Ryan Agoncillo (left) stays home while Judy Ann Santos (right) brings home the bacon in My Househusband: Ikaw Na!, a movie written and directed by Jose Javier Reyes for the 2011 Metro Manila Film Festival in December.
Mas feel daw ni Ryan at Judai ang roles nila sa naturang pelikula ngayong mag-asawa na sila in real life at may buo ng pamilya.
Glen P. Sibonga
Sunday, September 25, 2011
04:18 PM
Proud ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa pinagbibidahan nilang pelikula na
My Househusband: Ikaw Na!, entry ng OctoArts Films sa 2011 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
Mas feel daw nila ang roles na ginagampanan nila sa naturang pelikula ngayong mag-asawa na sila in real life at may buo ng pamilya.
"Dalawang taon na rin ang itinakbo matapos kaming ikasal kaya medyo alam na alam na namin ang relationship ng mag-asawa," ang sabi ni Ryan.
"Mas marami na kaming alam ngayon unlike in our previous movies together, yung pagiging mag-asawa dati purely acting. Ibang-iba na talaga ngayon.
"Magse-seven years old na si Yohan, si Lucho naman malapit na ang first birthday (October 7). Sobrang relate na talaga kami sa role bilang parents."
RELATING TO REAL-LIFE EXPERIENCES. Ang
My Househusband: Ikaw Na! ay isang light family comedy tungkol sa buhay ng mag-asawa na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng reversal of roles.
Si Rod, ang papel na ginagampanan ni Ryan, ang naiiwan sa bahay matapos magkaroon ng aberya sa kanyang trabaho. Habang si Mia, ang papel na ginagampanan naman ni Judai, ang siyang umaalis para magtrabaho.
Iginiit naman ni Ryan na hindi "andres de saya" ang tema ng pelikula kahit na parang nagkapalit sila ng tungkulin ni Judai sa istorya.
"It's not as if Rod is a 'yes' man. He still gets to wear the pants in the family except that he also dons the apron come meal times," natutuwang paliwanag ni Ryan.
Noong nabasa raw ng mag-asawa ang script, naunawaan daw nila right away ang mga damdamin at sitwasyon na pinagdaanan ng mga character sa istorya dahil in one way or another, ay napagdaanan din nila ang ilang pangyayari sa pelikula.
"Na-feel namin ang situation nila. Isa pa, yung ibang pinagdaanan ni Mia, pinagdaanan ko rin bilang isang asawa," ang sabi ni Judai.
"Hindi stereotypical ang role ko dito bilang asawa ha? Hindi ako maingay, masalita or mabunganga. Si Rod naman, very principled siya but with a lot of heart. Basta maganda."
Ayon naman kay Ryan, "May mga situations din na naka-relate ako sa reaction ni Rod, kasi sa tunay na buhay, parang ganoon din ang mararamdaman ko kung sa akin talaga nangyari."
WORKING AGAIN WITH DIREK JOEY. Nakakailang shooting days na rin ang
My Househusband: Ikaw Na! sa ilalim ng panulat at direksyon ng batikang si Jose Javier Reyes.
Matatandaang si Direk Joey din ang nasa likod ng matagumpay na film franchise na ito na nagsimula sa
Kasal, Kasali, Kasalo noong 2006 MMFF, at
Sakal, Sakali, Saklolo noong 2007 MMFF.
Certified topgrossers ang parehong pelikula na pinagbidahan din nina Ryan at Judai. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung itanghal din ang third franchise na ito bilang isa sa mga pinakamalakas na contenders, hindi lang sa box-office race sa 2011 MMFF, kundi pati sa awards night.
Natutuwa nga sina Ryan at Judy Ann na si Direk Joey ulit ang direktor ng kanilang movie. Panay nga ang papuri ni Judai sa isa sa kanyang paboritong director.
"Direk Joey is a cool guy," sambit ni Judai. "Ang dali-dali niya talagang katrabaho. Bilang siya ang sumulat ng script, at siya rin ang director, alam na alam na niya kung ano ang gusto niya kaya madali din sa mga artista niya na maibigay ang hinihingi ng bawat eksena. Basta magreport ka sa set na handa ka, very fluid ang trabaho.
"Direk knows how to strike a balance between maintaining a happy set and keeping everything running like clockwork."
MOVIE FOR THE FAMILY. Excited din si Ryan sa pelikulang ito dahil bukod sa silang mag-asawa ang mga bida, ito rin ang pagbabalik niya sa bakuran ng OctoArts Films ni Boss Orly
Ilacad na nagbigay ng kauna-unahan niyang break sa pelikulang
Kutob noong 2005
"Masayang-masaya ako because Boss Orly was the very first producer who trusted me enough to give me a role in a movie. It's nice to go back to where you started basically. I know we are in good hands here," sabi ni Ryan.
Nagkasundo naman sina Ryan at Judai sa opinyon na ang
My Househusband: Ikaw Na! ay magbibigay sa manonood ng makatotohanang pagsasalarawan ng buhay mag-asawa.
"You will realize, pagkatapos ninyong manood, that the vow of staying together 'for better or for worse' is no lip service," ani Ryan.
Sabi naman ni Judai, "Ang hope namin after watching the movie, lalabas ka na mas nauunawaan ang buhay mag-asawa, na kahit may mga problema, kapag hinarap mo nang tama, mas magiging matatag ang pagsasama ninyo bilang pamilya."