Wednesday, November 30, 2011
Tuesday, November 29, 2011
Ryan Agoncillo describes "the Judy Ann Santos style" of resolving conflicts
Noel Orsal
Wednesday, November 23, 2011
08:52 AM
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo will once again be paired on the big screen for a movie about a married couple.
For this year's Metro Manila Film Festival, they will topbill the Joey Reyes film My Househusband: Ikaw Na!
During the press conference of the movie held at Guilly's Tomas Morato yesterday, November 22, Direk Joey differentiated this MMFF entry from their previous movies that also tackled married life.
Direk Joey stressed: "Kinaklaro po namin na ang My Househusband ay hindi third part ng Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.
"Ito ay kuwento ni Rod at Mia Alvarez. It's a totally different story but it's about a couple na may dalawang anak at parehong may trabaho.
"Ang lalaki [nawalan ng] trabaho at eventually, na-pwersa ang babae na magtrabaho.
"It's tunay na buhay. It's not a comedy or a drama—it's both.
"Kung tutuusin po, ang buhay naman natin, nakakatawa at nakakaiyak.
"Is it drama or is it a comedy? I'd say it's real life.
"That it what makes this movie different from all other movies in the festival: it's real life."
WHO MAKES THE FIRST MOVE? During this presscon, both Juday and Ryan were also very open about talking about the dynamics of their relationship, especially when it comes to resolving conflict.
Whenever they have disagreements or "tampuhan," Judy Ann admits that she is the one most likely to make the first move to patch things up.
"Makulit po talaga ako pagdating sa asawa ko kasi pag hindi kayo okay na mag-asawa tapos nasa isang kwarto kayo, parang hindi tama, lalo na kung hindi mo alam kung anong nangyayari.
"Kung alam ko kung ano ang kasalanan na ginawa ko, hindi ko talaga siya kukulitin.
"Pero kung hindi ko alam, hindi naman ako titigil sa sa pangungulit sa kanya.
"'Sige na please, mag-usap tayo,' hanggang sa mabuwisit na siya sa akin, kakausapin na niya ako."
Ryan then revealed that they have switched styles when resolving conflicts.
"Parang nagpalit," he disclosed.
"Seven years together, kasama ang pagiging mag-boyfriend.
"Dati po kasi ako yung ayaw bumitaw at nagsasabi, tapusin na natin ito.
"Parang natutunan ko ang 'Judy Ann style' ng pag-aaway, so ginagamit ko sa kanya ngayon. Medyo quiet na muna, bayaan kitang ikaw ang lumapit. Mukhang ume-effect naman," he said with a smile.
"Mukhang ume-effect naman po kasi matiwasay kaming nagbabati."
"Kung ako dati ang pumupunta sa magulang niya para humingi ng kakampi, ngayon, siya ang pumupunta sa magulang ko para humingi ng kakampi."
THE IMPORTANCE OF CONFLICT. Even though Juday and Ryan do not relish the thought of fighting with each other, they recognize the importance of conflict in their relationship.
Ayon kay Ryan: "Malaking bagay ang tampuhan, in fairness, pero hindi ko siya nami-miss.
"Malaking bagay ang tampuhan kasi, after a while, pag nag-usap kayo, may iba pang issue na nare-resolve, hindi lang yung issue na nag-surface.
"Marami kayong nailalabas na emosyon kasi apat na araw na hindi kayo nag-uusap, tapos lumalabas lahat ng pagkabuwisit mo.
"Pag nag-uusap kayo, nare-resolve na pati yung mga natago mo na. Yung akala mo kinalimutan mo na mga emosyon, lalabas rin yun.
"Malaking bagay ang tampuhan paminsan, hindi araw-araw, hindi buwan-buwan, kasi nagkakaroon kayo ng chance na maintindihan ang isa't isa.
"Nagkakaroon kayo ng chance na maglambingan, mag-date, bumalik sa pagkabata.
"Importante nga naman yun sa buhay mag-asawa na meron kayong time together.
"At bumabalik kayo sa pagiging boyfriend-girlfriend."
Ryan also believes that having conflicts as a married couple can actually help them recognize what needs to be fixed in their relationship.
"Pag nag-away, wag naman yung away lang. Dapat yung may magandang pupuntahan.
"Mahirap yung away nga kayo ng away, yun at yun din naman.
"Pag may pinag-awayan, alam mong in the future, hindi mo na gagawin ulit kasi yun naman ang pinag-ugatan.
"More than the away, the learning ang importante.
"Pati yung time together niyo to heal.
"Yung away ng away, bad trip yun. Ang maganda yung away na may patutunguhan.
"Kami naman, in the more than three years that we've been married, ang mga away naman namin, may patutunguhan."
During the press conference, Direk Joey mentioned that he had the chance to observe the couple when they were having a fight. The director of My Househusband said that when they are having a fight, Juday and Ryan are "quiet to death."
He recalled, "Wa pansinan...nakaka-afraid. Where do you place yourself? They're very quiet fighters, hindi sila nakikipagbatuhan ng pinggan."
When the married couple was asked if they really don't raise their voices when they have an argument, Juday was quick to point out, "Nagsisigawan kami."
Ryan added, "Normal naman kami. It's just that, hindi mo na lang iparirinig kasi hindi kami iskandaloso.
"Magkatrabaho man kami na may issue, gaya ng nakita ni Direk Joey, tahimik lang. Bakit mo naman ii-involve ang buong set?
"Pagdating sa bahay, hindi kami naghahabulan ng kutsilyo..."
Juday quipped, "Hanggang ash tray lang!"
Ryan revealed, "Yung away namin, sa kwarto, minsan sa banyo lang. It's just the two of us, kami lang naman ang magka-away, bakit ii-involve namin ang ibang tao?"
SEXIER JUDAY. In a previous interview, Judy Ann revealed that she lost 40 pounds in a span of seven months.
(CLICK HERE to read related article)
What is Ryan's reaction to Judy Ann's sexy figure now?
"Pareho lang, e, kasi nung naging kami ni Juday, na boyfriend-girlfriend, from that time, we both lost 40 pounds each.
"When we got together, mabigat kami pareho. Tingin ko hindi naman issue sa amin ang weight.
"Ang kinaka-[takot] ko, parang kulang na ang kwarto sa bahay dahil baka masundan pa [ang anak namin]," he said with a smile.
Does he think Juday is sexier now?
At this point, Juday joked: "Tinatapos na namin ang presscon na ito. Uuwi na po kami."
Ryan answered, "Oo naman, pero tingin ko, kahit hindi siya pumayat, ganun pa rin ang magiging sagot ko."
His answer elicited applause from the entertainment media present.
The funny troubles of ‘My Househusband’
BUZZSTATION |
Edgar Cruz |
11/30/2011
BUZZBLAST! “Masakit man sabihin, hindi ako ‘yung kailangan sa buhay niya. Or hindi ako ‘yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi ko maibigay ‘yung kailangan niya,\" KC Concepcion opened up about the cause of her breakup with Piolo Pascual in last Sunday’s The Buzz interview by Boy Abunda.
The year\'s most explosive interview rated high, giving The Buzz unprecedented lead over rival Showbiz Central.
\"Parang Mara and Clara ang dating namin dito ni Eugene,\" revealed smashingly sexy lead actress Judy Ann Santos during the media launch of My Househusband, her OctoArts Films starrer with Ryan Agoncillo and Eugene Domingo, official entry to the 2011 Metro Manila Film Festival. \"Ako ‘yung Clara na medyo mataray at si Eugene naman ang Mara.\"
Real wife-and-husband Judy Ann and Ryan are back in the big screen together in the comedy-drama movie My Househusband as written by Mel Mendoza del Rosario and helmed by Jose Javier Reyes. The domestic story begins when Rod (Ryan) loses his job, and Mia (Judy Ann) assumes the responsibility of family breadwinner. Rod stays at home to take care of the house and their two kids while Mia works. It is a perfect domestic arrangement until Rod befriends their next door neighbor Aida (Eugene), who everybody knows is the kept woman of a rich man. As Rod and Aida\'s friendship intensifies, Mia feels all the more suspicious about their neighbor\'s intentions.
Confrontations and fights ensue when asked if they also have brawls and disagreements in their marriage after being together for years. Judy Ann admits, “Apat na araw na hindi kami nag-uusap although magkasama kami pareho sa iisang kwarto. Alone time namin ‘yun para mag-isip at humanap lang ng paraan para ‘wag muna kaming magsamang dalawa. Wala namang nabago sa amin pagdating sa relasyon. Kung meron man, siguro ‘yung pag-a-adjust lang para sa pag-aalaga sa mga bata. Kasi nagwo-work ‘yun sa amin, hindi muna kami mag-uusap.\"
When asked about the film\'s prospects against other MMFF entries, Ryan says, \"Ang lalaki ng mga kalaban naming, but what we\'re happy about is as we\'re the underdogs here. We\'re competing with giants at masaya ang maging underdog. Kakampi ko lang dito sina direk Joey, boss Orly (Ilacad of OctoArts Film), Judy Ann at Uge (Eugene). Ang suporta ng bawa\'t isa against sa mga higanteng kalaban naming ay mahalaga.
Judy Ann Santos on Jolina Magdangal-Mark Escueta wedding: "Happy talaga ako na naitawid ni Jolina nang bonggang-bongga ang wedding nila..."
Noel Orsal / Karen Pagsolingan
Rose Garcia
Wednesday, November 23, 2011
05:50 PM
Isa sa mga kinumusta kay Judy Ann Santos sa press conference ng pelikula nila ni Ryan Agoncillo, ang My Househusband: Ikaw Na!, kahapon, November 22, ay ang nakaraang kasal ng kanyang kaibigang si Jolina Magdangal.
Ikinasal si Jolina sa drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta noong Lunes, November 21, sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite.
Isa si Judy Ann sa bridesmaids sa kasal, kasama sina Angelika dela Cruz at Kyla.
(CLICK HERE to read related story.)
Pribado at kakaunting media lang ang naimbitahan sa kasal nina Jolina at Mark.
Kaya tinanong ng mga dumalo sa presscon kahapon kung puwedeng mag-share si Juday ng ilang impormasyon tungkol sa nangyaring kasalan.
Maingat na sabi ng aktres, "Okay...paano ko ba sasagutin 'to?
"Hindi ko alam up to what extent ang gustong information na ilabas ni Jolina.
"Pero ang masasabi ko, isang kasal ito na napuntahan namin na sobrang romantic, sobrang lamig sa mata, nakakapagpangiti ng puso.
"Kasi, alam mo na ito ang kasal na ginusto ng kaibigan mo mula pagkabata niya at na-achieve niya.
"Nakakaiyak, kasi alam mong ang tagal niyang hinintay ng moment na yun.
"Happy ako for Jolina. Happy ako for Mark.
"Because nakakatuwa na sila yung pinagtagpo ng Diyos at para sila sa isa't isa.
"Ang sarap balik-balikan kasi napaka-simple ng kasal, pero nakatatak kasi masarap.
"Makikita n'yo, makikita n'yo kung ano ang ibig kong sabihin."
Dahil sinasabing halos lahat ng bisita sa kasal nina Jolina at Mark ay naiyak, si Juday ba ay umiyak din?
"Ay, oo!" bulalas ng tinaguriang young superstar.
"Para akong nanay ni Jolina, yung tulo lang nang tulo ang luha ko!
"Yung, 'May mascara pa ba ako?' Buti hindi ako naka-false eyelashes!
"Happy ako para sa kanya.
"Kasi, alam ko kung ano ang mga pinagdaanan niya.
"Alam ko kung ano ang mga pinagdasal niya, naging relasyon niya.
"At alam ko na deserve nila ang isa't isa."
JUDAY'S ADVICE. Matatandaang naging pribado rin ang pagpapakasal ni Juday kay Ryan noong April 28, 2009 sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.
Ipinaalam lang ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib ilang sandali pagkatapos ng kasal.
(CLICK HERE to read related story.)
Dahil nauna nang makaranas ng buhay may-asawa si Juday, may mga payo ba siyang ibinigay para kay Jolina?
Ayon kay Juday, "Si Jolina naman, confident naman ako sa kanya na kaya niyang gampanan ang lahat.
"Na gagawin lang niyang comedy ang buhay na ito, kasi matagal niyang pinangarap talaga na magkaroon ng asawa na maiintindihan siya.
"Asawa na kayang sakyan yung trip niya.
"At saka, yung siya.
"Bilang Jolina Magdangal, happy siya na ang napangasawa niya ay isang lalaking katulad ni Mark, na relax na relax sa buhay at steady na steady."
Dagdag pa niya, "Happy talaga ako na naitawid ni Jolina nang bonggang-bongga ang wedding nila, at ibinigay talaga ni Mark yun.
"Kung ano talaga ang role ng isang groom pagdating sa kasal, feeling ko, yun ang ginampanan ni Mark—na hindi siya umapela.
"Kasi, everything goes sa wedding, is a touch of Jolina. May panaka-nakang Mark lang.
"Pero nakakatuwa.
"Ang sarap pagkuwentuhan kasi kakaibang wedding, pero hindi yung bakling-bakli sa tradisyunal na wedding."
Sa palagay ba ni Juday ay napantayan ng kasal nina Jolina at Mark ang kasal nila ni Ryan?
Mabilis namang sagot ni Juday, "Magkaibang-magkaiba kasi ang wedding namin.
"Yung sa amin kasi, simple...
"Mukhang akala mo simple, pero hindi naman kasimple-simple ang gastos.
"Malamang kay Jolina, ganoon din.
"Simple, pero sa kakaibang level naman ang gastos.
"Iba ang detalye. Pero parehong very solemn.
"Parehong sikreto at parehong maraming tao na magagalit at nagalit."
Ang ibig tukuyin dito ni Juday ay ang mga taong hindi naimbitahan at nakaalam ng kanilang mga kasal.