amounts,” she adds. She also stresses that sugar contributes to the taste of milk, moms don’t have to compromise taste because they want complete nutrition for their kids.

On Ryan’s sweet gesture

Ryan Agoncillo, Juday’s husband recently surprised her with what she said as “pinakasweet na nangyari sa akin.”

They were only supposed to watch a movie and eat lunch at Resorts World, but when they were there already, Ryan told her, “You get that envelope, go check it out.”

“Nakita ko nandun yung passport namin, tapos Shanghai itinerary, tapos e-ticket,” she shared.

“Rumoll-call tuloy ako: paano ang mga bata, etc.”

Thankfully they pushed through. “After giving birth, importante rin na may alone time kayong [mag-asawa].”
“Ang nadala ko lang ay sarili ko at lip balm.”

“Nung time na yun, sobrang pinamper niya ako.”

On her plans for 2011

It looks like the upcoming year will spell a comeback for one of the Philippines’ biggest stars.
“I might do one movie, aaralin muna kung ano ang dapat gawin. Gusto ko dikalibre naman yung gagawin ko.”

“Nakapila rin yung Junior Masterchef Philippines. March 26 hanggang June yan.”

“Binibigyan ko rin ng atensyon yung fats ko lately – gusto ko pagbalik ko nasa tamang katawan ako. Parang challenge na rin sa akin, para confident ako sa trabaho.”
Share

Sunday, March 13, 2011

Judy Ann Santos, now a 100% Panatag Mom

Judy Ann Santos, now a 100% Panatag Mom

 LACTUM TVC HERE
Pagkatapos ng halos isang taon na pahinga mula sa showbiz, nagbabalik si Judy Ann Santos sa telebisyon bilang "100% Panatag Mom" ng Lactum.

Judy Ann Santos, now a 100% Panatag Mom


Marami-raming buwan na mula nung huling proyekto ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa telebisyon. Sapat na panahon na ito para makapahinga mula sa panganganak at para ma-enjoy din ang maiksing panahon ng pagbubuntis niya kay Lucio, ang anak nila ng asawang si Ryan Agoncillo.

Sa kanyang pagbabalik, ipapamalas niya hindi lamang ang husay sa pagganap sa drama sa camera, kundi pati ang husay humarap sa drama sa hapag. Ang kakayahan niya bilang aktres na humarap sa mga pagsubok, dadalhin niya sa pagharap sa mga pagsubok ng pagiging ina—lalo na ang pagsubok sa pagpapakain.
Ang realidad ng pagpapakain: 'yan ang pang-araw-araw na karanasan ng karaniwang ina, at 'yan din ang pinagdadaanan ni Judy Ann. At ang karanasan niyang ito—ang pag-aalala sa nutrisyon ng anak na si Yohan dahil sa hilig nitong kumain lamang ng paboritong pagkain tulad ng cheesedog at wala nang iba—ang isasalarawan ng latest TV commercial ng Lactum.

Sa pagganap ni Judy Ann sa proyektong ito, ipinamamalas niya sa buong bansa na siya rin ay isa nang 100% panatag mom. "Sa Lactum lang ako panatag," aniya, at walang alinlangang tinawag ang Lactum na kanyang katuwang sa pagbibigay kay Yohan ng 100% nourishment with three balanced meals a day.
Ang nasabi ring proyekto ang unang pagganap ni Yohan sa isang acting role sa TV, isang milestone hindi lamang sa kanyang buhay kundi pati sa buhay ng kanyang ina na mula sa pagkabata pa lang ay batikang aktres na sa kilalang teleserye. Tila may pinagmanahan, hiyang na hiyang ang bagets sa dalawang araw ng pag-shoot nila ng 30-second TV commercial ng Lactum.

Kung sa pagkain at pag-inom ng gatas, ayaw ni Judy Ann na pinipilit si Yohan gawin ang ayaw niyang gawin—aniya, umiinom si Yohan lagi ng Lactum dahil sarap na sarap ang bata rito—ganoon din siya marahil sa pagsali ng anak sa proyektong ito.

Inamin ni Judy Ann ang bahagyang alinlangang isabak sa ganitong gawain si Yohan dahil, ika nga niya, hindi niya gugustuhing tumanda si Yohan nang may masasabing pinilit siya ng kanyang ina na gumawa ng anumang hindi niya nais.

Buti na lamang, walang bakas ng pag-ayaw sa mukha ni Yohan sa buong kalakaran ng shooting; sa katotohanan, panay ang kanyang pangiting pagdila sa labi tuwing lalagukin ang Lactum sa dulo ng mga eksena!
May drama man minsan sa hapag, at least walang drama ang karanasan ni Yohan sa harap ng camera, sa una niyang pagsabak sa telebisyon sabay sa pagbabalik ni Judy Ann Santos-Agoncillo.

Garantisadong magiging maaksyon ang kanilang pag-advocate sa 100% nourishment sa mga susunod na buwan, at nawa'y magkaroon din ng romance sa pagitan ng fans ni Judy Ann at ng kanyang advocacy tungo sa pagiging 100% panatag ng bawat ina. Oo nga naman—ang pagiging ina at pagiging aktres, sadyang hindi nagkakalayo.


http://www.pep.ph/features/extra/24126/judy-ann-santos-now-a-10037-panatag-mom

Judy Ann Santos-Agoncillo, now a 100% panatag mom

Judy Ann Santos-Agoncillo, now a 100% panatag mom

03/13/2011 05:22 PM

by: Angelo Suarez

031411-juday_main.jpg031411-juday_inside.jpg
Mula sa camera at tungo sa hapag: ganyan ang drama ngayon ng mga pakikipagsapalaran ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanyang pagbabalik sa TV. Pero ang challenges na kinakaharap niya, walang kinalaman sa pagiging aktres; bagkus, tungkol ang mga ito sa pagiging ina. Pagdating kasi sa pagpapakain sa anak niyang si Yohan, dumadaan siya sa drama, action, at romance—drama basta’t may iyakan dahil sa hirap minsan magpakain ng anak, action basta’t may sagupaan sa hapag sa pagitan ng nagpapakain at ng ayaw kumain, at romance sa tuwing inaakit ang bata ng paborito niyang pagkain gaya ng cheesedog.

Tila adventure na may paulit-ulit na episodes ang pinagdadaanan ni Judy Ann, at mayroon siyang mga katuwang para gampanan ang kanyang motherly role: ang asawa niyang si Ryan Agoncillo, na pangunahin niyang partner pagdating sa anumang may kinalaman sa pamilya; at Lactum, ang pangunahing milk brand na nagsusulong ng 100% nourishment para sa mga bata, kasama ng three balanced meals a day. Sila ang nagpapanatag sa kanya nang 100%. Ang sentimyentong ito, matutunghayan sa TV commercial ng Lactum kung saan gumanap ang mag-inang Judy Ann at Yohan. Bukod sa ang advertisement na ito ang magmamarka ng pagbabalik ng batikang aktres sa Philippine TV, ito rin ang magsisilbing hudyat ng pagpasok ni Yohan sa mundo ng pag-arte.

Bilang bagong 100% panatag mom at endorser ng Lactum, magsisilbing ambassador ng 100% nourishment ang aktres. At bukod sa pagiging ina, angkop na angkop din ito sa kanyang role bilang chef. Dahil mahalaga sa kanya ang kinakain ni Yohan, natututukan din niya ang nutrients na pumapasok sa katawan nito; kaya naman inalam na rin nang husto ni Judy Ann ang mga bahagi ng food pyramid na siyang batayan hindi lamang ng isang balanced meal kundi batayan din ng sustansyang nasa bawat baso ng Lactum bilang suporta sa tatlong balanced meals araw-araw.

Ang kinalakhan nating face of Philippine soap opera, is now a Lactum 100% Panatag Mom—at ang mukhang kilalang-kilala na natin sa TV at sine, siya na rin mismo ang kumikilala sa pangangailangang i-advocate ang pag-nourish sa mga bata. Nawa’y pakinggan ng kanyang fans ang kanyang mensahe hinggil sa pag-aalaga gaya ng pakikinig nila sa bawat salita ng kanyang dialogue sa mga teleserye’t pelikula.



http://www.push.com.ph/features/2944/judy-ann-santos-agoncillo-now-a-100-panatag-mom/

Monday, February 28, 2011

Latest Natasha Beauty photos


Ryan Agoncillo says he and wife Judy Ann Santos might work together again





Though he is very much visible on other TV networks, Ryan Agoncillo said he is not closing his doors on working with ABS-CBN again. In his exclusive interview with The Buzz Magazine, Ryan explained, “‘Yung huli naming napag-usapan ni Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN Channel Head) walang saraduhan ng pintuan. Tapos na ‘yung contract ko with them at last ko ‘yung George and Cecil. Maganda naman ‘yung paalamanan namin, so, we’ll see.”

The TV host/actor is taking all the jobs he can so as to provide for his family, namely wife Judy Ann Santos and their two children, six-year-old daughter Yohan and four-month-old son Lucho. Though Judai is having a great time being a stay-at-home mom, Ryan revealed that there are times when she would miss working. “Nami-miss niya definitely ang trabaho lalo na ‘yung mga taong katrabaho. But minsan may mga araw na nage-enjoy lang din siya sa bahay. Nasa sa kanya naman kung kailan niya gustong bumalik. Alam ko marami rin siyang naka line up na projects.” Judy Ann is slated to return to TV as host of the new reality show Junior Master Chef coming soon on the Kapamilya network.

Ryan and Judy Ann’s romance started in 2004 when they worked together on the teleserye Krystala. Their other on screen team ups include the TV series Ysabella (2007) and George and Cecil (2009), and the movie Kasal, Kasali, Kasalo (2006), and its sequel Sakal, Sakali, Saklolo (2007). In his interview with The Buzz Magazine, Ryan hinted about the possibility of a project with his wife. “I’m crossing my fingers, may maganda, kapag natuloy. May maganda kaming gawin. Sana matuloy.”

He also commented on the accusation that he and Judai are prohibiting the media from taking pictures of their son Lucho. “Hindi naman sa pagiging madamot. Pero siyempre kami gusto rin namin ng isang normal at tahimik na pamumuhay ang maibibigay namin sa mga anak namin. So we will protect them hanggang sa makakaya namin. Kami naman ang trabaho namin is to give everything. So, ‘yung personal maganda na ibigay niyo na sa amin.”

Read Ryan’s full interview in the latest issue of The Buzz Magazine now available in newsstands.

Ryan Agoncillo says wife Judy Ann Santos will make first TV appearance in Talentadong Pinoy grand finals




Ryan Agoncillo says wife Judy Ann Santos will make first TV appearance in Talentadong Pinoy grand finals
Mismong si Ryan Agoncillo ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa ibang press na magaganap na ang first TV appearance ng kanyang asawang si Judy Ann Santos matapos nitong manganak kay Baby Lucho noong October 7, 2010.
Mangyayari nga ito sa pagiging special judge ni Judy Ann sa season 2 grand finals ng ng hino-host na talent show ni Ryan sa TV5, ang Talentadong Pinoy, na gaganapin sa Yñares Center sa Antipolo City sa March 12 at 13.
"Kakatanong ko nga lang sa staff e, nag-confirm daw si Juday. This would be, as far as I know, her first public appearance after giving birth. Kasi noong unang championship ipinagbubuntis pa lang niya si Lucho, hindi pa namin ina-announce noong time na yun. This time around yun na," pahayag ni Ryan sa presscon ng Talentadong Pinoy na ginanap kahapon, February 18, sa SM Skydome.
Gaya nga ng sabi ni Ryan, hindi na bago kay Juday ang pagiging judge sa Talentadong Pinoy dahil last year ay isa rin sa mga hurado ng season 1 grand finals ang misis niya. Malaki raw talaga ang naging bahagi ng talent show sa pamilya nila.
"Syempre ito ang nagpapakain sa amin e," pabirong sabi ni Ryan.
Ang magandang balitang ito ay nakadagdag pa sa excitement na nararamdaman ni Ryan ngayong nalalapit na ang Talentadong Pinoy Battle of the Champions 2011.
"Sobra akong excited kasi for season 2 it will be the first time that we're going live on March 12 and 13," ani Ryan.
Matindi daw ang labanan ngayong taon dahil pare-parehong magagaling ang mga Hall of Famers na kinabibilangan ng master beatboxer ng Davao na si Beatbox Gor; ang sand artist ng Laguna na si Joseph the Artist; at ang mala-broadway singers ng Muntinlupa City na The Believers.
Dagdag mo pa ang singing group ng Quezon city na Newborn Divas; ang pole dancer ng Caloocan na si Sfashiva; ang real-life acrobatic partners na taga-Cainta na Zion Show; ang Poi dancers na tubong Cebu na Fire Attraction; at ang isolation dancing duo na RR Friends ng Cavite.
Isang wildcard winner pa ang madadagdag sa mga finalist na malalaman pa lang sa March 6.
Ang tatanghaling Ultimate Talentadong Pinoy 2011 ay mananalo ng isang milyong piso. Kasama na rito ang karangalang maging isa sa representatives ng Pilipinas sa taunang international competition na World Championship of Performing Arts (WCOPA).
Paano ikukumpara ni Ryan ang season 1 at 2 grand finals?
"In terms of grandiyosong performance, I would say this (season 2) is a more exciting batch. Pero kasi we have to realize, pag pinaglaban natin yung first batch at second batch, yung first batch kasi namin hasang-hasa na sila e.
They've been doing shows, guestings. It would be great to pit them both. But I think yung variety nitong second batch maganda, e."
May pressure ba siyang nararamdaman na ma-break o mapantayan man lang ng season 2 grand finals ang mataas na rating na nakuha ng unang grand finals?
"Yeah, nakakuha kami ng 48.3 percent audience share noon. This year, medyo may pressure, I mean sinungaling naman ako pag sinabi kong walang pressure. But I guess that's what keeps it exciting for us, bago nang bago.
"Last night nga I was speaking to Direk Rich Ilustre. Sabi niya it's gonna be very exciting. And last year's show was three hours long. This year since we're on Saturday and Sunday, so two parts ang mangyayari kaya one-and-a-half hour bawat part kaya mas siksik at mas mabilis ang pacing," ani Ryan.
THE SHOW'S ACHIEVEMENTS AND SECRETS. Ano ang feeling na pagkatapos ng grand finals ng season 1 ay hindi nagpahinga sa ere ang Talentadong Pinoy, hindi tulad ng ibang talent shows, tapos patuloy din itong humahataw sa ratings at ngayon nga ay nalalapit na ang pangalawang grand finals ng show?
"Masarap yung feeling... ang ganda ng feeling ng buong grupo lalo't this year and late last year we won several awards. Nagkaroon kami ng award from Anak TV, and from KBP Golden Dove, and just last night we won sa USTV (Awards held at the University of Santo Tomas).
"So, it feels really good. And then sa ratings, maganda na we are always hitting the Top 5 both Saturday and Sunday. Tapos paminsan-minsan nagna-No. 1, so we're very happy with what's going on with the show," aniya.
"What it means to us is tama yung ginagawa namin and totoong maraming talentadong Pinoy kasi kahit saan ako magpunta ngayon parang lahat ng tao gustong mag-impromptu audition e."
Ano sa tingin niya ang sikreto ng show at hindi nagsasawa ang mga tao na panoorin ito?
"Well, I think it goes back to the idea na marami sa mga Pinoy ay gustong lumabas sa TV. Gusto nilang ipakita yung talento nila at kapag nanalo sila nandun yung prestige. At the same, may naiuwi pa silang premyo.
"Marami ang na-i-inspire doon sa mga sumasali kaya every audition ay dumarami rin ang sumasali. Kaya bukod sa entertainment factor na naibibigay ng show, nakapagbibigay din ito ng inspirasyon sa marami."
Malaking tulong ba yung may variety ang contestants at talents na sumasali sa show kumpara sa ibang talent shows na concentrated lang sa sayawan o sa kantahan?
"Kasi nakita n'yo naman yung show mayroon diyan yung professional performers hanggang doon sa mga nagpa-practice lang sa ilalim ng puno. Everyone is welcome and everyone is sharing the same interest. Dito kahit anong talent, game kami."
CELEBRITY COMPETITIONS. Bukod sa labanan ng Hall of Famers sa grand finals, may magaganap ding celebrity competition sa March 13 na bahagi rin ng Battle of the Champions. Maglalaban-laban dito ang mga nanalo sa ginanap na celebrity edition within season 2.
"We had several winners sa celebrity edition. We have Rosanna Roces, Valeen Montenegro, Pretty Trisha, Regine Tolentino and Ciara Sotto. So, they're gonna compete on the second night, sa Sunday. They will be paired up sa mga dating Hall of Famers. So, maglalaban-laban ulit sila."
Tulad ng Ultimate Talentado ay may cash prize din daw na makukuha ang mananalo na Ultimate Celebrity Talentado.
Dahil mayroong celebrity edition, ma-e-expect ba ng mga manonood na magpe-perform din si Ryan sa show bukod sa kanyang hosting job?
"Gusto ko talaga e, kaso baka masarhan ako ng kurtina," biro ni Ryan. "At saka na lang, tignan na lang natin. Ang alam ko sa Eat Bulaga! kakanta ako soon, so abangan n'yo yun."
Ano naman ang kakantahin niya?
"Gusto ko yung kakabahan si Richard Poon pag kumanta ako," biro niya ulit sabay tawa nang malakas. "Crooner lang ang dating, di ba? Kailangang umisip ng bagong raket, e."
GOING INTERNATIONAL. Ibinalita rin ni Ryan na pagkatapos ng season 2 grand finals ay magiging international na ang paghahanap nila ng mga talentadong Pinoy.
"Yes, we're going international na. Ang alam ko pa lang sa Asia, magkakaroon kami ng audition sa Hong Kong. Kasi meron tayong mga kapatid sa abroad na gustong sumali. Magkakaroon din tayo sa Singapore, Malaysia at sa iba pang bansa.
"Initial plans pa lang naman. What will happen is we'll hold auditions there at kung sino ang makapasa sa auditions doon dadalhin namin dito to compete. Hopefully, if the Asian auditions will be successful, baka makapag-Amerika or Europe din kami. Medyo magastos kaya pinagpaplanuhan naming mabuti."
Mapapanood ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa TV5.

Thursday, February 3, 2011

Tuesday, January 11, 2011

Lorna’s eldest son joins showbiz




By U.S. News Agency / Asian
The son of Lorna Tolentino and the late action star Rudy Fernandez has followed in the footsteps of his parents.
Rap Fernandez finally joined show business via ABS-CBN’s upcoming series “Buhawi Jack,” with Gerald Anderson as the lead star.
In an interview with “The Buzz,” Rap said he accepted the villain role because he believes that it is the right opportunity and right time for him to face the cameras.
“Timing. Feeling ko ito na ang tamang panahon at medyo introvert ako. At ngayon binigyan ako ng opportunity… So, malaking karangalan para sa akin,” Rap said.
The newbie actor admitted that he feels pressure given the fact that his mother is a grand slam actress and his dad was one of the country’s showbiz icons.
“Given ‘yong background ko nga, mayroon [siyempreng pressure],” he said. “So far, naman yong experiences ko with showbiz maayos naman. Masarap ang pakiramdam na ‘yong tao automatic ay mabait na sa iyo. Parang kilala ka na nila, ‘yong pakitungo nila sa iyo maganda na agad. So, nakakataba ng puso.”
Rap said he is now prepared to face the darker side of showbiz like the intrigues.
“Handa na din ako doon kasi feeling ko kabuntot ‘yon ng trabaho ko. So, kung kasama na siya sa trabaho ay tatanggapin mo na lang,” he said.
Rap, the eldest son of Tolentino and Fernandez, said he is dreaming of doing a project with KC Concepcion and Judy Ann Santos.
When asked to enumerate his top 3 favorite actor, Rap answered Sid Lucero, John Estrada and his father.

CONFIRMED: Judy Ann Santos and Claudine Barretto to do movie together next month



The best actresses of their generation: Claudine Barretto and Judy Ann Santos
The Queen of Teleserye and the Optimum Teleserye Star are set to do a movie together.
Who would have thought that Judy Ann Santos and Claudine Barretto would team up for another blockbuster movie in the making.
Though not directly rivals as they used to be in the same television network, Judy Ann Santos and Claudine Barretto had been frequently compared to each other as their respective teleseryes never fail to draw in audience.
Both Judy Ann and Claudine started when they were younger. Though Juday has already done several soaps prior, her most notable soap opera was the newly-remade Mara Clara.
Claudine, on the other hand, starred in the soap opera Mula Sa Puso which had one of the highest ratings for an episode in teleserye history.
The confirmation that the two top actresses will do a movie together this January came from no less than Alfie Lorenzo, Judy Ann’s manager.
Tito Alfie wrote in his column that he had already had a meeting with GMA-7′s Atty Annette Gozon, Viva’s Vic del Rosario and Claudine’s manager Shirley Kwan to discuss the details of the movie.

Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at Sarah Geronimo magsasama sa pelikulang ‘Magkakapatid’



Isa na namang power team-up ang niluluto ng Viva Films for 2011.
Ito ay ang dramedy film na may working title na “Magkakapatid” na posibleng pagbidahan nina Judy Ann Santos, Sarah Geronimo at megastar Sharon Cuneta.
Si Sarah at Judy Ann ay nagkasama na sa pelikulang “Hating Kapatid” last year at kumita ito ng mahigit P80 million sa takilya. Ngayong balak muli ng Viva na pagsamahin ang dalawa at idadagdag pa ang Megastar, tiyak na power combination ito na hahamon sa kinita ng samahang Vic Sotto at Bong Revilla sa MMFF top-grosser na “Si Agimat at si Enteng Kabisote.”
Maging si Kris Aquino at Ai Ai delas Alas ay nagbabalak ding magsanib pwersa for an MMFF movie.
Mukhang mauuso ngayong 2011 ang mga power tandem dahil sure hit nga naman ito sa takilya.

Judy Ann Santos' New Project for 2011


Since she is enjoying her role as a doting mom to her first baby Lucho, actress Judy Ann Santos has taken on a different kind of project while she prepares to make a comeback on television. Judai takes advantage of her culinary talents and is now a contributor for the Sharon At Home Magazine. The award-winning actress said, she has wanted to share her thoughts in Sharon Cuneta’s magazine for the longest time. “Tinext ko si Ate Sharon, sabi ko sa kanya ‘Ate magaapply akong contributor ng Sharon At Home, okay lang ba?’ ‘Yun lang tapos nagtext na siya ng ‘Oo ano ka ba’ ganyan, ganyan. So doon siya nagsimula. Actually nagsisimula pa lang yung Sharon At Home, gusto ko na maging contributor, para may iba naman akong ginagawa.”

Judy Ann also shared to Showbiz News Ngayon what it felt like writing her first article. “Nung sinusulat ko yung column, parang ilang beses akong natulala, di ko alam kasi kung paano ko sisimulan yung column kasi this is the first column na ilalabas. I want it to be friendly yung dating. At saka gusto ko marami talagang matutunan sa kin yung mga young moms.”

For her column titled “Simple Lang,” she shared the recipe of her Japanese fried rice, the first dish she cooked for her husband Ryan Agoncillo. “For the longest time di ko shini-share yung recipe na ‘yon, kasi madamot talaga ako sa recipe. Pero this time naisip ko marami naman nang nakinabang dun sa Japanese fried rice. I’m thinking of sharing some recipes na friendly, like how to make your children eat vegetables, yung mga ganun like tricks of the trade para di mahirap pakainin ng vegetables yung mga bata.”

Watch out for Judai’s column in the first anniversary issue of Sharon At Home Magazine out in newsstands and bookstores this January.



http://kapamilyalogy.blogspot.com/2011/01/judy-ann-santos-new-project-for-2011.html

Monday, January 3, 2011

Showbiz News: Juday, Ready Na Ulit Magka-Baby!




After giving birth to her and husband Ryan Agoncillo’s son last October 7, Judy Ann Santos has mostly been keeping a low profile. Baby Lucho was christened last November 15 after which Judai has been rarely seen in public.


But in the January issue of The Buzz Magazine, Judai’s Mommy Carol and elder sister Jackie granted an interview with to share the actress’s experiences as mother to Baby Lucho.

Jackie revealed that Judai went through a delicate delivery. “Sabi ng doktora, every time na mag-iire si Judai, naglo-lower ang heartbeat ng bagets, nasasakal siyempre.” The doctor had opted for a caesarian delivery, but luckily a few minutes later, Judai’s water bag broke and Lucho easily came out. Ryan went inside the delivery room to cut the umbilical cord.

Mommy Carol talked about how Judai has become a very dedicated mother to Baby Lucho. “Maski wala siyang tulog makikita mo talaga, naaawa nga ako. Kahit wala siyang tulog, tatakbo siya. Pero natutuwa ako kasi gusto ni Lucho minu-minuto kasama niya ang nanay niya.” According to Mommy Carol, Baby Lucho would often cry every 30 minutes, hence Judai would rush to breastfeed.

Mommy Carol said that after getting married, Judai had already prepared herself for motherhood, that’s why the actress has chosen to slow down with showbiz work. Judai is also prepared if God will bless her with another child soon. But fans of the Young Superstar need not fret because this 2011, Judai will again grace TV as host of the new reality show Junior Master Chief!

NATASHA BEAUTY CATALOG (Jan.-Feb)




Wednesday, December 15, 2010

Juday as a mother



Whenever I see superstar Judy Anne Santos, she would always be high-strung, very “babaeng bakla” and would always cry out to me, “Ano na!?!?!?” 

Recently, I saw the new Judy Ann in a children’s birthday party. It was my first time to see Juday so serene filled with peace beyond human understanding. She was holding baby Lucho in her arms rocking him to sleep. Juan Luis “Lucio” Agoncillo was the mini-me version of his dad Ryan. Baby Lucho got Ryan’s eyes and forehead. “Kawawa naman noh?” Ryan jokingly told us. 

It was a pity I cannot publish the pictures I took as Juday has signed a contract with a magazine that will hold exclusivity to the pictures of baby Lucho. In return the magazine will donate a hefty amount to Juday’s chosen charitable institution. I got to talk to Ryan in the other room and I asked Ryan if Juday is going to take it easy for a year or two.

“We never really talked about it but according to people that are close to her, she plans to go back to work this January already. I’m not really sure because from the looks of it, she really enjoys being a mother and I am totally enjoying my role as a father,” Ryan’s eyes were gleaming while he was speaking to me and my husband.

Monday, December 13, 2010

Juday-Claudine movie, tuloy na tuloy na sa January 2011!







Ang saya ng lunch namin sa Romulo’s kamakailan with Viva Boss Vic del Rosario and his three children, GMA7’s Annette Gozon, Joey Abacan & Tracy, with scriptwriter Aloy Adlawan and Shirley Kwan (as Claudine Barretto’s ma*nager) para pag-usapan ang pelikulang gagawin sa GMA films na pagsasamahan nina Juday at Claudine come January 2011.


Ikinuwento ni Adlawan ang buod ng istorya. Pinauna na ako ni Juday at syempre ‘pag nagawa na ang iskrip ay may mga inputs pang ilalagay sa horror movie na ididirek ni Topel Lee na siyang nagdirek ng “Ouija” last year.


Akala ko naman kasosyo si Boss Vic sa “Si Agimat at si Enteng Kabisote”, si Orly Ilacad pala! Binati ko pa naman siya ng “Congrats! Topgrosser kayo”. Wala pala siyang entry this year, pero next year ay may balak siyang Sharon-Juday-Sarah movie na pa*ngatlo at last na sa temang-kapatid.


Sina Sharon at Juday sa “Magkapatid”, sina Juday at Sarah naman sa “Hating Kapatid” and next year, pagsasamahin niya ang tatlo sa “Magkakapatid”. Oh debah bongga, Elvie ng Hong Kong?

Sunday, December 5, 2010

Ang Junior Master Chef ay ihu-host ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. Ito ang unang regular show niya pagkatapos niyang magsilang sa anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.