@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, April 25, 2010

Gimik The Reunion 2010

































































'Gimik' comes back via Your Song episode

Apr 23, '10 9:35 AM
for everyone


THE well-loved teen barkada of the 90s, "Gimik", will once again grace the Philippine television this Sunday in ABS-CBN's Your Song presents "Gimik 2010".

After 11 years since it went off the air, the erstwhile Saturday series will hit the boob tube with its original casts - Judy Ann Santos, Diether Ocampo, Bojo Molina, G. Toengi, and Mylene Dizon.

The five actors will still carry their 1996 characters with Juday as Diane Villaruel and G. Toengi playing Gina de Leon. Gina is Diane's best friend in the series.

Diether will again breathe life to Gary Ballesteros, Gina's husband; Mylene as Melanie Suntay, the part-time student; and Bojo Molina as Brian Ledesma, Melanie's boyfriend.

According to Juday, their characters will be more matured this time and will tackle more on family affairs.

Joey and Ese's characters, played by former ABS-CBN stars Marvin Agustin and Jolina Magdangal, respectively, will still be featured in the story.

"Masaya, parang hindi namin gustong maghiwa-hiwalay and yung pinag-uusapan, ibang chapter na nung buhay," Juday added.

The original Gimik series was aired in June 1996 up to February 1999.

Two months after it went off the air, Star Cinema came up with "Gimik: The Reunion Movie". It was then followed by "G-mik" series with Camille Prats, John Prats, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, and Heart Evangelista.

The original casts will feature the first five episodes of "Gimik 2010" before new characters will be introduced.

Leading the set of new characters are Jessy Mendiola, Lance Christopher, Franco Daza, Kazou Nawa, Jaco Benin, Kenji Shirawaka, Janeena Chan, Hanna Flores, Daniel Padilla, Albie Casino, Mara Montes, and Marlan Flores.

"Your Song Presents: Gimik 2010" will air this Sunday only in ABS-CBN after noontime show ASAP XV.Glitter Text Generator







Juday, inalalayan ni Claudine sa pagbubuntis Ryan, antukin at tulog nang tulog



Juday, inalalayan ni Claudine sa pagbubuntis
Ryan, antukin at tulog nang tulog


SOBRANG happy nga si Juday na nagkasama-sama sila ulit ng mga dati niyang kasamahan sa Gimik, na palabas na bukas. Sabi nga ni Juday, parang biglang bumalik sa alaala niya ang lahat.
Ang dami-rami raw niyang hindi malilimutang karanasan sa Gimik noon.


“Every taping noon, hindi talaga makakali mutan, lalo na ‘yung nag-Baguio kami. Kasi first time akong nakasama noon sa trip ng Gimik sa Baguio. I mean, out of town palaging hindi ako nakakasama, kasi palagi akong may trabaho at hindi ako pinapayagan at that time.


“Nu’ng Baguio, nakiusap talaga ko na pasamahin ako. Masaya `yung part na `yon sa akin bilang artista, dahil parang nag-outing lang kami sa Baguio noon, na nagkataon na nagtatrabaho kayo pero most of the time tawanan lang kami nang tawanan. Eh, ang lamig ng panahon, at biglang bubuhos ang ulan at nagtatakbuhan kami sa itaas ng bundok. Nakakatuwang isi pin na nu’ng time na ‘yon walang artistang maarte,” say ni Juday.


Siyempre, hindi rin naawat si Juday na magkuwento tungkol sa kanyang pagbubuntis. Tingin daw niya, hanggang ngayon ay naglilihi pa rin si Ryan A goncillo.


“Ayaw n’yang aminin, pero siya ‘yung naglilihi hanggang ngayon. Kasi siya ‘yung may ayaw ng mga pabango ko, tapos siya ‘yung naghahanap ng siomai, tapos antok na antok siya at tulog nang tulog.


“Ako mas madalas lang ako kumain kasi madalas ako magutom, pero hindi naman malakas ‘yung appetite talaga, pero madalas akong kumain at saka hindi lang ako nakakakain ng mga malalansa noon.

Pero ngayon ok na, unti-unti nakakakain na ko uli ng mga isda, ng mga shellfish.”


Ano ba ang paghahandang ginagawa nila ni Ryan ngayon?


“Sa ngayon todo-basa ako ng mga books tungkol sa pagiging mother, tapos nakikinig sa mga advice ng mga tao. May mga fans na nagpadala ng mga regalo nila for the baby, at tinatanong pa nila ako kung anong gusto ko. Pero, nagsisimula na akong mag-online kung ano ba talaga ‘yung kailangan.


“May mga words of wisdom din sa akin si Claudine na ‘wag daw akong bumili masyado ng mga damit ng new born kasi nga ang bilis lumaki ng bata, at masasayang lang. Na tama naman kung iisi pin mo, na gagastos ka ng bonggang-bongga tapos ilang linggo lang magagamit ng bata dahil mabilis ngang lumaki ang mga bata lately.


“So tama lang ding maging praktikal talaga. Ang hirap din naman ng buhay ngayon. Hindi naman porke artista ka eh mabilis na ang pera,” sey pa ni Juday.
Glitter Text Generator

Juday, mas type ang baby boy










Juday, mas type ang baby boy



HURRAY! Nga*yong hapon na ang simula ng reunion ng mga orig cast ng “Gimik” na nabuo nu’ng mauso ang term na “gimik” as in barhopping, pasada, man-chicks, ta*tambay, totoma, manghala, na until now, hindi pa rin napapalitan ng ibang term ang paggi-gimik kaya uso pa rin ang term na ito kaya napapanahon ang muling pagsilay sa TV ng orig cast nito led by Juday nga.


So, abangan niyo ito after ng isang noontime Sunday show, na nakapaloob sa Your Song Presents…


Anyway, kinumusta namin kay Juday si Yohan, na excited na raw na maging ate ngayon pa lang.


“Everyday inuuna niyang halikan ang tiyan ko. At bago siya matulog, panay ang tanong niya kung ano raw ang ginagawa ng baby. Gusto nga niyang pumasok sa loob ng tiyan ko para ma-play raw niya ang baby. Sabik na siya na magkaroon ng kalaro. Ngayon nga, ayaw na niya na tinatawag siyang baby, dahil ate na raw siya.”


Girl or boy ba ang gusto nilang maging baby ni Ryan?


“Siyempre ‘pag nanay ka, kahit ano talaga okey lang, basta healthy. Pero, given the chance, sana boy ang maging baby namin ni Ryan. Kasi may baby girl na kami, si Yohan. Pero si Yohan, mas gusto niya na baby girl. Pero sabi ko nga, basta healthy, okey na kahit ano.”


Teka nga pala, siguradong mami-miss ng mga fans si Rico Yan ngayong reunion ng Gimik. Ano ang message mo sa mga fans niyo ni Rico na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin?


“Sa lahat po ng mga matagal na nag-abang at naghintay sa Dianne-Ricky (pangalan nila ni Rico sa Gimik) love team, heto na po ang pagbabalik ng Gimik, ang Gimik 2010. Dito niyo po ulit matutung*hayan ang mga problema sa buhay nina Dianne at ni Ricky. Malalaman niyo kung paano ba nag-ending ang mga love teams na sinubaybayan niyo nu’ng mga bata pa kayo. Isa po itong napakasaya at nakakatuwang reunion ng magbabarkada,” say pa ni Juday.Glitter Text Generator

Thursday, April 22, 2010

Sunday, April 18, 2010

JUDAY MATAKAW SA BABOY

JUDAY MATAKAW SA BABOY




SI Mommy Carlo Santos na nga ang pinakamasayang tao sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos ngayon.

Ngayon pa lang ay sabik na sabik na siyang makita ang baby nina Juday at Ryan Agoncillo.

Anyway, sa tsikahan namin ni Mommy Carol kamakailan, ikinuwento nito ang pagsira ni Juday sa kanyang pagiging vegeta*rian para lang ibigay ang hilig ng kanyang pagbubuntis.

Kuwento ni Mommy Carol, ang hilig daw ngayon ng kanyang anak ay ang kumain ng beef, pork at chicken na dating pinakaiiwas-iwasang kainin ng huli dahil ito’y vegetarian. Ang gulay at isda na siyang laging kinakain ni Juday noon ay hindi na raw kayang lulunin ng anak.

Natatawa nga si Mommy dahil nu’ng ipinagbubuntis daw niya si Juday, ang pinaglilihian daw niya ay ang pagkain ng durian. Taliwas naman ito sa pinaglilihian ng anak.

Naniniwala si Mommy Carlo na suwerte kina Ryan at Juday ang ipinagbubuntis ng huli. Mas lalo raw kasing dumami ang blessings sa mag-asawa lalo na kay Ryan.

Sa pagkakaalam ni Mommy Carol inuulan na ng mga offers si Juday ngayong buntis ito, at inaabangan na rin ang paglabas ng kanyang baby para kuning endorsers.

Isa na nga sa mga inaalok kay Juday ngayon ay ang brand ng gatas na pambuntis.
May mga nag-u-offer din ng diapers at kung anu-ano pang produkto na pambuntis kay Juday ngayon, pero iniiwan ni Mommy Carol kina Juday at Ryan ang desisyon.

Anyway, nagulat din si Mommy Carol sa biglaang paglobo ng tiyan ni Juday. Mag-aapat na buwan pa lang daw ito pero parang 5 months na ang laki ng tiyan ni Juday ngayon.

Kuwento pa ni Mommy Carol, kung noon ay mas pleasant ang aura nina Juday at Ryan, mas lalo raw ngayon na punung-puno ng galak ang mukha ng dalawa.

Hindi madalas kasama ni Mommy Carol si Juday, pero kumuha raw ito ng bagong yaya na makakatulong sa pagkuha ng mga personal nitong pangangailangan.

------------------



Rights ng Movie nina Sarah and Juday nabili ng ABS-CBN
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated April 19, 2010 12:00 AM

Nakita namin si Mr. Vincent del Rosario sa press*con ng Working Girls 2010 at gaya ng kapatid niyang si Veronique del Rosario-Corpus, hindi rin alam kung bakit hindi sumisipot sa presscon si Cristine Reyes na kasama sa pelikula.

Anyway, inalam na rin namin kay Mr. Vincent kung kailan ang playdate ng Hating Kapatid nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos? “July 27” ang agad nitong sagot, pero may ilang araw pang natitirang shoot*ing days si direk Wenn Deramas. Nabasa namin kay Alfie Lorenzo na tila problema kung paano pag*tatagpuin ang schedule nina Judy Ann at Sarah.

Kay Alfie rin namin nalamang hindi pa man tapos ang movie
, binili na ng Star Ci*ne**ma ang TV at video rights ng movie na co-produced ng Viva Films at GMA Films. Kaya kahit ang GMA Films ang co-produ*cer ng movie, sa ABS-CBN mapapanood ang movie at sila ang magre-release ng video.


-------------------



Glitter Text Generator

Juday at Ryan, tuloy ang biyahe sa US



Juday at Ryan, tuloy ang biyahe sa US


Alfie Lorenzo


NAGKAKAPROBLEMA ang Hating Kapatid sa hatian ng mga araw para ganap nang matapos itong Judy Ann Santos-Sarah Geronimo movie.
I had a meeting with Viva Films’ Boss Vic regarding Juday’s schedules para sa papatapos na movie. Five days na lang pala ang natitira para ganap na matapos na ito.
Pero three days lang daw ang puwedeng maibigay ni Juday dahil itutuloy raw nina Juday at Ryan ang trip nila abroad na dati na nilang kinansela. Ako man ay nagulat din, kasi, hindi ko alam na itutuloy nila ang biyahe nila.
Nu’ng makumpirma na buntis na si Juday ay ina*yawan na ni Juday ang biyahe nila ni Ryan, kasi nga, baka matagtag daw sa biyahe ang dala ni Juday.
Pero nitong mag-three months na ang tiyan ni Juday ay puwede na raw magbiyahe dahil nakakapit na siguro ang bata at ‘di na matatagtag.
Okay lang for Boss Vic na bumiyahe ang mag-asawa. Gustong umalis nina Juday at Ryan sa Abril 27 para sa abroad na sila magdiwang ng kanilang first wedding anniversary.
Eh ang kaso, pagbalik ng mag-asawa sa Mayo 15 after Juday’s birthday ay wala na si Sara*h Geronimo at bumiyahe pa-Amerika para sa sunud-sunod na shows niya na tatagal nang one month.
Paano pa silang magsu-shooting na wala ang isa sa magkapatid? That is the big problem na ewan kung paanong masosolusyunan.
Unless si Juday na mismo ang gagawa ng paraan how to solve such a simple problem lang naman.
Pagbigyan kaya ni Juday ‘yung five shooting days na gusto ni Direk Wenn Deramas?
Pati ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer ay pinakiusapan na ni Boss Vic para kumbinsihin ni Ryan si Juday na tapusin na muna ang movie para wala na silang inaaala*lang chip on her shoulder at lubos nilang ma-enjoy ang trip nila na walang ina*alala since pati si Yohan ay kasama ng mag-asawa sa biyahe nila at ikukuha ng US visa.
Sa Amerika na pupunta sina Juday at Ryan.
Isa lang ang puwedeng maging bright solution diyan. Pasunurin si Direk Wenn sa Amerika at doon mag-shoot sina Juday at Sarah since pareho silang nasa Amerika.
O, debah, mas makaka*ganda sa pelikula na may US location pa? Sana nga, hindi na magtipid si Boss Vic para sa lalong ikagagan*da ng pelikula nina Juday at Sarah.
------------------

The YES! List ranks the top 20 stars who ruled the decade (2000-2009)

Ingrid Villafuerte



Share
15
On its tenth anniversary, YES! Magazine releases what could be its most controversial list to date: The YES! List of top 20 stars who ruled the decade.

The top story in its May issue, The YES! List of top 20 stars from 2000 to 2009 was not pulled out of thin air. Based on extensive research that included television ratings as provided by AGB Nielsen Media Research Philippines, box-office figures, record sales figures, and number of product endorsements, The YES! List is a product of quantitative data and qualitative insight. The sources are cited in detail in the article's postscript.

The YES! article's introduction says, "For this list, we surveyed each star's career only during the 10 years of YES! Magazine's existence... [This] sets an immediate time frame for who does and doesn't make the list."

The ten-year period also allows YES! to see the bigger picture and acknowledge stars who have had notable achievements in the earlier part of the decade even if they have had reversals of fortune in the later years, and vice versa.

"We interviewed as wide a range of industry insiders as we could—movie producers, network executives, creative talents, star-makers, entertainment reporters—relying on them for their expertise and wisdom," says YES!, which often called on this esteemed panel of insiders to settle disputes within the team as they sat down to do the actual ranking.

But if there's one thing that truly sets the star apart from the rest of his or her peers, it is his or her influence on pop culture. The magazine says, "To be a true ruler of the showbiz decade just past, a star had to have contributed to the ongoing cultural discussion—what we value, what we aspire to, how we identify ourselves."

Topping the list is Kris Aquino, who has "single-handedly redefined what celebrity means... she has blurred the lines between what's personal and what's public—and has exposed our insatiable appetite for both."

Second and third are Judy Ann Santos and Vic Sotto, respectively.

Also making it to the list are young stars Sarah Geronimo and Dingdong Dantes, Megastar Sharon Cuneta, and more.

Find out who else made the list and how they ranked by grabbing your copy of the May issue of YES!, available at newsstands, bookstores and supermarkets nationwide on Monday, April 19.

A digital edition of YES! is available for international subscribers. Visit PEP.ph for subscription details.

YES! Magazine is an affiliate of PEP, the Philippine Entertainment Portal
-------------------


Yes! Magazine ranks Top 20 stars who ruled the decade


On its 10th anniversary, YES! Magazine releases its latest list: Top 20 stars who ruled 2000-2009.

Based on extensive research that included television ratings as provided by AGB Nielsen Media Research Philippines, box-office figures, record sales figures, and number of product endorsements, The YES! List is a product of quantitative data and qualitative insight. The sources are cited in detail in the article's postscript.

Topping the list is Kris Aquino, followed by Judy Ann Santos and Vic Sotto, respectively. Included in the list are Sarah Geronimo and Dingdong Dantes and Megastar Sharon Cuneta.

Here is the complete and official list of YES!
1. Kris Aquino
2. Judy Ann Santos
3. Vic Sotto
4. Aga Muhlach
5. Robin Padilla
6. Claudine Barretto
7. Sharon Cuneta
8. Regine Velasquez
9. Ai-Ai delas Alas
10. Piolo Pascual
11. Willie Revillame
12. John Lloyd Cruz
13. Richard Gutierrez
14. Bea Alonzo
15. Marian Rivera
16. Dingdong Dantes
17. Angel Locsin
18. Sarah Geronimo
19 & 20 (tie) Michael V. and Ogie Alcasid

Glitter Text Generator

Gimik The Reunion!!!!













Glitter Text Generator

The Buzz mag










Glitter Text Generator



Tuesday, April 13, 2010

Juday, hindi takot lumobo!




Juday, hindi takot lumobo!
(RUEL MENDOZA)




HINDI natatakot si Judy Ann Santos na mu*ling lumobo ang katawan niya dahil nga nagdadalang-tao siya. Na-enjoy naman daw niya ng ilang taon ang pagiging sexy kaya this time ay ang baby na dinadala niya ang importante.


Nagbiro pa nga si Juday na nami-miss na raw niya ang dating katawan niya noong panahon na nagbibida siya sa soap drama na Esperanza. Kung noon daw ay tinanggap siya ng marami sa katawan niyang iyon, what more ngayon at buntis siya?


“May rason naman para tumaba talaga ulit ako. Hindi ko gugutumin ang sarili ko o ang baby para lang magmukha akong payat. Buntis ako at importante sa akin ang health ng baby namin ni Ryan (Agoncillo). Kahit ano ang gusto kong kainin, kakainin ko. Paba*yaan naman nila akong mag-enjoy sa pagbubuntis ko,” ngiti pa ni Juday.


Kelan lang nga ay nag-last taping na si Juday para sa drama series niya na Habang May Buhay.

Kailangan na raw kasing ipahinga ni Juday ang kanyang katawan para maging maayos ang pagbubuntis niya.


“Nalungkot nga ako kasi matatapos na ang Habang May Buhay. Parang kelan lang nagsimula kami after ng ilang years na tinatapos namin ‘yan.


“Mami-miss ko ang lahat na involve sa show. Kasi sila rin ang unang natuwa nang malaman nilang buntis ako at sila na rin ang nagsabi na I need to rest para ma-enjoy ko ang pagbubuntis ko.”


Kinatuwa nga ni Juday na pareho pa sila ng co-star niyang si Gla*dys Reyes na nabuntis habang ginagawa nila ang Habang May Buhay.


“Kaya nga tawag namin sa mga anak namin ay mga Habang May Buhay Babes. Kasi nga sabay kami sa lahat ng bagay ni Gladys. Mula pa noong Mara Clara na sabay kaming nagbida hanggang sa pagbubuntis ko. At least siya, may dalawang anak na. Ako una pa lang ito. Kaya magandang sign nga ang pagbubuntis namin. Blessing para sa aming dalawa ang taong ito.”


Tinatapos na lang nga ni Juday ang ilang eksena pa niya sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Pagkatapos noon ay diretso na sa pagpapahi*nga si Juday hanggang sa manganak ito. And due date nga ni Juday ay sa October 2010.


Siyangapala, sa April 28 ay ise-celebrate nina Juday at Ryan ang first year wedding anniversary nila.
Glitter Text Generator

Judy Ann Santos is enjoying her pregnancy




"Hindi naman ako madaling mapikon. Hindi naman ako madaling mabuwiset. Ayoko ng may mga negative ako na nararamdaman. Ayokong magalit. Marami lang na fats na nadaragdag. Yung mga pag-itim ng mga bagay-bagay, hindi ko na lang siya pinapansin. May concealer naman!" says Judy Ann Santos about her pregnancy.

Noel Orsal
Judy Ann Santos is enjoying her pregnancy

Rose Garcia

Tuesday, April 13, 2010
01:50 PM
Rating




Share
Sa pagharap ni Judy Ann Santos sa kamera noong Sabado, April 10, para sa birthday presentation ng asawang si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga!, nakita ng publiko that the actress is blooming and glowing sa kanyang pagbubuntis sa kanilang anak.

Mahigit tatlong buwan na ang dinadala ngayon ni Juday.

"Three months and two weeks. Sabi naman nila, sa first pregnancy mo, hindi mo alam kung gumagalaw na siya. E, according dun sa binabasa ko, as early as two weeks, gumagalaw-galaw naman na siya. Pero siyempre, hindi mo mararamdaman kasi yun ang mga development na stage, di ba? So, hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari sa kanya," sabi ni Juday sa panayam sa kanya ng Showbiz Central.

Hindi naman daw mahirap ang pagbubuntis ni Juday.

"Hindi naman ako madaling mapikon. Hindi naman ako madaling mabuwiset. Ayoko ng may mga negative ako na nararamdaman. Ayokong magalit. Marami lang na fats na nadaragdag. Yung mga pag-itim ng mga bagay-bagay, hindi ko na lang siya pinapansin. May concealer naman!" natatawa niyang sabi.

"And so far," patuloy ni Juday, "hindi ko pa naman sinisisi si Rye sa mga nangyayari! Masaya. Nae-enjoy ko siya at saka ang dami kasing nag-aalaga sa akin."

Instead na magselos, masaya raw si Juday na nakikita niyang excited ang adopted daughter nila ni Ryan na si Yohan sa pagdating ng kapatid.

"Every day, kinakausap niya yung baby. Every day, parang gusto niyang pumasok sa tiyan ko para makapaglaro na siya sa kapatid niya. Ano siya, para pa nga siyang tatay na kapag nakita lang siyang may bagong kulay akong iniinom, 'Mommy, you're drinking wine?' Pinagagalitan ako niyan. Or, 'Mommy, you're wearing heels!' Ganun siya ka-protective sa akin," kuwento ni Juday.

Nabanggit din ni Juday na itutuloy pa rin nila ni Ryan ang kanilang trip abroad. May adjustment na nga lang daw sa supposedly ay second honeymoon nila.

"Supposedly nga, second honeymoon. But since hindi kami makakapunta sa lugar na mapapagod ako, malamang mag-Amerika na lang kami. Yung birthday treat niya, anniversary and siyempre yung birthday ko," saad niya.

Glitter Text Generator