@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 30, 2010

Ryan Agoncillo is touched by friends’ efforts to help his wife Judy Ann Santos with her pregnancy


Ryan Agoncillo is touched by friends’ efforts to help his wife Judy Ann Santos with her pregnancy
by Bernie Franco | March 28, 2010 11:49 PM | Share this article

Matapos ang itanggi ang mga maling balitang nagkaroon daw ng miscarriage si Judy Ann Santos, tila ini-enjoy naman niya at ng asawang si Ryan Agoncillo ang pagbubuntis ng aktres. Iniulat sa The Buzz kahapon na sa pagtindi ng paglilihi ni Judai ay natataranta naman ang kanyang actor-host na asawa. “Hindi naman siya ‘yung demanding na ‘di ako makakauwi ng bahay hangga’t wala akong dala ng hinihingi niya pero nagiging fun na rin kasi,” simula ni Ryan. “Never naman siyang mahiling na tao so once humiling siya, it becomes a fun thing sa mga friendsna tawagan, text-an, (sagutan) namessages sa Facebook. It’s become a little treasure hunt for everybody.”

Paliwanag pa ni Ryan, dating mahilig sa isda at gulay, ayaw na muna ni Judai ngayon ng isda at hindi mahilig sa gulay samantalang madalas humanap ng karne na dati naman niyang hindi masyadong kinakain.

Pero ang pinakamalaking hamon so far na nangyari kay Ryan ay nang humiling si Judai ng burger mula sa isang burger chain na sa US lamang mayroon. “Nag-text siya sa akin gusto raw niya ng In-N-Out Burger.Saan ka maghahanap ng In-N-Out dito sa Pilipinas?” kuwento ni Ryan. Nang itanong daw niya kay Judai kung ilang araw na palugit meron siya, sinagot daw ni Judai na basta hindi siya puwedeng umalis ng bansa. Naglagay daw siya ng mensahe sa Facebook na humihingi ng tulong mula sa mga kaibigan na nasa America.

Hindi naman nabigo si Ryan dahil may mga kaibigan siyang mula sa US ang nag-balik-bayan at dala na ang burger ni Judai makalipas ang ilang araw. “Pagkakita pa lang niya (Judai) alam na niya ‘yung kahong pinaglalagyan nun, eh.” Pero nilinaw ni Ryan na mas natutuwa umano si Judai sa katotohanang maraming taong nagmamahal sa kanila ni Ryan at gumagawa ng mga bagay na mahirap masigurado lamang na nasa mabuti siyang kalagayan. “I guess natuwa siya dun sa fact na maraming gustong magpasaya. More than the burger, it’s the thought that made her happy,” kuwento ng actor-host.

Sabi naman ng The Buzz host na si Kris Aquino dahil daw sa pagiging mabait ng mag-asawa ay maraming tao ang tumutulong upang ibalik ang kabutihan nila.


Glitter Text Generator

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos postpone their Europe trip

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos postpone their Europe trip
by Heidi Anicete | March 31, 2010 9:21 AM | Share this article

Just a few months ago, husband-and-wife Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos were pretty vocal regarding their plan to go for a grand month-long vacation this coming summer. According to them, it is supposed to be their second shot for an intimate honeymoon and an organized birthday treat to themselves. But now that they have a baby along the way, it seems that their summer plans have to change. Instead of exploring the outdoors, like they usually do, they said that they now prefer staying at home.

In a short interview with Showbiz News Ngayon, Ryan himself confirmed that he and Judy Ann will be postponing their Europe adventure. Apparently, they are very concerned with their baby’s welfare, so long and strenuous trips as such will have to wait. As Ryan himself phrased, “Di muna sa ngayon. We’ll wait for two to three months for the ultrasound. Then kapag okay naman yung baby, then tsaka na lang ‘don.”


Glitter Text Generator

Judy and SArah








Glitter Text Generator

Excited dad Ryan Agoncillo shares details about Judy Ann's pregnancy



Excited dad Ryan Agoncillo shares details about Judy Ann's pregnancy


TV5 host Ryan Agoncillo is set to do several acting projects this year. The husband of Judy Ann Santos gives a nervous laugh, because even if he's had drama stints with ABS-CBN before, "kinakabahan pa rin," he says.

Excited dad Ryan Agoncillo shares details about Judy Ann's pregnancy

Rose Garcia

Rating

Hindi na natuloy ang planong second honeymoon ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil bago pa man sila makaluwas ng bansa, nakumpirma nila ang pagdadalang-tao ni Juday.

"Actually, sabi ng doctor, puwede namang mag-travel. Hindi naman 'yan 100% sure na may mangyayari or hindi rin niya mabigay na 100% sure na walang mangyayari, so, all the risk is our own. So, we decide na huwag na lang," bungad ni Ryan.

Kaso fully-booked na rin daw ang mga resort this Holy Week, lalo na yung mga lugar na pasok sa requirements ng mag-asawa.

Kuwento niya, "We need a pool for Yohan, at hindi kasi puwedeng public pool sa buntis. Kailangan it's a [private] pool, di ba? E, it can't be a common pool. Naubusan kami ng resort na may sariling pool ang villa. 'Tapos, yung iba naman na may private, masyadong mahaba ang biyahe. May lipad na, may boat pa."

JUDAY'S PREGNANCY. Nagkuwento rin si Ryan tungkol sa pagbubuntis ni misis.

"Well, yung pagsusuka, hindi naman madalas. Hindi naman violent. Yun ang tinanong ng doctor, e, kung violent. It's not. And then, madali lang siyang antukin ngayon, which I think is usual. May cravings at meron din siyang amoy na hindi niya ma-take, gaya ng isda at gulay.

"It's different for her. She doesn't wanna eat beef and pork but now, she eats beef and pork."

On their daughter Yohan, excited na rin daw ito na maging ate.

Tantiya raw ni Ryan, nasa two months and two weeks na ang ipinagbubuntis ni Juday ngayon. Tinatapos na lang ni Juday ang mga commitments niya.

"Right now, she's finishing commitments na lang na natanguan na niya noon. Hindi na muna siya tatanggap ng mga bagong commitments kung mabigat din kasi. I know tumanggap siya ng commercial, madali lang naman, one day shoot lang naman, pictorial, one day shoot lang. Pero yung mga long-term commitments, wala, wala muna," sabi ni Ryan, na ang talent manager ay si Noel Ferrer.

Noong kausap namin si Ryan sa launching ng TV5, naikuwento niyang one taping na lang si Juday sa Habang May Buhay, isang TV series sa ABS-CBN, while her movie with Sarah Geronimo ay less than a week na lang daw ang shooting. Yung pelikula naman daw with Marilou Diaz-Abaya ay magkakaroon na lang ng ilang changes na, sa pagkakaalam niya, posibleng mag-inject ng pregnancy sa story.

Dugtong ni Ryan, "Ang original plan naman nun is to finish it before April ends. So, after that, parang pahinga na lang muna."

Hindi naman masagot g host ng Talentadong Pinoy ang sinasabing inuulan na ng endorsements ang baby nila kahit na nasa tummy pa lang ito ni Juday.

"Hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi sa akin. Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Baka nasa level pa lang ni Juday at hindi pa niya tinatanong sa akin, so, wala pa akong awareness," aniya.

If ever, okay sa kanya?

Sogot ni Ryan, "Siguro pag-aralan na lang natin kapag nandiyan na. We'll study. I'll study it. Pero sa ngayon, hindi pa ako makapag-comment kasi, wala pa namang nakakarating sa akin."

GROWING WITH TV5. On the other hand, masasabing isa si Ryan sa mga artistang unang nagtiwala sa TV5. Nagsimula siya bilang host ng Philippine Idolnoong 2006.

Nakita niya ang halos lahat ng major developments na pinagdaanan ng network.

Ang mahabang kuwento ng host-actor, "Alam mo, maganda, kasi I started with TV 5 when it was still ABC 5, noong si Mr. [Tonyboy] Cojuangco pa ang may-ari, and when the Malaysian came in and, now, MVP [Manny V. Pangilinan]. Masaya. There was mutual trust naman from the beginning with channel 5.

"Sila Mr. [Robert] Barreiro, sila Mr. Percy Intalan ang pumusta sa akin noon.Philippine Idol. We grew together. Napagkukuwentuhan namin. Ang crew ko ngayon sa Talentadong Pinoy, sila yung crew ko sa Philippine Idol. Yung staff and crew...So, kuwentuhan. Pare-pareho kaming nakikita namin ang growth ng TV5.


"Noong nag-launch kami dati, kami-kami lang. When the Malaysian came in, dumami ng konti. Now, we see new faces, it's a little happier."

May mga bagong addition na rin sa kanilang pamilya na ang bago nga nilang term of endearment ay "kapatid?"

"Masaya kasi, nakikita ko na lumalaki ang pamilya ng TV5. At 'yun nga, mas masaya ang pamilya kapag maraming kapatid."

Positive ba siya na makakaya ng TV 5 makipagsabayan sa dalawang giant networks?

"Ah yeah, I've always been a believer of TV5. Steady growth. It might not be an overnight thing, but we're steadily [growing]. From my experience in Philippine Idol, it's very different now five years ago."

At this point, ano pa ang mai-expect sa kanya ng viewers bilang isang Kapatid?

"Well, I'll be part of PO5, which is a Sunday noontime show. Mawawala ang Sunday, pero, napakiusapan naman si Noel Ferrer na bigyan ako ng ibang day-off. Like yung Saturday naman talaga, wala akong trabaho.

"Tapos yung Talentadong Pinoy, naging two days na—Saturday and Sunday. And then, yung project line-up for me, I don't know kung matutuloy pa but I hope, matuloy. I'll be guesting on Maricel Drama Special and there's a sitcom in the pipeline, probably a few months from now. Nasa development stage pa lang [with] direk Joey Reyes on the helm, so, sana matuloy. We'll see."

Pero we learned na aside from those projects he mentioned, he will also be featured in the 5 Star Drama Special, na pagkatapos ng pilot series nito featuring Maricel Soriano ay susundan nina Ruffa Gutierrez, JC de Vera, and then, Ryan. Yung spot niya ay itataon sa Father's Day.

"Well, actually, hindi ko naman talaga forte ang drama but I'm really thankful with the opportunity to do drama. The works is always good and, of course, the money is good. Pero, tuwing nabibigyan ako ng chance, palagi akong kinakabahan hanggang ngayon."

Bukod dito, he will also be doing a one movie project every year sa film outfit naman ng TV5.

Glitter Text Generator

Ryan, nangarag sa paghahanap ng imported burger para kay Juday

Ryan, nangarag sa paghahanap ng imported burger para kay Juday

Author: Vinia Vivar

Nakatsikahan namin si Ryan Agoncillo sa grand launch ng TV5 last Thursday sa World Trade Center at siyempre ang una naming kinumusta sa kanya ay ang paglilihi ng kanyang asawang si Judy Ann Santoswho, as we all know, ay two months pregnant now.

"Parang ako 'yung tulog nang tulog, eh," say niya. "Hindi, okay naman. Magaan 'yung paglilihi niya. Hindi naman siya nagsusuka, parang minsan ko lang siyang nakitang nagsuka, pero normal naman yata 'yun. "

Tungkol sa pagkain, wala naman daw itong mahirap na hinahanap like one time, nag-request daw ito ng isang specific barbecue na ayaw na niyang sabihin kung anong restaurant.

"Bale, ang nangyari, hindi ko kasi alam kung saan may branch, so nagtatatawag ako sa mga kaibigan ko, tapos, naghanap sa Internet, tapos 'yung isang kaibigan ko, nahanap, kaso, 9:30 p. m. daw nagsasara ang mga branches, pero tinawagan 'yung isang branch, nagpaluto, ayun hinintay ako hanggang alas-onse, so, ayun, sarado na sila pero may naitabing limang piraso na naiuwi ko naman," kuwento niya.

Last Friday naman daw habang nagsu-shooting si Juday ay nag-text ito sa kanya na gusto nito ng In N Out burger na nabibili lang sa U. S.

"Sa LA lang meron nu'n, sa West Coast lang, so nag-text ako sa kanya, 'ilang araw meron ako?' Tapos, tumawa, 'basta hindi ka puwedeng umalis'. Eh, sabi ko talaga, bigyan mo lang ako ng ilang araw, aalis talaga ako, kukunin ko 'yun.

"Eh, 'di hindi na namin pinansin, nagtawanan na lang kami, dun nagtapos. Ang ginawa ko, nu'ng gabi, nag-shout-out ako sa Facebook, sabi ko "guys on the West Coast, help me. " So, ang daming mga pinsan, mga uncle na sumagot. Then, 'yung thesismate ko na taga-PAL, 'yun ang nag-respond.

"Kagabi, dumating. Limang cheeseburger. Nagtitili si Juday," kuwento ni Ryan.

Sa ngayon ay ine-enjoy daw nila ang bawat araw sa paglilihi stage ni Juday at masaya naman daw siya na ibinibigay ang mga nire-request nito. Say nga niya, para lang daw silang naglalaro at hindi naman siya nahihirapan.

Sa tanong kung hihila-hin niya ba si Juday sa TV-5, aniya, "naku, kanya-kanya naman kaming diskarte. Depende naman 'yun kung ano, eh, lagi namang magkahiwalay ang talks namin, eh. "

Sa ngayon ay dalawa ang shows ni Ryan sa Singko, ang Talentadong Pinoy at ang variety na Party on 5 na magsisimu-la pa lang. Ang nakatutu-wa, puwede rin siya sa ibang network dahil as we all know, napapanood din natin ang TV host/actor sa Eat Bulaga bilang co-host.



Glitter Text Generator

Judy Ann, biktima ng malisyosang tweet


Judy Ann, biktima ng malisyosang tweet

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

Author: Vinia Vivar

NABULABOG ang showbiz kahapon dahil may isang taong nag-tweet sa Twitter na nagkaroon ng miscarriage si Judy Ann Santos.

Siyempre, nagulat ang lahat ng nakabasa sa malisyosang tweet, lalo na ang mga kaibigan ng aktres kaya tsinek agad kay Juday kung totoo ang balita.

It turned out na false alarm pala dahil may kumumpirma sa amin na kahapon ng tanghali, kasalukuyang nasa Greenbelt sa Makati si Juday at buong ningning na may ka-meeting.

Wala yatang magawa ang nag-tweet na 'yon at pati ang nananahimik na tao ay ginagawan ng maling balita.


------------------


NAKAKATUWA naman itong si Ryan Agoncillo.

Wala siyang hindi pinagbibigyan sa mga hinihiling ng naglilihing asawa na si Judy Ann Santos. One time raw, Juday wanted na kumain ng isang klase ng fried chicken na nang puntahan ni Ryan ang restaurant na nag-o-offer nu'n, eh, nakasara na ito.

Poor, Ryan, he begged daw for the restaurant manager to cook even just one piece of chicken for Juday.

Nag-oblige naman kaagad ang nabanggit na restaurant manager.

Kung sabagay, how can you say no to a celebrity, especially if it's for Ryan at ang humihiling ng food ay si Juday?

* * *


Beware of poseurs on Twitter

Beware of poseurs on Twitter

Author: Mario E. Bautista
Column: Dream Factory

SO many writers rely on Twitter for showbiz news, but they should be careful as some stories there are fabrications.

Best example is the report that Judy Ann Santos had a miscarriage that naturally worried all her friends and relatives as they know how hard Juday and hubby Ryan prayed for their baby. If it's meant to be a joke, it's a very bad one. Ryan had to make a denial in "Eat Bulaga" to disprove this.

Another example is Regine Velasquez attacking Arnel Pineda's rendition of "Lupang Hinirang" in her Twitter account. It turns out Regine isn't on Twitter and an impostor is just using her name. Even Ogie Alcasid is amazed at how Regine's impersonator knows all about her moves and reports them all in the account. The poseur is now even circulating many negative stories about other stars using Regine's name. Don't these poseurs have a life of their own? Can't Twitter itself do anything to prevent fans from assuming the identities of their idols?


Glitter Text Generator

Sunday, March 28, 2010

Juday, sunud-sunod ang suwerte


Nagkataon nga lang ba o sadyang malaking swerte ang hatid ng teleseryeng Habang May Buhay para kina Juday, Joem Bascon, De rek Ramsay, at Gladys Reyes?

Mula kasi nang umere ang nasabing primetime soap, nagkasunod-sunod na ang magagandang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing karak ter ng programa. Si Joem, nakatakdang maging bahagi ng isang bagong indie movie. Si De rek, tinaguriang “Universal Leading Man” ng local showbiz dahil sa dami ng kanyang movie at TV projects, bukod pa sa dumaraming product endorsements.

Si Gladys naman, mula nang muling lumabas bilang kontrabida ay sunod-sunod na ang TV guestings at isa na rito ang pagiging isa sa mga hurados ng Showtime. Syempre, sino pa bang hindi nakaaalam ng masayang pagbubuntis ni Juday matapos ang pagpapakasal noong nakaraang taon?

Nagkataon man o hindi, walang dudang wala na ngang bumibitaw sa top-rating show ng Queen of Pinoy Soap Opera Ms. Judy Ann Santos.

At ngayong linggo sa Habang May Buhay, tiyak na ikagugulat ng lahat ng loyal viewers nito ang mga susunod na pangyayari sa buhay nina Nurse Jane (Judy Ann Santos), David (De rek Ramsay), Raon (Joem Bascon) at Clarissa (Gladys Reyes).

Matapos ang mga maiiinit na kumprontasyon sa pagitan nina Jane, David at Clarissa kaugnay ng pagbubuntis ng doktora, isang hindi inaasahang tagpo sa ospital ang maglalantad sa itinatagong sikreto ni Clarissa.

Malalaman ni Jane na hindi si David, kundi ang kasintahan ng doktora na si Rod, ang tunay na ama ng pinagbubuntis nito.

Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na ka yang sumuko si Clarissa sa pag-ibig niya kay David o isang malupit na higanti ang ihahanda niya para matuloy ang mga plano niya?

Anong magiging reaksyon ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) sa ginawang pagsisinungaling ni Clarissa—kakalabanin ba niya ito o makiki pagsabwatan upang patuloy pa ring paghiwalayin sina Jane at David?

At sa paglabas ng katotohanan, mahanap kayang muli ni Jane sa puso niya ang pagpapatawad sa lalaking kanyang minamahal?

Patuloy na pakatutu kan ang programang gabi-gabing nagpapakilig, nagpapaluha at nagbibigay-pag-asa sa mga manonood. Para sa karagdagang updates, mag-logon sa http://hmbonline.multiply.com o sa www.abs-cbn.com.

------------------------------


Ryan, nangarag sa paghahanap ng imported burger para kay Juday
Mar 27, '10 10:24 PM







by Vinia Vivar
Saturday, 27 March 2010 18:55
Nakatsikahan namin si Ryan Agoncillo sa grand launch ng TV5 last Thursday sa World Trade Center at siyempre ang una naming kinumusta sa kanya ay ang paglilihi ng kanyang asawang si Judy Ann Santos who, as we all know, ay two months pregnant now.

“Parang ako ’yung tulog nang tulog, eh,” say niya. “Hindi, okay naman. Magaan ’yung paglilihi niya. Hindi naman siya nagsusuka, parang minsan ko lang siyang nakitang nagsuka, pero normal naman yata ’yun.”

Tungkol sa pagkain, wala naman daw itong mahirap na hinahanap like one time, nag-request daw ito ng isang specific barbecue na ayaw na niyang sabihin kung anong restaurant.

“Bale, ang nangyari, hindi ko kasi alam kung saan may branch, so nagtatatawag ako sa mga kaibigan ko, tapos, naghanap sa Internet, tapos ’yung isang kaibigan ko, nahanap, kaso, 9:30 p.m. daw nagsasara ang mga branches, pero tinawagan ‘yung isang branch, nagpaluto, ayun hinintay ako hanggang alas-onse, so, ayun, sarado na sila pero may naitabing limang piraso na naiuwi ko naman,” kuwento niya.

Last Friday naman daw habang nagsu-shooting si Juday ay nag-text ito sa kanya na gusto nito ng In N Out burger na nabibili lang sa U.S.

“Sa LA lang meron nu’n, sa West Coast lang, so nag-text ako sa kanya, ‘ilang araw meron ako?’ Tapos, tumawa, ‘basta hindi ka puwedeng umalis’. Eh, sabi ko talaga, bigyan mo lang ako ng ilang araw, aalis talaga ako, kukunin ko ’yun.

“Eh, ’di hindi na namin pinansin, nagtawanan na lang kami, dun nagtapos. Ang ginawa ko, nu’ng gabi, nag-shout-out ako sa Facebook, sabi ko “guys on the West Coast, help me.” So, ang daming mga pinsan, mga uncle na sumagot. Then, ’yung thesismate ko na taga-PAL, ’yun ang nag-respond.

“Kagabi, dumating. Limang cheeseburger. Nagtitili si Juday,” kuwento ni Ryan.

Sa ngayon ay ine-enjoy daw nila ang bawat araw sa paglilihi stage ni Juday at masaya naman daw siya na ibinibigay ang mga nire-request nito. Say nga niya, para lang daw silang naglalaro at hindi naman siya nahihirapan.

Sa tanong kung hihila-hin niya ba si Juday sa TV-5, aniya, “naku, kanya-kanya naman kaming diskarte. Depende naman ’yun kung ano, eh, lagi namang magkahiwalay ang talks namin, eh.”

Sa ngayon ay dalawa ang shows ni Ryan sa Singko, ang Talentadong Pinoy at ang variety na Party on 5 na magsisimu-la pa lang. Ang nakatutu-wa, puwede rin siya sa ibang network dahil as we all know, napapanood din natin ang TV host/actor sa Eat Bulaga bilang co-host.

Glitter Text Generator

Thursday, March 25, 2010

SNN: Judai Exclusive first tell all interview about her pregnancy.....continuation!







Glitter Text Generator

Ryan Agoncillo reveals funny anecdotes about wife Judy Ann Santos's pregnancy


Ryan Agoncillo reveals funny anecdotes about wife Judy Ann Santos's pregnancy


"Sobrang lambing siya. Pero napapansin ko napapadalas ang hampas at batok! Tapos ang bago niyang hobby ay pagtawanan ako. Paggising ko pa lang, paglabas na paglabas ko ng bahay, natatawa siya. Hindi ko alam kung ano yung nagawa ko basta na lang siya natatawa," narrates Ruan Agoncillo about Judy Ann Santos, who is two months pregnant.

Ryan Agoncillo reveals funny anecdotes about wife Judy Ann Santos's pregnancy

Rommel Placente

Rating

Mula nang sumikat ang talent show ng TV5 na Talentadong Pinoy, hosted by Ryan Agoncillo, ay marami nang naglabasang ibang talent shows na halos kapareho ng format nito tulad ngShowtime at Pilipinas Got Talent na parehong napapanood ABS-CBN atBitoy's ShoWWWtime at Diz Iz It ng GMA-7.

Sa guesting ni Ryan sa showbiz talk show ng TV5 na Juicy ay tinanong si Ryan kung ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng Talentadong Pinoy sa ibang talent shows.

"Ito ang kauna-unahang talent show na lumabas. Tapos ang bida rito yung nga talentadong Pinoy talaga, wala nang iba," sagot ni Ryan.

Ibinalita rin ni Ryan na makakasama na nila sa Talentadong Pinoy si Ruffa Gutierrez bilang isa sa resident judge.

"Ruffa is joining us dahil siya ang pinakabago nating Kapatid sa TV5. Nandiyan siya with us all the time," sabi niya.

Ang isa pang pagbabago sa Talentadong Pinoy, ayon kay Ryan, ay puwede nang mag-join ang isang grupo na may sampung miyembro unlike before na lima lang ang maximum members sa bawat grupo.

WORKING FOR THREE STATIONS. Hindi lang sa TV5 may show si Ryan, maging sa GMA-7 ay meron din. Isa siya sa bagong dagdag na host sa Eat Bulaga!. Katatapos lang din siyang mapanood sa comedy series na George and Cecil ng ABS-CBN, nkasama ang misis niyang si Judy Ann Santos.

Si Ryan ang isa sa mga artista na puwedeng lumabas sa kahit saang istasyon. Paano ba naba-balance ni Ryan ang paglabas-labas niya sa tatlong istasyon?

"Unang-una yung genius dun sa opportunity na mag-work sa kahit anong station, nanggagaling 'yan sa management team ko. Sila yung mga nag-iisip ng diskarte. And sila rin yung may magandang bilin sa akin. Kasi ang bilin lang naman nila, as long as ginagawa mo yung trabaho mo nang higit pa sa expected sa 'yo and then mabuti kang makisama sa mga Dabarkads tulad dun sa Eat Bulaga!, mabuti yung pakikisama dun, so hindi nila ite-take against you na na meron ka ring ibang pinagsisilbihang istasyon. Ganundin naman sa ABS, sa mga Kapamilya, maganda rin naman ang pakikitungo, lalo na sa TV5.

"And eto na, I signed up with TV5 already. It's a non-exclusive contract. Kasi ang nangyari, nag-offer yung both stations, yung ABS and yung GMA ng...maganda rin naman yung opportunities. Pero kinakailangan na bitawan ko yung Talentadong Pinoy which for me, hindi yata negotiable yun. So yung TV5, their offer was even more generous dahil hindi nila ako pinag-quit ng Eat Bulaga! and also, merong nakalagay sa kontrata ko na kung sakaling kailanganin pa ako ng ABS for future project with my wife, pwede pa akong gumawa ng project," mahabang paliwanag ni Ryan.

JUDAY'S PREGNANCY. Buntis na ngayon si Juday. Ano ba ang ini-expect nilang maging baby—boy or girl?

"Well, yun nga yung pinag-uusapan namin nung isang gabi, kung gusto ba naming alamin yung kasarian with the ultrasound. Sa ngayon, she is pregnant two months and a week. So by the fourth or fifth month pa malalaman yung gender. Pero kung saka-sakali gusto ko sana baby brother for Yohan. Kasi may baby girl na kami, so baby boy sana. Pero basta healthy, mapa-babae or lalaki, game!" excited na sabi ni Ryan.

Si Yohan ang adopted daughter nina Ryan at Juday.

Maarte bang magbuntis si Juday na gaya ng ibang buntis?

"Hindi naman siya maarte. Actually, magaan yung kanyang pagdadalang-tao. Pero ma-request lang siya. Gaya kagabi, nasa may Pasig na ako, e, pauwi na ako. Kaso nag-text [si Juday]. Kailangan daw niya ng certain pagkain at may brand. Bumalik ako from Pasig papunta ng North Edsa, naglakad-lakad ako, naghanap talaga ako. Hanggang umabot sa wala na kaming makitang branch na bukas. Pinuntahan mismo namin yung komisaryo. Sarado na yung branch. Yung manager naman, e, sabi ng kaibigan ko, 'Boss pagbigyan mo na, si Judy Ann Santos ang naghahanap. Hindi makakauwi si Ryan Agoncillo ng bahay.' So, tinawagan nung manager yung isang branch, pinabukas, nagpaluto. Pinuntahan ko na lang doon!" natatawang kuwento ni Ryan


Kadalasan din ng babaeng naglilihi, yung iba ay malambing sa asawa, yung iba ay naiirita naman. Si Juday ba ay malambing o naiirita sa kanya?

"Sobrang lambing siya," sagot ni Ryan. "Pero napapansin ko napapadalas ang hampas at batok! Tapos ang bago niyang hobby ay pagtawanan ako. Paggising ko pa lang, paglabas na paglabas ko ng bahay, natatawa siya. Hindi ko alam kung ano yung nagawa ko basta na lang siya natatawa."

Parehong artista sina Ryan at Juday. Kung sakali bang magkahilig din ang magiging baby nila paglaki nito sa pag-aartista, papayagan ba nila ito?

"Alam ninyo, isa rin 'yan sa mga napag-usapan namin ni Juday especially with Yohan now growing up. Si Yohan kasi marami na kaming tinanggihang commercials. Kasi kailangan siguro lahat ng elemento sa pag-shoot ng commercial, yung istorya, yung produkto, kailangan tama and yung timing doon sa bata. Tinanong namin si Yohan kung gusto niyang gumawa ng commercial. Ngayon, medyo shy pa siya. 'So sige, huwag nating gawin,'" sabi ni Ryan.

FIRST WEDDING ANNIVERSARY. Sa April 28 ang first wedding anniversary nina Ryan at Juday. Paano nila ise-celebrate ang kanilang anibersaryo ngayong buntis si Juday?

"Well, hindi naman ipinagbabawal pa ng doktor yung mag-travel si Juday kasi hindi naman maselan yung pagbubuntis niya. So it's really up to us...up to her kung gusto niyang mag-travel. Pero gusto pa rin niya, e. So titingnan namin kung saan yung safe na puntahan na hindi siya mapapagod. As of now, it looks like...we'll be taking short trips around Asia. Or baka sa Amerika na lang kami magpunta kasi yung mga pamilya namin nandoon."


Kasama rin ba sa trip nila abroad si Yohan?

"Yun ang gusto namin," sagot ni Ryan.


Glitter Text Generator

Wednesday, March 24, 2010

Behind the Scenes of "Ikaw Ang Pag-ibig"








Behind the Scenes of "Ikaw Ang Pag-ibig"


On what was to be recorded as one of the hottest days for the year, principal photography started on the feature length film "Ikaw Ang Pag-ibig" starring Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Marvin Agustin, Vivian Velez, Christopher de Leon, and Yogo Singh.

We're well into our third week of production and the momentum and pace have picked up but the energy and vibe on the set have remained positive and fun. The Marilou Diaz-Abaya Film Institute and Arts Center puts a premium on practical hands-on experience on the set as part of its approach to film education.

Apart from classroom lectures and drills, students get to work alongside and be mentored by their instructors on an actual shooting set, under the direction of none other than MDAFI President and Director of Studies, Marilou Diaz-Abaya!

"Ikaw ang Pag-ibig" is a joint production of UNITEL, MDAFI, and the Archdiocese of Caceres, in part of the TRI-CENTENNIAL celebration of our Lady of Penafrancia, the patroness of the Bicol Region. Viva La Virgen!













Glitter Text Generator